Manami's POV
"Sarah, may problema ba?? Ilang beses ka nang pumalpak sa mga technique na ginagawa mo ah." Sabi ko pagkatapos uminom ng tubig.
Namula naman sya tsaka nag-iwas ng tingin. La! Anong problema nito???
"Anyare sa'yo?? Bakit ka Namumula?? May sakit ka ba??" Sabi ko sabay salat ng noo at leeg nya.
"Ano ka ba!! Wala akong sakit!!! Sadyang mainit lang." Ahm, mukang alam ko na kung anong meron ah.
Napangiti naman ako ng wala sa oras. Gasgas na gasgas na kasi ang palusot nya eh. Madalas yang sabihin sa mga movie eh.
"Sabihin mo nga....." Kita ko ang pagtingin samin ni Shia na halatang inaabangan yung sunod Kong sasabihin. "Nagkaaminan na ba kayo?" Nakita Kong mas lalo syang namula.
"Hahahah, I knew it!" Sabay na sabi namin ni Shia. Tong dalawang to oh! Hindi man lang sinabi samin.
"Anong nangyari?? Bilis, kwento ka naman!!!" Excited na sabi ni Shia habang inaalog alog si Sarah. Hahahahaha.
"Sabi nya kasi ano...... M-mahal n-nya da-daw ako." Pulang pulang sabi ni Sarah kaya kaming dalawa ni Shia parang wala Nang bukas kung tumili.
Napatigil kami ng biglang bumukas yung pinto. Pumasok yung tatlong lalaki na may dalang paper bag. Naku!!! Si Sarah yari!!!
"Rinig na rinig namin yung tilian nyo ah. Anong nangyari." Nakita ko ang pag-iwas ni Sarah ng tingin. Si mark kasi eh, nagsalita pa eh.
"Ah, wala lang. Kasi tong si Sarah. May sakit yata, nagkakamali sa mga technique nya tapos Namumula." Sabi ni Shia. Nakita ko ang nag-aalalang tingin ni mark kay Sarah.
"S-sinabi na ngang wala akong sakit eh!!" Sigaw ni Sarah. Wala na din yung pamumula nung muka nya. Hahahahaha.
"Wala ba? Sorry muka kasing meron." Natatawang sabi ko. Nag-apir kami ni Shia. Hahaha.
"Kayong dalawa ha!! Pinagtutulungan nyo ko!" Sabi nya sabay walk out. Tampuhin naman ng babaeng yun.
"Sayang naman tong pagkain na dala ko." Sabi ni mark. Hahahahaha, habulin na lang kaya nya si Sarah.
Kumakain na kami pero itong si mark mukang malungkot ah. Kinausap ko naman si Sarah, ginamit ko yung telepathy ko. Sinabi ko na wala na sila mark. Nung una nga ayaw pang maniwala eh, pero na papayag ko din sya!
Bumukas naman yung pinto. "Kung wala ka lang pang black mail sakin edi sa------" napatingin sya kay mark na napatayo nung pumasok sya. Haha. Tiningnan naman nya ako ng masama kaya tiningnan ko sya ng pang-inosente. "Playing innocent huh." Sarkastiko nyang sabi.
"Sarah....." Sumandal naman ako kay drey ng nakangiti. Tingnan natin kung hindi pa maging kayo. Hahahahaha.
"Plinano mo to no?" Tanong sakin ni drey. Tumango na lang ako tsaka ngumiti sa kanya ng malapad.
"Sarah, ahm.... G-gutom ka na ba?" Nakita ko na binalewala lang ni Sarah yung tanong ni mark.
Makagawa nga ng paraan. "Umamin na kasi kayo sa isa't isa. Narinig kita Sarah nung araw na umiiyak si Selene. Nung sa kwarto mo." Tumingin naman sakin ng may nanlalaking mata si Sarah.
"May sakit ka na yata, manami. Wala ako sa kwarto ko non. Tsaka ano bang pinag-uusapan natin? Diba Magt-training tayo? Tayo na!" Sigaw nya samin nila Shia ng hindi pinapansin si mark na nasa gilid nya lang.
"Mamaya na. Hindi pa kami tapos Kumain oh!" Sabi ni Shia ng may mapang-asar na ngiti. Hahaha.
Nakita ko naman ang pagpula ni Sarah. Hindi dahil sa kilig, kung di dahil sa inis. No choice sya kung hindi umamin kay mark.
