Manami's POV
Tatlong linggo na ang nakalipas. Dito na nag-aaral sila Sam at Lion. Madalas na din namin silang makasama. Pero ngayong araw, hiwa-hiwalay kami. Nandito ako sa heaven kingdom. May pinagawa sakin sila mommy.
Boring nga eh.... Wala si drey..... Si Sam..... Wala si lion..... Wala si poison..... Wala si Shia.... Walang Sarah..... At walang Mark..... In short ako lang mag-isa.
Alam nyo ba kung anong pinagawa sakin nila mommy?? Syempre hindi nyo alam hindi ko pa naman sinasabi kung ano yun eh... Well, pinabisita nya sakin ang mga mahihirapan na bayan. Gumawa daw ako ng documentary don. Basic math nga hindi ko ma solve, yung pag-gawa pa kaya ng documentary sa isang bayan?
Ayaw naman akong pabalikin nila mommy sa academy. Kaya eto ako ngayon..... Nagt-training..... Mag-isa.
Pinalabas ko ang legend ko. Ang legend ay isang uri ng hayop. Kahit anong hayop, lalabas lang sila kapag kaya mo na silang kontrolin.
Ang legend ko ay isang itim na pegasus. At ang mata nya ay kulay abo.
Lalaki ang legend ko eh, sya si akinori. Nickname nya ang aki. Ayaw nya ng buo nyang pangalan eh. Hindi ko alam kung bakit.
Tumingin naman sya sakin. "Bakit?" Tanong nya.
"Wala lang..... Tinawag lang kita.... Wala kasi akong magawa. Pwede bang umalis tayo dito. Sakay ako sa likod mo?" >3<. Naka-nguso yan ha!!
"Tinawag mo ko dahil sa walang kwentang bagay...." Bulong nya. Aba! Nakakainis na sya ah!
"Tsk Tara na!" Sabi ko sabay sakay sa likod nya. "Punta tayo sa city!!" Sigaw ko.
Ang ganda talaga kapag nandito ka sa taas ano?? Hehehehe!! Haayy, sana kasama ko sila drey noh?
Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa bayan. Pero hindi masasayang tao ang naabutan ko dito. Mga tumatakbo at mga natatakot na tao. Nawala na din si aki.
Tumakbo ako sa opposite sa tinatakbuhan ng mga tao. Nung may padaan sa malapit sakin agad Kong hinablot yung manggas ng damit nya.
"Kuya, anong nangyayari!?" Natatarantang tanong ko.
Halata sa muka nya ang takot. Takot sa kung ano man.
"M-may b-bata!!! May bata!!! Ang kapangyarihan nya!!! NAGWAWALA!!!" Nagimbal ako sa narinig Kong sinabi nya.
Natigilan ako ang ilang Segundo. Parang nag flashback lahat ng nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Yung mga panahon na yon....
"Cess, what are you doing here. Diba dapat nasa palasyo ka..." Sabi nya habang hawak ang braso ko.
"Alam ko....." Bulong ko habang nakatingin parin sa mga taong nagtatakbuhan.
"Yoshida!!! Ang bata!!!" Napatingin naman sakin si yoshida. Halata na nag-aalangan syang iwanan ako.
"Sige na..... Kaylangan ka don....." Sabi ko. Wala man lang akong magawa para pakalmahin ang bata......
Natatakot kasi ako.....
Natatakot akong nakakita uli ng magulang nagwawala.....
Dahil na-aalala ko yon.....
Yung araw na yon.....
Napaupo ako ng di oras dito sa simento. Ramdam ko ang pag-agos ng luha ko. Matagal na panahon na pero...... Hindi ko pa'rin nakalimutan ang lahat.....
Hindi ko alam pero kusang sumunod ang katawan ko kila Shia. Nakita ko ang bata sa park. Sa tingin ko, lightning ang kapangyarihan. May mga kidlat kasi sa paligid nya.
Pinahid ko ang luha ko tsaka sumigaw ng.... "Tabe!!!" Nakapalibot kasi sila Drey sa batang babae.
