Chapter VI

30 2 1
                                    

“Pyurooorooooo!~ . . . 5, 6, 7, 8! Na na na na na!~” Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa’kin?

            “BESTY!!! I MISS YOU NA!!” Pasigaw niyang sabi, nailayo ko tuloy ng kaunti yung cellphone sa tenga ko gawa ng pagkagulat sa lakas ng sigaw niya; si Monique, ang best friend ko.

Nag-inat pa ako at umupo ng maayos bago sumagot,

            “Uy Monique! Napatawag ka? Uy, mahal ang bayad nito ah? Long distance call? Kamusta?” Kagaya ni Rigel, ahead siya sa’kin ng two years. Simula nung magsecond year college siya, lumipat sila Monique ng States dahil ipinetition siya ng Papa niya. Dun na rin niya ipinagpatuloy ang pag-aaral. Since sobrang magkalayo ang timezones namin, nagset na lang kami ng once a week to keep in touch rule kapag pareho kaming busy. Kapag hindi naman nagkikeep in touch kami as often as possible.

            “Eto Bes maganda pa rin! At hey! Ikaw ang kamusta? Akala mo jang babaita ka?! Kahit ilang dagat pa ang pagitan natin makakabalita at makakabalita ako jan sa Pilipinas ‘no?! Balita ko umuwi na raw yung fiancée mo’ng si Jeremy the love of your life ah? Ayiiie! Kinontak ka na ba niya? Nililigawan? Ahm, nagpropose? OMG Bes nakakaloka ka!” Bakas na bakas sa boses ni Bes yung kilig at excitement. Talaga ‘tong si Bes. Nahihiya tuloy akong sumagot. At oo nga pala, nakauwi na yung JANE mahigit isang linggo na ang nakalipas.

            “Hindi pa nga ako kinokontak eh? Tingin mo ba naaalala pa ako nun Bes?”

            “Oo naman Bes! Napaka-nega nito! Ako nga tandang-tanda ko pa na laging ako yung anak tapos ikaw yung nanay tapos siya yung tatay ko kahit sa totoo lang mas matanda ako sa inyong dalawa! At tsaka may malay na tayo nun! For sure naman maaalala ka pa niya. May landian moments pa nga kayong sulatan diba? Love letters at this era not until nakapasok siya sa agency niya ngayon? Naaalala ka pa nun Freng! Well, not unless nagka-amnesia pala ang love of your life? Hmmm, mabuti pa, try mo kaya siyang puntahan sa practice studio nila?”

            “Naku! Ayoko namang gawin yun! Baka magmukha akong desperado pag ginawa ko yun!”

            “Freng anong desperado dun? Yung mga fans nga nila sumusugod far and wide! Kahit saang sulok pa yan ng daigdig Go, Fight, Cheer, Win sila?! Eh ikaw?! Haller?! Ikaw kaya ang fiancée ng vocalist-dash-rhythm-guitarist-slash-leader ng JANE a.k.a. Jeremy love of your life?! Ano ‘teh? Go push na yan!” Natatawa naman ako sa sinabi ni Bes.

            “Eh Bes, paano nga pag hindi na niya ako naaalala?” Parang medyo nairita naman siya sa sagot ko,

            “Alam mo Besty kung pwede lang magsend ng batok through phone ginawa ko na! Wag nega besty okay? Kung hindi ka na niya kilala edi just tell him, “Hey remember me? Adhara Cassiopeia? Ako yung nabuntis mo, kelan mo kami balak panindigan ng anak mo?” Panalo yun Bes! Hahaha!” May narinig akong boses na tumatawag kay Bes sa kabilang linya, malamang Papa niya yun.

            “Hey Besty I gotta go na pala. Basta I’m sure somewhere in his heart and mind is you. Kaya stop na ‘yang pag-iinarte okay? Bisitahin mo siya mamaya or else magteteleport ako papunta jan para batukan ka. Balitaan mo ‘ko ha? Byiiiee!”

            “B-Bes Wait!!” Naghang na siya, Haaay talagang yung si Bes,

Kinuha ko naman yung laptop ko at isinearch kung saan yung practice studio ng JANE. Pupunta ba ‘ko?

            “Pia anak si Katie hinahanap ka.” Tawag sa’kin ni Papa. Naalala ko bigla yung relo. Kinuha ko muna at tsaka lumabas sa kwarto.

HoshiМесто, где живут истории. Откройте их для себя