Andrei/yoshida POV
Tinititigan ko lang tong babaeng na sa tabi ko. Mahal ko sya..... Higit pa sa kanya....... Hindi ko kayang mawala itong babaeng to.
Natatakot ako kapag nakikipaglaban sya. Unang kita ko palang sa kanya, alam Kong gusto ko na sya.... Hindi lang gusto! Mahal ko na sya.
Nung sa rooftop, akala ko non hindi na sya dadating. Pero pinili ko pa din na mag hintay sa kanya. Mahal ko eh. Pero hindi ko aakalain ang pag-amin nya at pagsabi na nasasaktan sya kapag sinasabi ko ang pangalan ni agatha. Ayoko syang nakikitang umiiyak. Nasasaktan din kasi ako....
"Hmm..." Napangiti ako ng isiksik nya pa ang sarili nya sakin. Alam ko namang pagod sya..... Dahil na rin sa duel na nangyari at dahil din sa tinadtad sya ng tanong nila Sarah mark Shia at poison.
She's driving me crazy!!
"Hmm..." Maya-maya dinilat nya ang mga mata nya.
"Bakit gising ka pa?" Tanong nya sakin. "Hindi ka ba napapagod?" Napangiti naman ako sa kanya.
"Eto na, Matutulog na ako." Sabi ko sabay pikit. Naramdaman ko ang pagyakap nya, narinig ko rin ang paghikab nya.
"Good night cess..... And I love you...."
"I love you too drey." (Short for Andrei.)
Bukas na pala ng umaga ang mission namin.
***
Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ni cess. 5:45 AM palang. Ang aga pa pero ang aga din ng mission namin. 7:00 ang alis namin eh.
"Cess...." Sabi ko sabay tapik sa pisngi nya.
"Hmm....." Sabi nya, nakakunot na din ang noo nya.
"Gising ka na...." Sabi ko uli.
"5 minutes drey......" Sabi nya.
"Gumising ka na.... Or else...." Sabi ko naman. Baka magising sya pag ginawa ko ang bagay na yon. Isang ngisi ang kumawala sa mga labi ko.
"Or else what?...." Inaantok na sabi nya.
"I'll kiss you...." Bulong ko sa kanya.
"Tsk, you can't do it..."
"Yes I can..."
"Aish, oo na! Babangon na ako!" Sabi nya sabay upo sa kama. Tiningnan naman nya ako ng masama.
"What?" Painusenteng sabi ko sa kanya. Haha, nakakatawa ang expression nya!!
"Umalis ka na nga!" Sigaw nya.
"Sa kabila lang naman ang kwarto ko." Malumanay Kong sabi sa kanya.
"O, kaya nga umalis ka na. Magbibihis ako!" Sabi nya sakin.
Tumayo naman ako tsaka naglakad sa may pintuan. Pero bago ako lumabas agad akong lumingon sa kanya.
Pumunta ako sa harapan nya saka sya hinalikan.
"Pang good morning kiss ko, nga pala, good morning." Nakita ko namang ang pagpula ng muka dahil sa ginawa ko. Ang aga Kong napakilig si cess.
"Good morning din, alis ka na!" Sabi nya sakin. Tatawa tawa akong lumabas ng kwarto nya.
Namumula kasi sya eh. Sya nga pala, ang crystal Forest ay may snow at may mababangis na hayop.
Ang gag* nung dalawa at papahirapan pa talaga kami.
Manami's POV
Haayy!! Aaminin ko.... Kinilig talaga ako sa ginawa nya, alam mo yung feeling na gusto mo laging sya ang unang nakikita mo tuwing umaga.
Nakajeans ako, tsaka naka long sleeve. Malamig daw kasi don eh. Syempre kaylangan magdala ng makapal na jacket.
Nang bumaba ako, wala pa si Sarah. Lagi namang huli yon eh, in short mabagal syang kumilos! Parang pagong!
"Good morning nami...." Inaantok na sabi ni Shia. Nakahawak sya sa kamay ni poison. Naku! Tong dalawang to.... Dati away ng away! Parang sila mark at Sarah lang eh.
"Morning..."
"Teka, yung dalawa pang bata...." Sabi ni mark.