Gumawa ako ng napakalakas na barrier. Yung tama lang sakin. Tsaka naglakad sa bata.
"Ate..... Wag..... Baka mamatay ka...." Umiiyak na sabi nya.
May mga tumatamang lightning sa barrier ko pero dahil na din sa destruction ang magic ko, nasisira lang ito.
Lumuhod ako at hinawakan ang balikat nya.
"Kumalma ka..... Wag mong hayaan na lamunin ka ng emosyon mo...." Sabi ko. Nakita ko na natigilan sya.
Ilang Segundo ang lumipas ng mawala ang kapangyarihan nya.
Nakita ko ang pagtulo ng mga luha nya. "Ate..... Sabi nila! *hik* bad.... Bad daw po ang..... Bad daw po ang magulang ko......" Hindi ko alam pero bigla ko na lang syang niyakap.
"Sshh, it's not true, right? Wag kang makinig sa kanila ok?" Tumango naman sya.
"Huhuhuhu *hik* huhuhuhu....."
She's beautiful....
"Sshh, stop crying na. By the way, what's your name? And how old are you? Where do you from?" Tanong ko.
"Sophia Dewin. I'm 7 years of age. Sa water kingdom ako nagmula...." Sabi nya.
"Cess, ok ka lang? May masakit ba sayo? Anong nangyari?" Haaayyy, eto na naman po ang oa Kong boyfi.
"Tsk! Lumayo ka nga!!!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Nakita Kong natigilan sya sa ginawa ko.
Oh-ow! Mukang nasaktan sya sa sinabi ko ah.....
"Ahm, Sophia..... Sumama ka muna kila ate Sarah at ate Shia ok?" Tumango naman sya sa sinabi ko, tsaka pumunta kila Sarah.
Tiningnan ko si drey pero tiningnan nya ako ng parang wala lang. Nagtampo ang walang hiya!!!
(Fast forward)
Nandito na ako sa room ko. Kanina hindi na ako pinansin ni drey. Naiintindihan ko naman pero..... Hindi ako mapakali!!
Tumayo ako habang kagat kagat ang kuko ko sa daliri, nagpalakad lakad ng ilang minuto tsaka nagteleport sa kwarto ni drey.
Nakita ko syang nakapikit at nakatagilid, dito sya sa side ko nakaharap.
Hinila ko yung upuan sa may side table nya. Tinitigan yung muka nya sabay sabi ng.... "Sorry...." Sabi ko sabay haplos sa muka nya.
Natigilan ako ng hawakan nya ang kamay ko, nakapikit sya pero hawak ng isang kamay nya ang kamay ko.
"Bakit ka nandito?" Sabi nya sabay dilat.
"Ah, ano... Kase..... Ano.... Sorry..." Nakayukong sabi ko sa kanya.
"Tss, papatawarin kita sa isang kondisyon!" Sabi nya kaya mag-angat ako ng tingin.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm, kiss me. Sa lips. Tapos date tayo bukas." Ang Dali naman non. Tsk.
"T-teka sa lips talaga? Hindi ba pwedeng sa cheeks na lang?" Kamot batok Kong sabi.
"Hiiiiiiiinnnnndddddiiiiii!!! Pwede!!!" Napa-pout naman ako dahil sa sinabi nya. Basta makabalik lang ano??
"Sige na! Sige na!" Sigaw ko.
"Hep, hep! Bukas na lang. Bukas na din ang date natin. At dito ka na din matulog ok?" Sabi nya habang nakangiti.
"Ayoko nga."
"Cess...." Natawa naman ako sa reaction nya.
"Oo na po....." Sabi ko sabay higa sa tabi nya. Ramdam ko naman ang pagyakap nya sakin.
Bago ako pumikit hinalikan ko sya sa labi then patay malisya akong pumikit.
________________________________________________________________________
A/N:
Asper Andrei Wenson/yoshida nishimura sa multimedia.
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...