Pag-uwi ko sa bahay naabutan kong nanonood ng TV si Papa. Yung mga balita sa TV puro tungkol sa pag-uwi ng bandang JANE sa isang araw.
“Ibig sabihin uuwi na dito si Jeremy? Ayos! Babalikan ka na nung boypren mo Pia!” Biglang sabi ni Papa habang kumakain ng adobong mani sa sofa at nanonood. Tinabihan ko naman siya at nagcross arms,
“Papa naman! Hindi ko naman boyfriend yun ‘no?!” Nagcross arms din si Papa,
“Naku! Pero kung maka-I love you ka sa kanya nung mga bata pa kayo tapos kung makahalik ka kulang na lang ikulong mo dito sa bahay natin si Jeremy para hindi maagaw nung iba niyong kalaro. Nakikipag-away ka pa nga nun kapag naglalaro kayo ng kasal-kasalan tapos hindi ikaw yung bride niya. Tanda ko nga nag-away pa kayo ni Jessica ng dahil dun eh?” Sabi niya sabay subo ulit ng mani.
Whoa! Grabe pala ang memory ni Papa, naaalala pa niya yun?
“Bata pa naman kasi kami nun ‘Pa!” Ni hindi ko nga alam kung naaalala pa ni Rigel yun eh?
Kung naaalala pa niya ako.
Haay! Loko kasi yun tatlong taon nang mahigit na walang paramdam simula nung magkacontract under Warner Music Japan Inc. Nakakatampo.
“Bata pa? Ay sus! Sa labing siyam na taong pagpapalaki ko sayo sa tingin mo ba hindi ko mapapansing baliw na baliw ka sa isang yun?” Napa-akbay sa’kin si Papa sabay sabing,
“Pero alam mo ‘nak, boto naman ako jan kay Jeremy eh? Bukod sa kasing gwapo ko siya nung kabataan ko, nasubaybayan ko rin naman ang pag laki niya kaya alam kong okay siya. Aprub ako agad dun sa lokong yun kung siya ang mapapangasawa mo. Ayos ba?”
Naihampas ko naman ng magaang sa kanya yung unan sa sofa,
“’Pa ang OA mo! Kasal agad-agad?!”
“Sinasabi ko lang naman. Syempre kailangan mo munang grumaduate! Pia anak, gusto mo ba papuntahin ko siya rito?” Sabi ni Papa, waring nanunukso.
“Kaya mo ‘Pa?” Hamon ko naman.
“Aba oo naman ‘nak! Ako pa ba? Wala ka yatang bilib sa Papa mo eh?”
“Ewan ko sayo ‘Pa! Bahala na nga po kayo jan! Goodnight!” Tapos kiniss ako ni Papa sa may ibabaw ng tenga ko.
Pumasok naman ako sa kwarto ko para magshower at makatulog na,
Pero hindi ako makatulog.
Naeexcite ako na masaya na kinakabahan sa balitang uuwi ng Pinas ang JANE.
Naeexcite kasi malamang magcoconcert sila dito, maririnig ko na rin sila ng live,
Masaya kasi makikita ko na ulit si Rigel after nine years,
Kinakabahan kasi,
Hindi ako sure kung naaalala pa ba niya ako.
Kinuha ko yung kahong nakatago sa ilalim ng higaan ko, kahon kung saan nakalagay lahat ng pictures ko nung bata,
I stumbled on a picture taken year 2000. Bale six years old na ako, nakahalik sa pisngi ng eight years old na Rigel.
(Flashback: Year 2000)
Talagang yung Jessica’ng yun! Isusumbong ko siya sa Papa ko! Huhuhuhuhu!
“Oww! Huhuhuhuhu!” Bakit ba madaming bato sa bundok na ‘to?! Pang-ilang beses ko na ‘tong madapa kakatakbo, baka maabutan na niya ako!

YOU ARE READING
Hoshi
Teen FictionSometimes, we're like STARS We FALL to make someone's dream COME TRUE. :)