"Suduin mo na, mamaya tulog pa ang dalawang yon..." Sabi ni Shia.
Tumango na lang si mark tsaka lumabas ng dorm. Haaayy, sa totoo lang hindi pa binibigyan ng misyon ang elementary, pero kasi kaylangan nilang sumama. Mga timang kasi ang dalawang yon eh!!!
"Penny for your thoughts?" Sabi ni drey. Pina-ikli ko ang pangalan nya, pina-ikli nya kasi ang princess.
"Nah, wala lang to. Inaantok lang talaga ako..." Sabi ko sabay hikab. Haha, nakakatawa! Inaantok din kasi sya eh.
"Here, coffee ka muna, matagal pa naman si Sarah." Kinuha ko naman ang cup na hawak nya. Inaantok talaga ako..... Imbis na wala kaming gagawin ngayon kung hindi magpahinga eto namang misyon na to panira!
"Morning guys...." Napatingin kami sa hagdan. Buti bumaba pa si Sarah.
"Tagal mo..." Sabi ni Shia.
***
Maggagabi na pero nandito pa rin kami sa gubat na to. Actually kanina pa kami naglalakad. Hawak kasi ni Shia ang mapa.
"We need to break..." Rinig Kong sabi ni aris. May point sya, gabi na din at baka mapahamak pa kami sa daan.
Halatang narinig yon ng lahat kaya sinang-ayunan na nila. Mag ka-dorm pala ang dalawang yon. Sa iisang tent lang sila.
Nagulantang ako ng wala akong makitang tent sa bag ko. Langya! Sa lahat ba naman ng maiiwan yung pinakamahalaga pa!! Bwisit naman oh.
"Nami! Bat ganyan ang muka mo? Nasan ang tent mo?" Nako! Tinanong mo pa talaga Sarah ha! Baka ikaw lang ang mapagbuntungan ko nito!
"N-naiwan ko nga eh!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanilang lahat. Maging sa dalawang bata na nagtatayo ng tent.
"Seriously? Ate manami, sa lahat ng pwedeng iwan yun pa?" Sabi ni Zhan. Sinamaan ko sya, aba malay ko ba!
"Sakin ka na lang makitulog..." Sabi ni Sarah. Ngumiti naman ako, tatango na sana ako ng may magsalita.
"No, Sarah naman! Kay yoshida yan makikitulog! Hindi pwede sayo kasi hindi naman ikaw yung 'boyfriend' nya." Nakangiting sabi ni Shia. Napasimangot naman ako.
"Hahahahahaha...." Tawa nila mark at poison. Kabwisit naman oh!
"Sige tawa pa!!" Inis na sabi ko.
Lumabas ako ng tent namin ni drey. Nandito kami ngayon malapit sa water falls. Pumunta ako sa gilid ng falls tsaka umupo sa malaking bato.
Pano kaya kung hindi ako nagtransfer dito? Pano kung hindi kinuha si agatha ng mga dark user? Kami kaya ni drey? Kaibigan ko kaya sila? Malamang hindi.... Kasi baliwala lang ako. Pero.... Pano pag dumating sya?
"Cess, bakit gising ka pa?" Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko.
"Wala lang...." Sabi ko sa kanya.
"Anong iniisip mo?" Tanong nya sakin. Alam na alam na talaga ako ng lalaking to ah.
"Wala lang. Iniisip ko lang kung nandito si agatha, edi sana masaya kayo, wala lang ako...." Sabi ko. Totoo naman, kung nandito si agatha, wala lang ako.
"Mas masaya kami ngayon. Mas mahal kita. Mas gusto ka namin..." Sabi sakin ni drey sabay yakap.
"Drey, pano pag dumating sya? Anong gagawin mo?" Tanong ko. Halatang natigilan sya sa sinabi ko.
"Well, sasabihin ko na welcome back at ipapakilala kita bilang girlfriend ko." Sabi nya sakin.
"Baka pag nandyan na sya makipag break ka sakin...." Bulong ko, pero alam Kong narinig nya yon. Humigpit kasi ang yakap nya sakin.
"Hindi...... Pangako, hinding hindi." Sabi nya.
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...