Manami's POV
Argh!! Ang sakit ng ulo ko!!! Agad akong bumangon pero nagulat ako sa nakita ko.
"Binabantayan nya ako....." Bulong ko. Nakita ko kasi si andrei na natutulog sa tabi ng kama ko. Nakahawak pa nga sya sa kamay ko.
Napatingin naman ako sa wall clock ng ospital. 1:34 AM palang. Ang aga ko palang nagising.
Bigla namang tumunog ang tyan ko. Napatingin naman ako kay andrei, baka kasi magising ko sya.
Pero teka! Bawal na ngayon ang estudyante dito ah!! May curfew nga kasi diba!?
"Hmm...." Nagulat ako ng bigla syang dumilat. Napatingin sya sakin ng may gulat sa muka..... Nakakita kaya sya ng multo???
"M-may mu-multo ba s-sa li-likod ko?" Kinakabahang tanong ko. Malay mo!! Takot pa naman ako sa multo.
"W-wala!! Nagulat lang ako!!" Sabi nya sakin.
Bigla namang tumunog ang tyan ko, napatingin naman ako sa kanya. Bakit naman sya nakangisi????
"G-gutom ako!" Sigaw ko.
"Sshh, wag kang maingay! Ikukuha na lang kita sa dorm." Sabi nya sabay teleport.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin sya bumabalik!!! Asan na sya!! Akala ko ba kukuha lang sya ng pagkain!!!
"SORRY!!!" Sabi ni Andrei. Napapansin ko, iba ang pinapakita nyang ugali sa ibang tao. Pero yung mga malapit sa kanya.... Ang kulit nya!! "Bat ka nakatitig?? Baka mainlove ka lalo nyan!!" Loko talaga tong lalaking to oh!!!
"Bakit ba ang tagal m----" napatigil ako ng makita ang dala nyang container. May prutas at kung ano-ano don. "Sabihin mo nga, pinapataba mo ba ko!?"
"Hindi! Tutal naman, isang buong araw kang tulog, pang tanghalian mo na yan at pang hapunan." Sabi nya sabay bukas ng container.
"Ikaw, Kumain ka na ba?" Tanong ko, muka naman kasi syang hindi Kumain. Nakita ko ang paglunok nya. Ha! Huli ka!! "Bakit hindi ka kumakain?" Inis na tanong ko sa kanya. Masama kaya ang magpalipas ng gutom!!!
"Eh kasi tulog ka, wala akong kasabay!" Kamot batok nyang sabi sakin.
"Hati na lang tayo dito!" Sabi ko. Inagaw ko naman ang container tsaka umayos ng upo sa kama. Humiga naman sya at niyakap ang bewang ko.
"Mamaya nalang ako, pagtapos ka na." Sabi nya sakin tsaka pumikit.
"Hindi mo naman kasi kaylangang gawin yon!"
"Gawin ang?" Tanong nya sakin.
"Ang bantayan ako magdamag!" Sermon ko sa kanya. Kainis kaya sya!!!
"Ginusto ko naman yun..." Naka-nguso nyang sabi. Imagine, the cold and heartless boy noon ay ngumunguso sa harapan ko ngayon.
"Tsk." Sabi ko tsaka kumain.
***
(Two days later!)
Kainis ah!! Ngayon lang uli ako nakapasok. Pinagpahinga nila ako kahit magaling na ako. Natamaan lang naman ako ng dark ball, hindi ako baldado!!
Napangiti ako ng nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom. Pero nawala ang ngiti ko ng wala man lang isang tao sa loob.
Nasan na sila??
"Miss, taga dyan ka bang class?" Tumango naman ako kay kuya. Oy, hindi ko sya kamag-anak!! Di ba pag hindi mo kilala yung lalaki kuya itatawag mo sa kanya!!
"Kasi miss, nasa magic Forest sila don sa tapat nitong school. Late ka siguro." Huh? Pano ako naging late? Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:34 pa la---- THE HECK!!!! 7:34 NAAA!!!!
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...