“Mama?!” Pag dilat ko ng mga mata ko, natagpuan ko na naman ang sarili ko sa kwarto.
Dali-dali kong hinanap ang kalendaryo,
June 12,2013.
“Papa?! Papa?!” Baka panaginip na naman ang lahat ng ‘to. Kailangan kong mapatunayang totoo ‘to.
“Oh relax Pia anak, nandito ako.” Para akong nabunutan ng tinik nang makita at marinig ko ulit ang boses ni Papa. Walang kaabog-abog na nayakap ko siya bigla sa sobrang saya.
“Gusto niyo po ba ng kape Papa? Ipagtitimpla ko po kayo.” Alok ko. Kailangan maging maingat ako sa lahat ng gagawin ko ngayon. Kailangan lahat ng gagawin ko ngayon maging worth while.
“Aba, mukhang maganda ang gising mo ‘nak ah? Sige nga ipagtimpla mo ‘ko ng kape!”
Pagkatapos kong maipagtimpla ng kape si Papa, tinabihan ko siya sa sofa saka iniabot yung kape.
“Papa,”
“Hmmm, ano yun?”
“Wala naman po. Gusto ko lang pong sabihing, kayo po ang the best na Papa sa buong mundo. Pinakamabait at pinakagwapo.”
Natawa naman si Papa sa sinabi ko at pabirong sinabi,
“Sipsip! Magkano ba’ng kailangan mo anak ha? Hahaha!”
Talaga ‘tong si Papa! Niyakap ko naman siya,
“Papa naman?! Basta po gusto ko lang po’ng malaman niyong para sa’kin kayo ang the best! Mahal na mahal ko po kayo ‘Pa! Mag-asawa po kaya kayo ulit?” Nagtaka naman siya bigla sa sinabi ko,
“Akala ko ba dati ayaw mo?” Tanong niya,
“Eh kasi syempre po naisip ko, gwapo naman po kayo tapos napakabait pa tapos bata pa naman po kayo. Malay niyo makahanap pa po kayo ng mapupusuan niyo jan diba?” Siguro sermon ang aabutin ko nito pag nagkita ulit kami ni Mama.
Ginulo naman ni Papa yung buhok ko sabay sabing,
“Tama na sa’kin ang Mama mo. TL ako dun eh? Tsaka paano na lang pag nagkita kami ulit? Baka habulin ako ng taga nun at nakuha ko pang mag-asawa ulit. Teka, sabi mo gwapo si Papa? Eh sinong mas gwapo? Ako o si Jeremy na boypren mo?”
“Ahm, lamang po kayo ng kalahating paligo ‘Pa. Hahaha!”
Nabatukan naman ako bigla ni Papa,
“Edi pag naligo na mamaya si Jeremy mas gwapo na siya sa’kin? Hmp! Dun ka na nga! Ginugulo mo naman ako eh?”
Kinagabihan, nagpunta ako sa practice studio building ng JANE.
“Rigel, I’m waiting. – Ara.”
Isinulat ko sa papel at ipinaabot sa guard,
“Kuya pakibigay naman kay Ri— kay Jeremy please? Please importante lang po talaga.” Napakamot na lang ng ulo yung guard pero kinuha rin naman yung papel.
This is it.
(Jeremy’s POV)
“Galing daw yan sa isang JANELLE sabi nung guard. Baka kakilala mo? Importante daw eh?” Sabi ni Sir Ricky sabay abot sa’kin ng kapirasong papel na may nakasulat,

YOU ARE READING
Hoshi
Teen FictionSometimes, we're like STARS We FALL to make someone's dream COME TRUE. :)