(Cassiopeia’s POV)
Buong araw akong hindi mapakali sa kwarto ko kakaisip kung tutuloy ba ako sa concert mamaya. June 13, 2013. Eto na yata ang araw sa buhay ko na hindi ako magkanda-ugaga sa gagawin.
“. . . Mga bagay na nais naming gawin pero naabutan na kami ng kamatayan at hindi na nabigyan ng pagkakataon pa para baguhin ‘to Arf!”
Naalala ko na naman yung sinabi ni Georgie . . .
“Bagay na nais gawin?”
Kinuha ko yung diary ko at nagsulat. . .
“Maybe, somehow . . . He should know. . .”
Napabalikwas ako ng higaan at nagshower. This is it! Pupunta na talaga ako kahit anong mangyari! Do or die!
Pagkatapos kong mag-ayos at inihanda yung mga gamit ko, kasama yung bote ng capsules, bahala nang yung mga nakalagay dun ang magsabi kay Rigel ng mga nararamdaman ko. Tutal tantsa ko naman sa sarili ko hindi ko rin yun masasabi ng harapan sa kanya eh? Pagkatapos nagpaalam na ‘ko kay Papa,
“’Pa alis na po ‘ko.” Sabi ko sa kanya sabay tinabihan ko siya sa may sofa.
“Ba’t ganyan suot mo?” Anong mali sa suot ko? Nakasuot ako ng sky blue checkered na blouse, jeans at yung sneakers kong may Bart Simpson na design.
“Po? Bakit po ‘Pa? Pangit po ba?”
“Eh diba pupunta ka ng concert nila Jeremy? Dapat nagbistida ka. Magpapakita ka sa boypren mo ng nakaganyan?” Natawa naman ako sa sinabi ni Papa,
“Papa, eh concert naman yun ‘no? Kailangan magsuot ng komportable. At tsaka, hindi ko po boyfriend si Rigel, kulit!”
“Oh siya na. Basta holding hands lang muna walang kiss ah? Ay sa bagay maraming beses na kayong nagkiss nung mga bata pa kayo, sa lips pa! Pero kahit na! Iba na ngayon eh?!”
“Papa naman?! Concert nga po yung pupuntahan ko hindi date!” Ginulo naman ni Papa yung buhok ko, yumakap sa’kin tapos kiniss ako sa may ulunan.
“Ewan ko ba. Pakiramdam ko may aagaw sayo sa’kin ngayon eh?” Sabi ni Papa, natawa naman ako.
“Sino ‘Pa? Si Rigel? Haha! Papa kahit anong mangyari ikaw pa rin ang number one na lalaki para sa’kin.”
“Eh ano si Jeremy? Number two?” Napa-isip ako,
“Ahm, one point one?” Binatukan naman ako ni Papa,
“Siya na! Baka hinihintay ka na ni one point one!”
In a few moments, magkikita na ulit kami.
(Jeremy’s POV)
Naeexcite ako na kinakabahan na . . . Ahm, natatae? Eh kasi naman eto na yung araw na makikita ko ulit yung Ara ko!! kinontrata ko pa yung buong crew ng production para sa magiging setlist ng concert na ‘to. Syempre dapat kasama yung pinaka-favorite niyang isinulat ko; yung Sleepless Night na hindi naman talaga nasasama sa setlist namin pero ipinagpilitan ko, syempre paborito ng mahal ko yun eh? Tapos yung Starlit Night at yung Pounding Heart na pinagtulungan namin ni Red. Parehas naman kasing may patungkol sa stars yun kaya ko isinama. Eh kasi nga diba stars yung Rigel at Adhara? Oo na nagiging cheesy na ‘ko ng hindi oras. Wala na lang pakealaman ng taong inlababo ika nga ni Calyx.
YOU ARE READING
Hoshi
Teen FictionSometimes, we're like STARS We FALL to make someone's dream COME TRUE. :)