Manami's POV
Nandito kaming dalawa ni drey sa dagat. Nakaupo sa buhangin.... At tahimik na nakatingin sa sunset.... Hindi ko alam pero parang umaatras yung dila ko. Hindi ako makapagsalita.
Sinulyapan ko na lang sya. Seryoso syang nakatingin sa sunset. Bakit kaya ang seryoso nito?? May na-aalala kayang moment nila ni agatha??
May word na biglang lumabas sa bibig ko, na ikinabigla ko din. "Kung bumalik ba si agatha....? Iiwan mo ko?"
Kita Ko sa peripheral vision ko na napatingin sya sakin. Ako naman si shunga nakatingin parin sa araw na papalubog na.
"Bakit mo tinatanong....." Para namang hindi tanong yun! Parang statement lang ang pagkakasabi nya nung word na yun!!
"Wala lang..... Para pag sinabi mong oo handa ako kung babalik man sya. So ano?? Oo o hindi??" Tanong ko tsaka sya tiningnan sa mata.
Seryoso yung muka nya pero yung mata nya nagtataka kung bakit ko ba tinatanong ang bagay na to.
Muka namang wala syang balak sagutin yon..... Tumingin uli ako sa araw na malapit na talagang lumubog.
Tunog na lang ng dagat ang naririnig ko. Wala Nang iba. Kung di ang hangin at ang dagat lang....
"Hindi." Napatingin ako sa kanya nung magsalita sya. Hindi ko alam kung bakit to seryoso ngayon. Dati naman kapag kami ang magkasama nakangiti to eh.
"Anong hindi?" Tanong ko sa kanya. Para makasiguro kaylangan mong ulit ulitin, kapag hindi pa naintindihan, pakamatay ka na lang!! Hindi yon joke.
"Hindi kita iiwan. Mahal kita..... Higit pa kay agatha. Oo mahal ko si agatha, oo gusto ko syang bumalik. Pero dati yon..... Mahal kita hindi dahil sa mas maganda ka sa kanya. O hindi dahil isa kang prinsesa at mas malakas ka sa kanya. Kasi, sayo tumibok ang puso ko." Wow. Ang alam ko ang tinatanong ko lang ay kung iiwan nya ba ako o hindi. Ang dami nyang sinabi.
"OK....." Sabi ko tsaka tumingin sa langit. Madilim na. Syempre dahil gabi na. Baka nakapikit ka lang pag sinabi mong ang dilim kahit tanghaling tapat palang.
"Ang dami Kong sinabi ah. OK lang ang sagot mo!! Ang hirap kayang mag-isip ng sasabihin para hindi ka masaktan." Naka-nguso nyang sabi sakin.
"Haha. Wala naman kasi akong ibang sasabihin eh." Sabi ko. Nakita ko ang pagsimangot nya.
"Meron!!"
"Anong gusto mong sabihin ko?? Thank you, naiiyak ako sa speech mo, I love you. Hahahahahaha." Sabi ko.
"Yung huli." Sabi nya sakin habang nakangisi. My bipolar boyfriend. Hahahahaha, gandang title nun, kung gumagawa lang ako ng novel yun yung it-t-title ko.
"Nasabi ko na ah."
"In romantic tone!!!" Nakasimangot na sabi nya. Ang cute cute talaga nitong lalaking to, oo!!! Sa sobrang kakyutan sarap ihagis sa dagat.
"Ok, ehem. I love you po boss." Nakita ko naman ang pagngiti ng loko. Ab.nor.mal syaaaaaaaaaa!!!!!!
***
Sarah's POV
Nilayasan kami nung love birds na yun!! Hindi man lang kami sinama o kaya naman sinabihan kung saan sila pupunta!!!
"Nasan ba kasi yung dalawaaaa!!!" Ngumangawa na ako dito oh!! Wala man lang pumapansin sakin!!
Magpapalibre kasi ako kay manami ng libro. Nakakita kasi ako ng isang novel sa market.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!! Kaylangan ko na si maaaanaaaaammmmiiiiiii!!!!!!" Sigaw ko.
