Manami's POV
Pagkatapos nung kahapon, napansin Kong iniiwasan ako ni Andrei. Hindi ko naman alam kung bakit, ayaw ko naman syang kulitin kasi hindi naman kami close.
"Hoy, akala ko ba magkaibigan na kayo ni Andrei? Bakit parang iniiwasan ka nya?" Nagkibit balikat na lang ako dahil sa tanong ni Sarah.
"OK, class dismiss!" Ito na ang paboritong subject nang lahat. Ang lunch.
"Cr lang ako." Paalam ko.
***
Pagkadating ko don, yung sa tabi na lang ni andrei bakante. Iniiwasan nga ako nung tao eh. Tapos ito pa!! Magkatabi kami!!
Tahimik kaming kumakain ng biglang magsalita si Shia.
"Spell awkward." Sabi nya in sarcastic tone. Talaga nga naman. Tapos may training pa kaming dalawa mamayang one. Remember?
"Nabobo ka na ba Shia? Awkward lang di mo pa ma-spell!" Napa-face palm naman sila poison dahil sa kaslowan ni mark.
"Wag kang slow mark. Ikaw yata ang nabobo!!" Sigaw naman ni Sarah sa kanya.
"Here we go...... Again...." Sabi naman ni poison na para bang lagi nyang nakikitang magtalo ang dalawa.
"Wow, ang talino mo!!"
"Talaga!!"
"Oo nga eh, hindi ka nga masama sa rank 10!!"
"Tanga mo talaga mark! Ang rank 10 ay ang sampong malalakas na estudyante!! Tsaka kasama kaya ako don!!"
"Mas malakas naman ako sa'yo!!"
"Rank 5 ka lang!!"
"At least rank 5, eh ikaw? Rank 6 ka lang!!"
"Magkasunod lang naman tayo eh!"
Nagpatuloy pa ang pagtatalo nila. Nakita ko namang tumayo si andrei tsaka lumabas ng cafeteria.
"La! Lagot ka mark!! Naingayan yata satin si yoshida." Sabi ni Sarah kay mark.
"Ikaw yung maingay eh!!"
"Ikaw yun!!"
"Anong ako? Ikaw!!"
"Ako? Ika---"
Nagulat sila ng sumabog ang pitsel na may ice'd tea. Tumapon yun saming lahat.
"La! Galit na kaya si manami!!"
"Ginalit mo kasi eh!"
"Ako pa talaga!!"
"Tumahimik na nga kayo! Parehas lang kayo eh." Nakita ko ang pagtingin samin ng ibang estudyante, may pagtataka sa muka nila.
Tiningnan ko ang wrist watch ko. 12:36 na. Tumayo na ako tsaka naglakad papuntang dorm. Duh~ lalagkit ako kung hindi ako magpapalit ng damit.
Pagkatapos dumeretso ako sa training room. Nakita ko syang nagpapatubo ng halaman sa kamay nya.
Tumikhim ako kaya napunta sakin ang atesyon nya. Nginitian ko sya pero wala man lang syang sinagot. Bipolar.
"Ok, let's start! One on one battle ang gagawin natin." Tumango na lang ako sa kanya.
Nagulat ako ng biglang may mga baging ang sumugod sakin. Agad Kong iniwasan yun. Pagtingin ko sa harap ko, wala na sya. Napansin ang butas na nasa lapag. Agad akong tumalon ng mataas. Nawasak naman ang tinungtungan ko ng makalapag ako. Lumitaw naman sya. Naramdaman ko ang isang dagger na gawa sa kahoy? Agad Kong isinangga ang kamay ko. Nang mahawakan ko ito, agad itong nasira. Nagulat ako ng may fire Phoenix na sa harap ko. Agad ko yung sinuntok. Earth elemental. Napangisi ako. Siguradong mahihirap na training ang ginawa nya para mapalabas din ang iba pang elemento. Ang hangin ay kunektado sa dalawang elemento, at walang hangin kung walang halaman. Tumakbo ako papunta sa kanya, ramdam ko ang pagsira ng lahat ng dinadaanan ko. Susuntukin ko sana sya ng bigla syang nawala. Siguro kaylangan ko Nang magpalabas ng technique.
"Destruction bow and arrow." Itim ito. At pagtinamaan ka nito, siguradong paglalamayan ka na.
Iniwasan nya yon pero nabitak naman ang pader. Buti na lang at may pagkamatibay din ito.
