Chapter VII

25 2 1
                                    

(Jeremy’s POV)

 

(Flashback: One week ago)

 

            “Four male band kayo, with a band name na sobra namang nakakaintriga kasi it’s a girl’s name! So, tell us about your band name.” Sabi nung host ng talk show. Kinuha kasi kaming guests para sa talk show na ‘to para ipromote yung upcoming concert namin at syempre para kamustahin yung mga fans namin sa sarili naming hometown.

            “It’s literally a girl’s name.” Seryosong sabi ni Red. Natawa naman tuloy kaming apat.

            “So sino si JANE?” Tanong ulit nung host. Oy, oy mautak ‘tong host na ‘to ah?! Parang wala naman yung tanong na yun sa mock interview kanina ah? Napatingin tuloy ako dun sa tatlo sabay sabing,

            “Nung nagdecide kami kung anong band name, nagcome up kami sa idea na initials na lang naming apat tapos pagsamahin. Jeremy, Red, Calyx, Dominic. J, R, C, D. . . Lahat consonants kaya hindi na lang namin itinuloy. Instead . . .” Napatigil ako sa sinasabi ko. Tumingin ako sa tatlo ng may mukhang nagsasabing “Ituloy ko ba?” tumango naman sila. Napansin ko ring parang kinakabahan ang lahat sa mga susunod kong sasabihin,

            “. . . Hindi ko alam kung magagalit yung JANELLES pagkatapos nito, at kung mapapagalitan kami ng management dahil sa totoong meaning ng band name namin, pero yung JANE talaga, first letter yun ng pangalan ng first love ng bawat member. J, A, N, E.” Para akong nagpasabog ng bomba sa mga sinabi ko. Halu-halong reaksyon yung nakita ko sa mga audience. Pati yung host halatang nanlaki bigla yung mata sa sinabi ko,

            “Can you give us a hint kung kaninong first love si J, si A, si N, at si E?” Oy, oy invasion of privacy na yan! Sabay-sabay naman kaming apat sa pagkakasabi ng,

            “Secret!!!!”

 

            “Basta yung JANE may sinusundang order sa’min yun. Kung anong klaseng order yun, syempre secret. Haha!” Sabi naman ni Calyx. Yung order na yun, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng publiko pag nalaman nila. Mabuti pa ngang secret na lang, sa’min na lang yun.

            “Isa pa, nakamove-on naman na kami sa mga first love namin eh? It’s just sweet to remember.” Gatong naman ni Dominic. Oy anong nakamove-on?

Hindi ah?

 

Eto namang mokong na si Red na nasa kaliwa ko napansin yatang may violent reaction akong itinatago sa statement ni Dominic. Biglang tinapik-tapik niya yung likod ko na parang sinasabing “Okay lang yan Paps.” Habang natatawa ng discreet. Napansin tuloy kami ni Dominic sabay sabing,

            “Ay joke lang pala! Meron palang hindi!” Sabay palokong ngumiti itong Calyx na nasa kanan ko at gumatong pa,

            “Naku, yang si Jeremy Paps?! Poreber inlababo yan sa babaeng letter—” Bago pa man maituloy ni Calyx yung sasabihin niya, tinakpan ko yung bibig niya. Nagtilian naman yung mga audience at nagcheer,

HoshiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora