chapter 13

3 1 0
                                    

(Two days later)

Manami's POV

Haaayy, what a boring day....

Wala kasi sila Sarah eh. May mission sila, at hindi ako kasama. Yan tuloy ang boring ng araw ko. And guess what, nawala lang sila Sarah kung ano-ano na ang sinasabi nila sakin. Ano to? Galing nila ah!

Alam nyo bang naglalakad ako papunta sa office ni HM?? Ayoko madetention pero yung babaeng clown na yun ang gumawa ng paraan para madetention ako!! (~_~)

Kumatok ako sa pinto ni HM, syempre sa pinto ako kakatok! Alangan namang sa pader ako kumatok diba? Sino naman kayang tanga ang gagawa ng ganon...

"Anong punishment ko?" Tanong ko agad pagkabukas ng pinto. Alam ko naman kasi na mag punishment ako no!

"Linisin mo yung arena. No using magic. At para makasiguro akong hindi ka gagamit ng magic, isuot mo to." Sabi nya sabay abot sakin ng itim na bracelet.

"Pwede namang handcuff ah...." Sabi ko.

"Hindi na uso ang handcuff ngayon. Gusto mo ba ng handcuff? Meron ako." Sabi nya sabay ngiti sakin. Anong meron kang HM at blooming ngayon.

"Ayoko na nun tanda. Ma'tanong ko lang, bakit blooming ka ngayon?" Tanong ko. Nakita ko ang pagpula ng muka nya.

"Yuck tanda!! Hindi bagay sayo ang nagbla-blush!!!" Sigaw ko sabay labas.

Sinuot ko na rin yung bracelet. Naku! Naku! Naku! Pag maraming kalat dun sa arena na yun.... Hindi na ako maglilinis!

Syempre joke lang yun no! Hindi naman kasi ako tamad!! Pero teka? Anong punishment naman ang binigay kila clown?

Pagkabukas ko ng pinto ng arena... Lintik!! Gusto Kong maglupasay sa sahig dahil dito sa nadatnan ko!!! P*ta!!! Ang daming kalat nito ah!!

Napapadyak ako tsaka kinuha yung walis at yung malaking supot na nasa gilid lang naman.

Sa kalagitnaan ng paglilinis ko, may isang clown ang dumating! Hindi para  mag pasaya, kung di para mang bwisit!!

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Walang gana Kong tanong sa kanya. Tsk, kabwisit na sya ah.

Tinitigan nya ako tapos bigla nya akong sinugod. Aba! Laban pala gusto nito ah. Pero madaya! No using magic dapat ah.

(A few moments later)

Bugbog sya pero mas bugbog naman ako. Ang daya nya eh, dehado ako dito sa Laban namin na to.

Sinugod nya ako pero sinipa ko sya sa sikmura. Sinakal ko sya tapos inangat patayo, nakaupo kasi sya eh.

"Alam mo bang naiinis na ako sayo? Inuubos mo ang pasensya ko!!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Natigilan ako ng may maramdaman ako na prisensya sa likod ko. Pagharap ko saktong pagtama ng kidlat sa dibdib ko.....

Pagkatapos non.... Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig ng arena.

Pagkatapos...... Pagkatapos......

Sarah's POV (short)

Natigilan ako sa paglalakad ng bumigat ang Pakiramdam ko. Ganto ako pag nasa panganib ang isa man sa mahal ko sa buhay.

Nakita ko silang tumingin sakin lahat.

"Anong problema?" Tanong ni Shia sakin at sinalat ang noo at leeg ko. Sino sa kanila? Pwede kayang may nagpapanggap lang sa kanila? O kaya naman si manami ang na'sa panganib?

"Wala to..." Sabi ko. Pero ang totoo, kinakabahan na ako para kay manami.

Pano pag may nangyaring masama sa kanya? Pano pag nakuha sya ng mga dark user? Pano pag nagaya sya kay agatha? Pano? Anong gagawin namin?

Save The KingdomsWhere stories live. Discover now