Manami's POV
Lintik!! Ngayon kami maglilinis ng training room!! At kaming dalawa lang talaga. Ayaw ngang ipakita sakin nila Sarah yung training room. 'Surprise' daw kase.
"Hahahahaha, mamaya dalawa na lang kayo!!" Pang-aasar pa ni Shia.
"Shia cion!! Walang malisya yon!! Kayo ha!! Kung ano-anong iniisip nyo!!!" Sigaw ko.
"Tsk." Rinig Kong sabi ni Andrei. Kung maka-tsk sya dyan ah!! Sipain ko sya dyan eh!!
"Hahaha. Mamaya...." Sabi ni Shia sabay sundot sa tagiliran ko.
***
*kriiiiiinnnngggg!!!*
"Ok, class dismiss." Nanlulumo naman ako ng palabas ako sa classroom.
Inakbayan naman ako ni Shia tapos hinawakan naman ni Sarah yung kamay ko. Mga siraulo toh!!!
Nakita ko naman na parehas nakangisi yung dalawang lalaki at inaasar si andrei. Buti hindi nagagalit yon? Wala nga palang pakealam yon.
"Una na ko." Sabi ko sabay liko papunta sa training room. Naramdaman ko naman ang prisensya nya.
Pagbukas ko ng pinto, hindi ko maiwasang manlumo sa itsura nito. Halos magiba na ito. Ang sahig ay sira din. May ilan pang halaman don.
"Anong ginawa natin?" Na'tanong ko ng maramdaman na nasa likod ko na sya.
"No, anong ginawa mo." Sabi nya tsaka pumasok sa loob.
Ilang oras na kaming nag-aayos dito, kahit isa samin walang nagsasalita. Akala ko iniiwasan nya ako, yun pala ganon lang talaga sya.
Napatingin naman ako sa wrist watch ko, 8:56 na ng gabi. Hanggang ngayon hindi pa kami tapos. Kaylangan naming tapusin to parehas kasi bukas na ang Simula ng pagt-training ng ibang estudyante.
"Haaayyy!!" Sabi ko sabay salampak sa sahig. Pagod na talaga ako..... At..... Inaantok..... At gutom. Hinimas himas ko naman ang tyan ko sabay sabi ng... "Waaaahh, gutom na talaga ako!!"
Nagulat ako ng biglang bitawan ni Andrei ang map. Yes! Nililinis na lang namin. Aaminin ko, sya ang may pinaka maraming ginawa. Eh pano ba naman kasi! Destruction ang magic ko tapos ang kanya ay element of earth! Sabihin nyo nga! Pano makakatulong ang magic of destruction?
Lumabas naman si andrei. Siguro pagod na yon. Kanina pa naman din sya dito eh. Baka iiwan na ako.
Pinulot ko naman ang map tsaka nilampaso sa sahig. Keri mo yan manami!! Ikaw din naman ang may kasalanan nyan eh!!
Nagulat ako ng biglang may pumasok sa pinto. Syempre alangan namang sa pader sya papasok diba.
"Akala ko umalis ka na." Sabi ko Kay Andrei. Yes! Si Asper Andrei Wenson. Full name yon!
Nagulat ako ng may ihagis sya saking plastic bag. Agad ko naman yung sinalo.
"Ano naman to?" Tanong ko.
"Tingnan mo." Masungit naman nyang sabi. Sungit talaga kahit kaylan. Napairap naman ako sa kanya.
Nagningning naman ang mga mata ko. Alam nyo ba kung bakit? Syempre hindi nyo alam hindi nyo naman kasi nakikita ang nakikita ko, naiimagine nyo lang. K eto na, ang laman ay biscuit at isang bottle of water!
"Thanks!!" Sabi ko sabay bukas ng biscuit. Napatingin ako sa kanya, kasi naman nakatingin sya sakin.
"G-gusto mo ba?" Tanong ko. Wala syang sagot. May gusto akong itanong kaso baka magalit naman sya! Ok lang. "Ah ano, b-bakit mo nga pala ako iniiwasan?" Tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi talaga iniiwasan nya ako.
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...