(Cassiopeia’s POV)
Hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Calyx na may order daw na sinusundan yung initials sa JANE. Kung leader muna ibig sabihin J yung kay Rigel. Kung alphabetical naman na C, D, J, at R, N yung matatapat sa kanya. Aaagh! Ano ba ‘tong iniisip ko?!
Nagpagulong-gulong ako sa higaan hanggang sa may masangga yung unan ko. Yung bote ng vitamins na hindi ko iniinom, ang alam ko nga expired na ‘to eh? Pinulot ko naman yung bote. Ano ba yan? May naaalala na naman ako!
(Flashback: Year 2002)
Rigel, Rigel, nasaan naman kaya yun? Sinabi ko lang na sumali siya sa’min maglaro ng ten-twenty nawala bigla. Hindi kaya naglalaro na naman yun ng mag-isa sa bodega nila?
“Rigel! Anong ginagawa mo jan?” Tanong ko. Naabutan ko kasi siyang nagsusulat sa kapirasong papel.
“Eto ba? Malupet ‘to! Imbensyon para sa makabagong henerasyon! Haha!” Tinabihan ko naman siya,
“Paano naman naging makabago ang pagsusulat sa papel?”
“Kita mo ‘to?” Sabay abot sa’kin ng isang capsule.
“Anong gagawin ko dito?”
“Buksan mo!” Pag bukas ko, sa loob nung capsule may nakabilot na papel, ang nakasulat,
“Si Ara lang ang papakasalan ni Rigel, promise.”
(End of Flashback)
Ewan ko ba pero nung magsink in sa’kin ang alaalang yun bigla kong ipinagtatapon yung lamang powder sa capsule nung vitamins tapos gumupit ng kapirasong papel para magsulat.
“J.A.N.E. Sana ang first love mo ay si A. Hindi ko alam kung sa paanong order pwedeng matapat sayo yung A pero umaasa pa rin ako. Naaalala mo pa ba ako?”
Ibinilot ko yung papel at tsaka inilagay sa capsule.
(Jeremy’s POV)
Tumingin lang ako sa mga forums about sa’min sa internet. Hanep! Trending pa rin pala sa twitter hanggang ngayon yung #JANEsFirstLove ah? Tapos trending din yung #PersLabNiJeremy at yung #SilaNaDyosa. Mukhang okay lang naman pala yung naging response ng mga fans sa sinabi ko nung interview. Eh totoo naman kasi yun eh ano pa ba’ng magagawa nila? Nagbasa-basa naman ako ng mga comments ng mga JANELLES sa forums,
“Dyosa siguro yung First love ni Jeremy kaya hindi pa siya nakakamove-on! Huhu! Kainggit!” Onaman, dyosa talaga sa kagandahan yung Ara ko.
“Uwaaa! I want to see her! Gusto ko siyang makita sa personal! Siguro almost perfect na yung girl na yun! Uwaaa! Jeremy’s smiles were so priceless nung nabanggit yung tungkol sa kanya! Sino kaya siya?! Gusto ko talaga siyang ma-meet!” Ano uunahan mo pa akong i-meet yung Ara ko?
“Kaya naman pala napaka-meaningful ng mga kantang ginagawa ni Jeremy eh? May pinaghuhugutan pala! Kainggit! Waaa! Sana magkatuluyan sila! I wish you all the best Jeremy!” Gusto ko ‘tong comment na ‘to! Mabigyan nga ng jacket ‘tong JANELLE na ‘to! Ay kaso hindi ko naman siya kilala. Haha!
“Grabe talaga! Dineadma ako?! ‘tong gwapo kong ‘to dineadma ako Paps?!” Nagrereklamong sabi ni Red kay Dominic, tapos nung makita ako,

ANDA SEDANG MEMBACA
Hoshi
Fiksyen RemajaSometimes, we're like STARS We FALL to make someone's dream COME TRUE. :)