Nagsummon sya ng latigo, may mga vines ito. Tumakbo sya sa direksyon ko. Umilag naman ako sa atake nya pero....
"I got you." Mahina nyang sabi. Maya-maya may naramdaman akong matulis na bumaon sa binti ko.
Napahiyaw ako sa sakit. Buong pwersa nya yung iwinasiwas kaya tumalsik ako sa pader.
Agad Kong hinawakan ang latigo nya. Tumakbo ako at hinawakan ang braso nya.
"Shit!!" Sigaw nya. Nakita ko ang lapnos nyang balat. Gumawa sya ng bow and arrow kaya gumawa din ako ng bow and arrow. Nagtama ang mga arrow namin pero nasira lang ang kanya.
Parehas kaming naghahabol ng hininga pagkatapos. Nakita ko ang pagbagsak nya, sumunod naman ako.
"Oh my god!! Anong nangyari dito!!! Hala!! Sila manami!! Kawawa!!" Sigaw ng isang babae. Nanlalabo ang paningin ko.
"Mas kawawa ang training room!!" Sabi pa ng isang tinig.
Naramdaman ko na lang na may bumuhat sakin. "Manami, ok ka lang ba??" Tuluyan ko Nang ipinikit ang mga mata ko.
***
"Gising ka na pala yoshida?"
"Obviously."
"Si manami kaya?"
"Hmm." Ako yan, ang ingay kasi nila eh.
Dinilat ko naman ang mata ko at bumungad ang mga muka nila. "Tsk, layo!!" Sigaw ko sa kanila.
"Grabe!! Yung training room. Parang pinaggerahan!!" Sabi naman ni Sarah.
Napatingin ako may andrei na nakaupo at nagbabasa. May balot ang lapnos nyang braso. Naramdaman nya ata ang tingin ko kaya tumingin din sya sakin. I mouthed sorry. Tumango naman sya.
Maya-maya may kumatok. Common sense na lang ang kaylangan para malaman kung saan kakatok ang isang tao.
Binuksan naman yon ni poison.
"Ahm, pinapatawag po ni HM si Ms.michiyo tsaka po si Mr.nishimura." sabi ng isang babae. Palagay ko secretary sya.
Nagkatinginan naman ang apat sabay sabi ng....
"Lagot kayo...." Sabi nila habang winawagayway ang hintuturo nila.
"Tsk." Sabi ni Andrei.
Tumayo na ako tsaka sumunod sa kanya. Nakatingin lang ako sa likod nya. Hanggang ngayon hindi ko pa'rin alam ang dahilan kung bakit nya ako iniiwasan.
Agad kaming pumasok ng makarating kami sa HM office.
"Nabalitaan ko ang nangyari." Panimula agad ni HM.
"Tsk." Tiningnan ko naman sya ng masama. Wala syang galang alam nyo yon?? Wala kahit isa!! Pero teka, nagbibilang ba ang paggalang? Diba hindi naman?
"May punishment kayo dahil sa ginawa nyo. Lalo na ikaw manami, dahil sa kapangyarihan mo halos magiba ang training room. Muntik pang madamay ang malapit na classroom dahil sa Laban nyo. Pero dahil din don, narealize ko na hindi kayo basta-basta. Kayo ang mag-aayos at maglilinis ng training room." Tumango na lang ako. Pero tong katabi ko, parang wala lang sa kanya ang lahat.
"At ang punishment nyo ay magsisimula na bukas." Sabi naman ni HM. "Pasalamat kayo't malayo layo pa ang ranking."
"Ano po yun??" Tanong ko.
"Ang ranking ay isang test para malaman kung gano ka na kalakas. May makakalabas bawat estudyante." Sabi nya. So isang duel pala yon? Ayos yon ah!! Kelan kaya yon!! Excited na ako!!!
***
"Anong sabi?"
"Pinagalitan ba kayo?"
"Bakit ang tagal nyo?"
"Easy lang guys. Kami ang mag-aayos ng training room. Ang laki daw kasi ng damage namin eh." Sabi ko.
Nakita ko ang pagdiretso ni Andrei sa kwarto nya. Bakit kaya nya ako iniiwasan? Nakakainis naman sya oh!!
"Malamang nagtataka ka kung bakit ka nya iniiwasan ano? Bakit hindi mo sya tanungin? Hindi naman nangangain yun! Tulog na nga tayo! Tayong dalawa na lang tao dito oh!!" Oo nga no.
"Good night Sarah." Sabi ko. She mouthed good night.
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...