Idinilat ko ang mga mata ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa kwarto ko.
“Panaginip lang pala.” Sabi ko.
Pero may tangan yung kamay ko, ano ‘to?
Isang relo, hand watch na parang kay Edward Elric ng Full Metal Alchemist pero kulay bronze ‘tong hawak ko. Tapos may picture ng babae. Pilit kong inisip kung sino siya pero wala talaga akong maalalang kilala ko siya. Tinignan ko ulit yung relo; weird. Iisa lang ang kamay nito. Napatingin naman ulit ako sa picture, sinilip ko kung may nakasulat ba sa likod nang bigla na lang akong kinilabutan
Mara Eilleen Perez. Yan yung nakasulat.
Akala ko nun mamumuhay lang ako na tulad ng isang normal na tao. Mamamatay ng normal na pagkamatay. Pero siguro, wala naman talagang ganun. Lahat ng tao makakaranas ng mga hindi normal na bagay at hindi ako excempted dun. Siguro yung panaginip kong yun parang vision. Paghingi ng tulong ni Georgie at ni Aling Emy.
“Pia anak! Gising ka na ba? Ipagtimpla mo naman ako ng kape oh?” Biglang tawag ni Papa sa may labas ng kwarto ko.
“Opo Papa nanjan na po!”
Ipinagtimpla ko na si Papa ng kape at naghanda na ng maiaalmusal, ang saya talaga kapag bakasyon!
“Kailan ba ulit ang enrolment nyo ‘nak?” Tanong ni Papa pagkasubo nung iniluto kong fried rice.
“Sa may pa naman po Papa.”
“Eh kamusta naman kayo ng boypren mo?”
Sumubo ako ng isang kutsarang sinangag na may pritong itlog at tsaka ako sumagot,
“Ayun okay naman din po – PAPA?!” Narealize ko yung tanong nya, yung boyfriend ko daw. Eh wala naman ako nun. Tatawa-tawa naman yung Papa ko sa sagot ko.
“Sinasabi ko na nga ba’t boypren mo yung si Jeremy eh ayaw mo pang aminin.” Nang-aasar niyang sabi.
“Hindi nga po kasi!” Inis ko namang sagot. Sinimangutan ko nga si Papa.
“Oh sya edi hindi na kung hindi.” Si Jeremy na tinutukoy ni Papa, kababata ko yun. Mas matanda nga lang siya sa’kin ng two years. Kumbaga siya yung “childhood sweetheart” ko. Pero ngayon, vocalist-slash-rhythm-guitarist na yun ng bandang JANE. Yung bukod tanging banda/music artist na lahat ng members ay galing ng Pinas pero under sila ng Warner Music Japan Inc. Sosyal diba? Miss ko na nga yun eh? Yung lalaking yun.
Yung lalaking mahal ko.
Pagkatapos kong magligpit ng mga pinagkainan namin, bumalik ako sa kwarto ko.
April 17? Two months and five days na lang birthday na ni Rigel Jeremy Crisostomo!
Napansin kong muli yung mga bagay na hawak ko kanina pagkagising ko; yung handwatch at yung picture. Naalala ko na naman bigla yung nasa panaginip; si Georgie at si Aling Emy. . .Speaking of panaginip, bakit simula nung maaksidente ako sa bus, hanggang makarating ako dun sa magandang lugar, lahat nang yun, pakiramdam ko totoo lahat? Bakit meron talagang drive na nagtutulak sa’kin na kailangan ko silang tulungan? Kung panaginip yun paanong nangyaring pagkagising ko hawak ko na yung sirang relo at yung picture?
“Oo. Hindi ka pa patay. Hindi ka pa maaaring mamatay.”
Naalala ko ang boses na gumising sa’kin bago ko makita ang sarili ko sa kwarto ko. Hindi kaya . . .

ESTÁS LEYENDO
Hoshi
Novela JuvenilSometimes, we're like STARS We FALL to make someone's dream COME TRUE. :)