Chapter XI

30 1 0
                                    

(Jeremy’s POV)

            “Paps?” Tawag sa’kin ni Red. Bumaba naman ako sa van para samahan yung mga nakaputi,

Yung mga nakikipaglibing.

            “Jeremy, anak.” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mama at ni Saia. Si Papa naman tinatapik-tapik ang likod ko.

Maya-maya lumapit sa’kin si Jessica,

            “I’m so sorry Jeremy.”

Nginitian ko lang siya. Ngayon pati sarili ko kailangan kong lokohin. Kailangan kong ipagdukdukan na kunwari

Okay lang ako.

Lumapit naman ulit sa’kin si Mama at hinawakan ang magkabila kong pisngi sabay sabing,

            “Nasa mabuting kalagayan na si Cassiopeia okay? She’s at peace now.” Alam ko namang napupunta sa mas mabuting kalagayan ang mga tao kapag namatay sila. Oo, naniniwala ako sa life after death. Naniniwala ako sa langit at impyerno. Alam kong maganda at masaya yung kinaroroonan ni Ara ngayon,

Pero pwede ba’ng maging selfish?

Oo maganda yung lugar na kinaroroonan niya, kasama ng Mama niya. Walang sakit, hindi na siya pahihirapan pa nung mga sugat na natamo niya gawa nung aksidente,

Pero paano ako?

Paano ko pa sasabihin yung lahat ng gusto kong sabihin sa kanya? Paano ko pa ipaparamdam yung lahat ng nararamdaman ko? Paano nang lahat ng yun? Ano pa’ng silbi nun?

            “Tito! Bakit ganun?! Magkachat pa nga kami sa Facebook nung isang araw eh? Okay pa naman po ang lahat nung araw na yun eh?! Pero bakit? Bakit si Besty pa?!” Sabi ni Monique na parang nagsusumbong sa magulang. Kauuwi niya lang kahapon galing States. Balak niya sanang isurprise si Ara sa pag-uwi niya pero siya ang na-surprise ilang araw bago pa siya nakauwi. Tinapik-tapik naman ni Tito ang likod niya at pilit na sinabi sa isang pilit na kalmadong tono,

            “Hayaan mo na yun Hija, kailangan na siguro talaga nilang magkita ng Mama niya.”

            “Condolences.” Sabi sa’kin ni Dr. Naval habang tinatapik-tapik niya ‘ko sa likod. Kasama niya yung Tita ng late girlfriend niya.

Nag-alay na kami ng mga bulaklak at nagpalipad ng mga puting lobo,

Ano ba’ng dapat kong gawin Ara?

            “Paps, tinawagan ko na si Manong Ricky na ipostpone yung fan-meet para bukas. Okay lang yan Paps nasa mabuting kalagayan naman si Babaeng Letter A.” Sabi sa’kin ni Calyx.

            “Bakit hindi tayo tutuloy? Tuloy tayo bukas!” Sagot ko. Sabi ko nga, kailangan kong ipagdukdukan sa sarili kong okay lang ako. May fan-meeting kami bukas kasi,

Birthday ko.

Tinignan naman ako ng may pag-aalala nung tatlo,

            “Okay lang ako. Basta bukas tuloy tayo.”

Pagkatapos ng mahigit siyam na taon, ngayon lang ulit ako nakabalik sa kwartong ‘to. Sa kwarto ko.

Sabi ko na nga ba’t hindi magandang ideya ang umuwi sa bahay ngayon. Dahil sa kwartong ‘to, nanunumbalik yung mga alaaalang nakapaloob dito siyam na taon na ang nakakalipas,

HoshiOnde histórias criam vida. Descubra agora