chapter 14

4 1 0
                                    

(Two month's later)

Shia's POV

Naaawa na ako kay yoshida. Lagi na lang nyang binabantayan si manami, ni Hindi na sya pumapasok sa klase namin.

Hindi naman kasi pwedeng bantayan ng hari at ng reyna si manami. Marami kasi silang ginagawa at inaayos sa anim na kingdom.

Ang tagal nyang natulog...... Ayaw nya namang gumising...... Nami-miss ko na din sya eh.....

Nandito kami ni Sarah sa kwarto nya. Pinauwi namin si yoshida, ang halata kasing pagod na sya eh.

Malakas talaga ang impact ng lightning na yon, kahit kasi doctor namin dito hindi mapagaling si manami. Yung mga sugat nya wala na pero sya tulog parin.

Sabi ng doctor 50/50 daw. Hindi sigurado kung mabubuhay pa sya. Sabi pa ng doctor, buti daw nadala agad si manami dito sa hospital.

Naparusahan na din sila britny, lalo na yung may kasalanan. Kinulong sila, at habang hindi pa nagigising si manami, hindi pa sila lalaya. Pag namatay si manami, habang buhay ang pagkakakulong sa kanila.

"Shia...." Napatingin ako kay Sarah ng tawagin nya ang pangalan ko. Makulit to pero, pag may gantong pangyayari, nanghihina ang kalooban nya.

"Shia... Sa tingin mo? Kelan sya magigising?" Natigilan ako sa tanong nyang yon.

"Sarah...." Nakita ko ang pagtulo ng luha nya.

"Shia.... Nami-miss ko na sya.... Wala na kasi akong kakulitan...." Umiiyak sya....

"Sarah..... Wag ka ngang ganyan! Pag nalaman ni manami na umiiyak ka malamang magagalit yon!!" Sabi ko tsaka tumabi sa kanya. "Palaban si manami, kaya nya yan! Ok?" Ngumiti naman tsaka tumango.

"Haaayyy, gutom ka na?" Tanong nya sakin. Umiling na lang ako sa kanya ng biglang.....

*Rooooaaaaarrrr!!!* (sorry sa sound effect)

Nagkatinginan kami ni Sarah tsaka tumakbo palabas. Nakakita kami ng Cyclops. Kinakalaban na ito nila yoshida.

"Mark, San nanggaling yan?!" Tanong ko. Nakita ko ang pagngiwi nya.

"Ewan..... May nag summon siguro nito!!" Sigaw tsaka tumira ng fire ball. Kainis naman!! Bakit ngayon ka pa dumating!!!???

Agad akong gumawa ng water tornado. Kaso waepek sa kanyaaaa!! Nakakainis na sya ah!! Kung nandito lang siguro si manami kanina pa kami tapos.

Nakita ko ang paghampas ng Cyclops kay poison. Lintik kang Cyclops ka!! Bwisit ka!! Mamatay ka na!!

"Poison! OK ka lang?" Tanong ko ng makalapit sa kanya. Chi-neck ko kung may sugat ba sya o kaya naman pasa.

*ROOOOOOAAAAARRRR*

Napatingin ako sa Cyclops ng umungol ito ng malakas. Nakita ko ang sabay sabay na pagtira ng earth wolf, fire Phoenix, air eagle, at ng water shark. At hindi kami ang tumira non.... Si yoshida ang tumira non. Napakalaking enerhiya ang kaylangan bago mapalabas ang isa man dito. Kaya alam Kong pagkatapos nitong tira nya ay mawawalan sya ng malay.

Nakita ko ang pagbagsak ng Cyclops kaya agad kaming nagsi-iwas dito.

Pero si yoshida, parang na paralyze ang buo nyang katawan dahil hindi man lang sya kumikilos sa kinatatayuan nya.

"Mark!! Kunin mo si yoshida!!" Utos ko Kay mark. Ayoko mawalan ng isa pang kaibigan ano!!

***

Nasa iisang kwarto lang sila yoshida at si manami. Sabi yon ni yoshida bago sya mawalan ng malay. Mga two days bago sya magising.

Save The KingdomsWhere stories live. Discover now