"Aish, tigilan mo nga ang kakangawa. Kung hindi, tatapalan ko yang bibig mo eh!" Sigaw ni poison.
"Hey, bat ba kayo nagsisigawan. Sa corridor pa lang rinig na rinig na yang sigawan nyo." Sabi ni manami na kabubukas lang ng pinto.
Tumakbo naman ako agad sa kanya. "Manami kaylangan ko ng tulong mo!!!!!!!! Manami may bibil---"
"May bibilhin kang novel." Sabi nya sakin. Ngumuso naman ako tsaka tumango.
"Kasi nakita ko sya sa market kaya nagustuhan ko, tapos wala pala akong pera kaya bumalik ako dito, eh ubos na din pala yung allowance ko kaya hinanap kita. Kanina ko pa kayo hinihintay eh, ang tagal nyo, sya nga pala, anong ginawa nyo???????" Walang hinto kung sabi.
"Hinay hinay lang, ok? Haha, hinga ka muna. Baka mamatay ka ng maaga dyan." Sabi nya kaya napasimangot ako.
"Sige naaaaaaaaahhhhhh!!!!!" Pangungulit ko. Eh sa wala akong pera anong magagawa nyo??!!!
"Oo na, oo na!! Lumayo ka at magpapahinga kami!!!" Sabi nya sabay tulak sakin.
Wahahahahahahahah! Kaya lab na lab ko si manami eh!! Wahahahahahahahahahahahahah.
Manami's POV
12:03 na pero dilat na dilat parin ako.
Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng sliding door ko. Nandito na naman sya!! Hahahahaha.
"Bakit ka nandito??" Tanong ko sa kanya. Aba! Namumuro na ang lalaking ito eh. Lagi nang nandito sa kwarto ko. Natutulog at tsaka Tumatambay.
"Magpapahinga." Simple nyang sagot bago dumapa sa tabi ko. Wow, kala nya kwarto nya tong ginagalawan nya.
"Galing mo ah. Anong akala mo sakin? Uto uto?? Ulol!! Bumalik ka na don sa kwarto mo at baka masapak kita!!!" Sigaw ko Kay drey.
"Dito na muna ako cess. Ang ano mo naman eh. Parang ngayon lang." Kapal talaga ng muka nitong lalaking to eh noh??!! Ingudngod ko kaya to sa inidoro????
"Anong ngayon lang!!! Kapal din naman ng muka mo eh noh???!!!!" Sabi ko sa kanya.
"Sshhh, wag kang maingay, tsaka ngayon lang naman talaga ako dito ah." Painosente pa tong lalaking to ah. Sapakin ko sya eh.
"Anong ngayon lang??? Wag mo Kong maganyan ganyan!!! Baka gusto mong isa isahin ko yung mga araw na nandito ka sa kwarto ko!!" Sigaw ko habang pinipingot sya.
"Aaaaarrrrraaaayyyyyy!!! Dito muna kasi ako. Hindi ako makatulog." Lagi na lang yun yung dahilan nya ah.
"Yan na naman yang dahilan mo!!"
"Eh totoo naman." Sabi nya sabay yakap sakin. At alam nyong hindi ko natitiis tong lalaking to.
Sarah's POV
Rinig na rinig ko yung mga sigawan nila manami. Na-chansingan na naman si manami ni yoshida ah.
Narinig ko ang pagbukas ng sliding door nung kabila. Malamang si mark yun.
"Bakit gising ka pa??" Takang tanong nya. Malamang nasanay to na maaga akong natutulog.
"Ah... Kasi hindi ako tulog." Pamimilosopo ko sa kanya. Manhid naman nito, ang dali nyang maka figure out ng ibang bagay pero feelings ko hindi nya ma figure out!! Ano to!? Gaguhan???
"Tsk."
Alam nyo bang ayoko ng katahimikan? Katulad ngayon! Ang tahimik. Para kaming mga pipi dahil wala man lang nagsasalita samin.
"Ahh, ano Sarah. May sasabihin pala ako." Sabi nya sakin. Napaharap naman ako sa kanya.
"Ano naman yun. Siguraduhin mong mahalaga yang sasabi----"
"I like you.... No, let me rephrase it, I love you."
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...