Chapter I

82 3 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, business, songs, places, events and incidents are either products of the author’s imagination or used only for creative purposes. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

Author’s note: Not yet submitted for copyrighting. Please do not take out without full credits. This is an intellectual property of

Joy Christine Danielle Cabrera Vidal. (:

__________________________________________________________

(Cassiopeia’s POV)

“Running out of words to say

I  wonder how can I define

How can I ever say how much I love you”

Sumakay ako sa bus at umupo sa upuang nakapwesto sa may bintana sa gawing kaliwa; pinapakinggan ang boses ng lalaking matagal ko nang mahal.

Kamusta na kaya siya? Kailan kaya siya makakauwi dito?

Kilala pa niya kaya ako?

Napapikit ako sa mga katanungang pumasok sa isip ko. Mabuti pa sigurong iidlip ko na lang ang lahat ng ito.

Limang minuto pa lang siguro ang nakalipas nang naidlip ako,  bigla akong nagising gawa ng isang nakakasulasok na amoy sa bus.

“Boss! Ano po’ng meron? May sira po ba ‘tong bus na ‘to?” Sabi nung isang manong.

“Ah, relax lang po kayo Bossing, medyo luma na po kasi yung makina kaya umaamoy talaga paminsan-minsan pero wala naman po yun. Pasensya na po. Tiis na lang po ng kaunti.” Sagot naman nung kundoktor.

Samu’t-saring mga reaksyon naman ang narinig mula sa mga pasahero. May mga nagrereklamo, nagsasabing isusumbong daw yung operator sa LTFRB, meron din namang mga katulad kong hindi na lang umimik at nagtakip na lang ng ilong. Ang importante ay makauwi ng matiwasay.

Na mukhang hindi rin mangyayari.

Napuno ng isang nakakabinging ingay ang bus. Gawa ng wala naman akong alam sa mga sasakyan, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Basta ang alam ko lang . . .

Nasa panganib kami.

Ilang saglit pa, nagsimulang magpagewang-gewang ang sinasakyan naming bus na tila isang lasing na langong-lango sa alak. Nag-iiyakan na ang mga batang pasahero. Nakikipagtalo na ang ilang mga pasaherong kalalakihan sa kundoktor at driver na hindi na rin alam ang gagawin at sasabihin. Natataranta na ang lahat – kabilang na ako. Pero maging ako ay walang ideya sa kung ano ba ang dapat gawin, nasa skyway ‘tong sinasakyan naming bus; Nagpapagewang-gewang at mismong driver ay tila ba hindi na kontrolado ang sitwasyon.

            “Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa’min.” Yan na lang ang nasabi ko. Sana maging okay na ang lahat.

Napatingin ako sa TV sa loob ng bus. Alas-otso impunto na ng gabi.

Maya-maya pa ay nakaramdam kami ng isang malakas na pagbalabag. Bumangga ang bus na sinasakyan namin sa pinakaharang ng skyway kung kaya naman halos lahat ng pasahero ay humagis sa may harapan ng bus sa sobrang lakas ng impact. At kung minamalas ka nga naman, tumama pa yung ulo ko sa bakal sa may unahan. Ang init ng pakiramdam. Pero inisip ko na lang, hindi na bale. At least okay na. Tumigil na ang bus. Makakauwi na talaga ako.

Dali-daling nagsilabasan ang ibang mga pasahero. Yung iba binasag pa yung mga bintana para makalabas. Yung unahang pinto kasi nakabingit sa skyway kaya it’s either yung pinto sa likod o yung mga bintana ang gamitin nilang daan papalabas.

Sinubukan kong tumayo pero napaupo ako bigla agad sa sobrang sakit ng ulo ko. Napakapit ako sa parte kung saan masakit at nakaramdam ng mainit at malagkit na bagay. Nang tignan kong muli ang kamay ko, punong-puno ito ng dugo.

            “Miss, halika! Umalis na tayo dito.” Sabi sa’kin nung kundoktor sabay iniabot ang kamay niya sa’kin. Naka labas na siya ng bus. Aalalayan niya lang siguro akong makalabas gamit yung bintanang basag.

Lumabo na lang bigla ang paningin ko. Pag tingin kong muli sa kundoktor, nagmistulang tatlo siya. Pinipilit kong abutin ang kamay niya hanggang sa nakaramdam ako na dumudulas ang katawan ko. Para bang malalaglag. Muling nanumbalik ang tensyon sa loob. Nagsisigawan nang muli ang mga pasaherong tulad ko na hindi pa nakakalabas ng bus. Nakarinig pa ako ng mga batang nag-iiyakan. Wala na talaga akong ideya sa mga nangyayari; Malabo ang paningin ko, parang umiikot ang mundo ko. Bawat salitang naririnig ko ay parang nanggagaling sa loob ng baul. Hanggang sa makarinig ako ng malinaw na pagsigaw ng isang babaeng pasahero.

            “Malalaglag tayo! Malalaglag ang bus! Mamamatay tayo! Tulungan nyo kami!” Sigaw na naramdaman kong punong-puno ng takot. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin, ni hindi ko na nga masyadong naiiintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Basta narinig ko lang.

Pilit kong idinidilat ang napapapikit kong mga mata. Pakiramdam ko may bahid na rin ng dugo ang mga mata ko. Kinapa-kapa ko kung ano ba ang laman ng bulsa ko, nakuha ko yung cellphone kong basag ang screen.

130613. Yan lang yung nakita ko. Ni hindi ko na maisip kung ano ba ang ibig sabihin niyan.

“Tic-toc. . . Tic-toc. . . Tic-toc. . .”

Nakakarinig ako ng malakas na pagtic-toc ng relo. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yun.

Wala na talaga. Ang bigat na. Ang bigat bigat na ng mga mata ko.

HoshiWhere stories live. Discover now