"Sarah....... Gutom ka na ba?" Ulit ni mark kay Sarah. Ngayong pangalawang ulit nya ay wala ng bakas ng pagkautal o kung ano mang kaba.
"H-hin---"
"Gutom na yan!!! Kanina pa yan nagrereklamo eh!!" Sigaw ni Shia kaya sinamaan naman sya ng tingin ni Sarah. Haha.
"Shia! Tumigil na nga kayo!!" O-ow, pulang Pula na po si Sarah. Haha, nakakatawa naman yung itsura nya. Grabe.
"Sarah, dear. Wag nang magsinungaling ok?" Sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin ng masama. Hahahahaha.
"I'm begging. Tumigil na kayo." Sabi ni Sarah. Hmp, ayoko nga!! Haha. Malapit na kayong mag kaaminan tsaka ko ititigil. Ano ko bano? No!!
"Tss, oo na! Na guilty ako nung marealize ko yung mga sinabi ko. Pero hindi ibig sabihin non na may gusto na ako sa'yo." Pa hard to get pa tong babaeng to eh....
"Amin na kasi." Sabay na sabi namin ni Shia. Haha, nakakatawa ka na Sarah itigil mo na yan.
"Ahh!! The two of you love to tease me!!!" Sigaw nya tsaka pinagpapadyak yung mga paa nya. Haha, katawa talaga nitong babaeng to kahit kaylan.
"Hindi naman. Sadyang gusto ka lang naming paaminin." Sabi ko Kay Sarah.
"Para saan naman aamin?" Ngumisi naman ako sa kanya. Haha.
"Aish bakit ko ba----" hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi bigla na lang syang tumakbo tsaka tinakpan ang bibig ko.
"Don't you dare!!" Sigaw nya.
"Yes I dare." Sabi ko ng nakangisi. Sorry medyo bad girl ako ngayong araw. Kung aangal kayo sasapakin ko kayo. Kung pano? Lalabas ako sa screen ng cellphone o laptop o kung ano man ang gamit nyo.
"U-umalis na nga kayo!!! Kayong lahat. Walang matitira kung di ako lang!!!" Sigaw ni Sarah sa harapan ko. Abno.
Tumayo na kaming lahat pero si mark hindi umalis sa kinatatayuan nya. Mukang may Plano na ang mokong na yun ah.
Pagkalabas na pagkalabas palang namin nila Shia sa training room ay agad kaming humagalpak ng tawa.
"Hahahahahahahahahahahahahaha!! Grabe!!! Yung muka ni Sarah!! Hahahahahahahahahahahahahaha!!!" Tawa ko yan. Wag kayong ano ok??
Hay, naluha ako ngayon kakatawa ah.
"Hey, baka kung anong mangyari sa inyo nyan." Sabay na sabi nila poison at drey.
Haaayyy, pinunasan ko yung luha sa gilid ng mata ko. Nakakatawa talaga silang dalawa ni mark.
"Tara na nga. Sa garden na lang tayo Kumain." Sabi ni poison sabay hila kay Shia na nagpipigil parin ng tawa hanggang ngayon.
***
Nandito kaming apat sa dorm. 6:00 PM na pero yung mga aso at pusa namin hindi pa umuuwi.
Heto ako ngayon, nagbabasa ng history book. Wag kayo! Kahit mahina ako pagdating sa math, mahilig akong mag-aral, at a-advance reading ako lagi.
"Hoy manami, nasan na kaya sila mark?" Tanong sakin ni Shia. Nasa tabi ko kasi sya. Kasi yung dalawang loko nanonood. Hahahahaha, hoy! Uso dito technology mga ineng.
Nagulat kaming tatlo, excepted syempre kay drey. Pumasok dito si Sarah ng may ngiti sa labi. Hahahahaha!!
"Oy, babaita!! Bat ka nakangiti ha!?" Tanong naman ni Shia sa kanya. Oo nga naman, nakangiti ang babaita.
"Ha? Ah.... Wala."
Sabi nga tsaka dumiretso sa kwarto nya. Ano kayang nangyari don?
"May alam ba kayo sa nangyari?" Takang tanong ko. Sabay sabay naman silang nag shrug. Gara naman non.
YOU ARE READING
Save The Kingdoms
FantasySix kingdom..... Six people..... Six power...... When she step in the academy.... The war will happen.... She fight for courage and dignity..... She fight for her family..... And for her friends.... She fight for a whole magic world..... She sacrifi...