Pagdilat ng mga mata ko, pakiramdam ko nakalutang ako sa kawalan. Ang lugar na nasa harap ko, hindi ko maidescribe. Hindi ko maihalintulad sa kahit anong “Wonders of the World” na nakalista. Hindi na rin masakit yung ulo ko. Kinapa ko pa nga pero wala na rin yung dugo.
Naglakad-lakad ako dito sa lugar na ito at napansin ko yung mga bulaklak. Grabe! Ang gaganda ng mga bulaklak dito. Karamihan mga hindi ko alam kung anong pangalan. May mga batang naglalaro at nagkakantahan. Lahat ng mga taong nakakasalubong ko eh pawang mga nakangiti. Yung iba nga bigla-bigla na lang nangyayakap kahit hindi ko kilala.Parang sobrang saya nila masyado. Pero hanggang ngayon, wala pa rin talaga akong ideya kung nasaan ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng isang Ale. Siguro mga mahigit kwarenta anyos na rin siya. Nakuha niya ang atensyon ko dahil naiiba siya sa lahat ng mga taong nakikita ko; nakaupo siya sa isang sulok at tila may malungkot at malalim na iniisip. Nun ko lang din napansin na halos lahat ng tao dito ay magkakapareho ng suot – mahaba na kulay puti na nagliliwanag. Nagkakaiba-iba lang sa design. At oo, ganun din ang suot ko.
Lumapit ako sa Ale para tanungin ang tungkol sa lugar na ito at kung bakit siya malungkot.
“Ahm, pwede po bang magtanong?”
Humarap naman siya sa’kin. Bakas ko pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya.
“Ano yun Hija?”
“Nasaan po ako?” Tanong ko habang napakamot sa ulo.
Seryoso naman akong sinagot nung Ale,
“Ang lugar na ito ay lugar na lingid sa kaalaman ng kahit sino mang tao. Ang mundo na pinanggalingan mo ay preparasyon para sa mundong ito.”
Napaisip ako sa sinabi niya. . .
“Kung ganun nasa langit na po ako?” Biglang sambit ng bibig ko.
“Maaaring ganun na nga. Arf! Arf!” Laking gulat ko nang biglang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ng isang aso! OO ASO! At, pamilyar ang asong ‘to sa’kin ah?
“Teka, Georgie? Georgie! Bakit nandito ka? At bakit nakakapagsalita ka?” Si Georgie ay alagang aso ng kapit-bahay naming si Katie.
“Ang mundong ito ay hindi tulad ng mundong pinanggalingan natin. Sa mundong ito, maging ang mga hayop ay may kakayahang magsalita sa pamamaraang naiintindihan ng mga tao.” Nang sabihin yun ni Georgie, nakaramdam ako ng matinding kalungkutan sa tono ng pananalita at mga mata niya. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga hayop. Sa totoo lang takot pa nga ako kay Georgie nun. Basta wala akong hilig sa mga hayop. Pero ngayon, alam kong weird pero pakiramdam ko tao lang din yung kausap ko. Ngayon ko nagets yung ipinaglalaban ng mga animal welfare volunteers na “Animals have feelings too.”
“Ang lugar na ito ay nagsisilbing lugar ng tunay na kapahingahan para sa lahat. Sapagkat sa kabilang mundo, puro na lang kaguluhan, problema at mga sistemang bulok. Ang mundong ito ay pangwalang hanggan. Teka, ano nga palang pangalan mo Hija?” Baling sa’kin nung Ale.
“Cassiopeia po. Adhara Cassiopeia po ang tunay kong pangalan pero Pia na lang po para maigsi. Kayo po?”
“Tawagin mo na lang akong Aling Emy.”
“Eh matanong ko lang po Aling Emy, bakit po parang malungkot kayo nung makita ko kayo kanina; Kayo po ni Georgie, kung tulad ito ng sinasabi niyong mundong walang kabulukan at pang walang hanggan?” Tanong ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Hoshi
Fiksi RemajaSometimes, we're like STARS We FALL to make someone's dream COME TRUE. :)