Chapter IV

33 2 1
                                    

(Cassiopeia’s POV)

            “Papa, alis lang po ako ah? Babalik din po ako mga 8 pm siguro.” Paalam ko kay Papa habang sinusukbit yung sling bag ko at naghahanda paalis.

            “Oo sige pero saan ka ba pupunta?”

            “Ahm, sa kaibigan ko po. . . Si Mara po.”

            “Mara talaga hindi Jeremy ah?” Pang-asar ni Papa. I rolled my eyes tsaka sinabing,

            “Papa, nasa Japan si Rigel okay?!”

Natawa naman si Papa sa sagot ko.

            “Oh siya na, mag-iingat ka ha? Kapag wala ka pa dito ng 8 pm sa labas ka na matulog okay?!” Ginaya niya yung pagkakasabi ko ng “okay” tapos pi-nat yung likod ko.

Ngayon naman kailangan kong tulungan si Aling Emy. Weird diba? Ni hindi ko sigurado kung totoong nag-eexist siya at ang babaeng nasa picture na si Mara. Pero naisip ko, kung totoo yung kay Georgie, malamang totoo din yung kay Aling Emy. Minsan ko lang sundin ang instincts ko, wala naman sigurong masama kung itry ko dito.

            “Miss nakapila ka ba?” Sabay kalabit sa’kin nung isang nursing student yata.

Natauhan ako bigla. Pumila nga pala ako para makasakay ng LRT. Nasa Maynila daw kasi si Mara ayon sa naaalala kong sinabi sa’kin ni Aling Emy.

            “Ah, oo. S-sorry.” Umayos na ako ng pila at bumili ng ticket. Pagkasakay ko ng train, chineck ko yung oras, 7:05 am. Maaga pa. Siguro naman meron akong sapat na oras para hanapin si Mara diba?

Huh? Bakit nandito ‘to?

Nakita ko sa bag ko yung weird na hand watch at binuksan,

            “Three?” Mahina kong sabi. Nakatutok kasi yung nag-iisang kamay nung relo sa three, eh ang pagkakatanda ko nung una kong nakita yun nakatutok ang kamay nito sa twelve. Haay, ano ba ‘tong iniisip ko? Sira naman nga kasi yung relo.

Nag-ikot ikot ako sa Maynila. Dito rin naman kasi ako nag-aaral kaya medyo pamilyar sa’kin ang mga pasikot-sikot dito. Ngayon ko lang narealize,

Napakalaki pala ng Maynila.

Nagtanong na ako kung saan-saang mga baranggay para dun sa listahan ng mga residents nila ganun pero wala akong nakikitang Mara Eilleen Perez. Pagka naman nakakakita ako ng pangalang may apelyidong Perez ililista ko kaagad yung address tapos dun ako magtatanong ipapakita ko yung picture baka may makakilala. Tinry ko na rin magpunta sa NSO para dun magtanong. For sure meron silang record ni Mara. Pero lahat ng iyon bigo ako. Walang nakakakilala sa picture ni Mara na ipinapakita ko. Sa NSO naman ang daming requirements nilang hinahanap sa’kin. Naiintindihan ko naman kasi ano nga namang malay nila sa totoong pakay ko.

Makailang ulit na akong kamuntik habulin ng aso at masagasaan ng tricycle, nagasgasan pa yung siko ko tapos ilang beses pa akong natapilok pero wala pa rin akong ideya kung nasaan si Mara. Napagdesisyunan ko na ring umuwi, baka mapagalitan pa ako.

Pagkatapos kong iligpit yung pinagkainan namin, nagshower muna ako bago matulog.

Kinuha ko yung listahan nung mga Perez na ginawa ko kanina. Lahat naman may check, ibig sabihin napuntahan ko naman lahat.

            “Saang parte ba ng Pilipinas makikita si Mara?” Nagrereklamo kong sabi habang sumisipa-sipa at gumugulong sa higaan. Sa likot ko nalaglag tuloy sa may ulunan ko yung weird na handwatch.

HoshiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora