chapter 6

5 2 0
                                    

Manami's POV

One month na ang nakakalipas Simula nung malaman ko yon. One month ko na rin syang iniiwasan. Kita ko nga ang pagtataka sa muka nya, pati na rin sila mark nakahalata. Sila Shia? Ayon ginagawan ng paraan para hindi malaman ng mga boys ang nararamdaman ko. Sigurado naman kasing sasabihin nila yon kay andrei.

Nandito kami ngayon sa arena, may iaanounce daw kasi si HM. Sa loob ng dalawang buwan Kong pag-aaral dito, hindi ko pa'rin alam ang pangalan nya. Hindi naman kasi nya sinasabi sakin kung anong pangalan nya eh.

Napapagitnaan ako ni Sarah at ni Shia, tapos sa tabi ni Sarah si mark, tapos sa tabi naman ni Shia si poison, tapos sa tabi ni poison si Andrei, tapos non tapos na!!

Nahagip naman ng mata ko si Andrei. Nakatingin sya sakin tapos nakakunot ang noo nya. Tsk! Noong una sya ang umiiwas tapos ngayon.... Ako na!! Ano to? Iwasan mode lang ang peg?

Maya-maya bumulong sakin si Shia.

"Tsk, hindi tatagal yan! Sabihin mo na kasi ang feeling mo!" Sabi nya sakin kaya siniko ko sya. Baka nakakalimutan nya na katabi nya si poison.

"Anong feeling?" Tanong naman ni poison. Napakagat naman ako ng ibabang labi.

Nakita ko ang pagtingin samin ni mark at ni Sarah.

"A-ah ano, f-feeling ko sayo..." Sabi naman ni Shia. Nakita ko ang pagpula ng tenga ni poison, para rin syang natigilan. "Pero syempre joke lang yon!" Dugtong naman uli ni Shia.

"Tsk, akala ko naman totoo na, akala ko pa naman may gusto ka na sakin, akala lang pala, ang manhid manhid nyong tatlo ng kaibigan mong babae, nasa harap na nga, hinahanap pa sa malayo!" Narinig Ko yon kahit bulong lang. Nasama pa ako sa mga manhid huh? Pero totoo naman yung sinabi ni poison. Halata naman kasing may gusto sila Shia at poison sa isa't isa, kaso... Manhid si Shia at torpe naman si poison. At katulad naman ng kalagayan nila Shia, ganon din sila Sarah at mark. Buti pa nga sila eh! Ako nga saming dalawa ako lang ang nagmamahal. WOW!! HUGOT DAY YATA NGAYON!!! Pero totoo naman kasi, may mahal kasi syang iba!

"Hoy poison anong binubulong-bulong mo dyan!!" Sabi ni Shia kay poison. Alam nyo ba kung bakit ko narinig? That's one of my senses. Tagal naman dumating ni tanda?

Nakita ko naman ang pagpasok at pagpunta sa gitna ni tanda.

"Pinatawag ko kayong lahat para sabihin na malapit na ang ranking. May one week kayo para mag training kasama ang training partner nyo!! At para sa mga hindi pa nakaka-alam, ang ranking ay isang duel!! Students!! Galingan nyong lahat!! Aasahan ko na malaki ang mga ipinagbago nyo!! Lalo na kayo, royalties!! At sabik na akong makitang lumaban si Ms.michiyo." nakita ko naman ang pagngisi ni HM. Isa lang ang masasabi ko Kay HM, isa syang malaking ab!! Alam nyo ba yung ab? Ang ab ay ABNORMAL!!

'Wow naman! Siguroradong malilipat na ako sa room ng royalties'

'ASA ka namang don ka!'

'Pero tingnan nyo oh! Yung bagong Salta nandon na agad!'

'Weak naman yan eh!'

'Gaga, mapupunta ba don kung weak'

'Tsk'

Nag bulungan pa..... (-_-)

Nagsipasukan naman na kami sa classroom. At kamalas malasan nga lang, katabi ko si Andrei. Kasi sila Sarah may kasalanan nito eh!!! Kainis naman kasi!

Sumunod naman ang  Prof namin. Habang nagdidiscuss may kamay na naglagay ng papel sa table ko. Nakatiklop ito at alam ko kung kanino galing, kay andrei.

Save The KingdomsWhere stories live. Discover now