RITZ's P.O.V
Grabe talaga tong si Beshie di man lang ako pinatira. Alam ko din na siya may gawa nung paghinto ng Oras. Pero kailangan isecret muna sa iba yun. Naglalakad na pala kami ulit dito sa gubat. Gabi narin kaya lahat kami may hawak na torch syempre sinindihan ni Red. Siya lang naman ang Fire Chantaei samin.
"Guy's pwede bang dito muna tayo huminto. Pagod na pagod na ako. Atsaka pagabi narin naman dito narin kaya tao gumawa ng Tent natin" suhestyon ni Shy sabay pasalampak na umupo.
"I guess we need to stop over here for a while.!" sabi ni Itim tapos ay ibinaba niya ang bag niya.
"May dala naman siguro kayong tent jan diba. Kami nalang mag aayos ng tent!" pagpriprisinta ni Axel.
"Here, nagdala ako ng apat na tents. Kasya naman ang dalawang tao sa isang tent. Kaya dalawa nalang sa isa!" sabi naman ni Ritz at binigay kina Ice yung mga balloon tents.
"Hindi kaya biglang atakihin tayo dito habang natutulog dito. I mean, hindi tayo nakakasigurado kung safe dito!" sambit ni Alli. She has a point.
"Well don't worry about that. Nilagyan ko na ng barrier tong place na kinaroroonan natin. Kaya hindi nila tayo magagalaw. Dinagadagan din kasi ni Red toh ng invisible fire barrier kaya chillax lang Alli.!" sabi naman ni Ritz. Tumingin naman silang lahat sakin kaya tumango nalang ako.
"I've brought some food. Just check it in my bag!" cold kong sabi bago ako pumasok sa isang tent na kakatapos lanv ayusin nina Axel.
"Hindi ka kakain!" rinig kong tanong ni Ritz.
"Nah! I'm exhausted" sabi ko nalang bago alo humiga at matulog.
💤💤💤💤💤😴😴😴😴
KINABUKASAN.......
RITZ's P.O.V
Haaayy. Good Morning Everyone. Kakagising ko lang. Lumabas kaagad ako sa tent dahil naramdaman kong wala na akong katabi. Si Red kasi ang katabi ko. Pagkatapos kasi namin kumain kagabi ay nag usap usap muna kami bago matulog. Lah lang trip nila ehh. Di naman ako kj tulad ni Red. Shh lang kayo mga readers ahh. Baka malaman niya, yari tayo jan..
Pagkalabas ko sa tent nakita ko si Red na bakaupo sa may malaking kahoy habang nakpikit ang mata kaya nilapitan ko siya. Maaga pa naman kasi kaya tulog pa yung iba."You're earlier than I thought!" sabi nito ng makalapit ako. Nakapikit parin ang mga mata niya.
"Bigla lang akong nagising ehh!, Gusto mo bang kumain? May natitira pa namang pagkain dun sa bag mo!" tanong ko sakanya. Baka kasi nagugutom siya.
"Nah! I'm full. I'm finished eating a while ago!" sabi niya kaya pinabayaan ko nalang.
"Hindi mo pa ba sila gigisingin?" tanong ko
"Nope!, Let them rest for a while!" sabi niya at minulat niya na ang mga mata niya
"Ehh! Himala at bumait ka ngayon!" nakangising sabi ko
"Tss"
Luh! problema nito, para binibiro lang ehh. Pumunta muna ako sa loob ng tent at naghanap ng pagkain. May nakita naman akong prutas apples sa bag ni Red kaya kumuha ako ng dalawa at kinain. Lumabas ulit ako sa tent at tumabi kay Red na nakaupo lang dun sa inuupuan niya kanina.
"After you finish eating, wake them up!, We need to hurry and find Cashea!" biglang sabi ni Red. Tumango nalang ako.
After five minutes, natapos din akong kumain. Kaya tumayo na ako at pinuntahan na yung mga tulog mantikang Super Forces para gisingin. Hindi naman na ako nahirapang gisingin sina Dark at Trevor pero kina Alli, Shy, Ice at Axel. Halos maubos na yung boses ko kakasigaw dahil ang hirap nilsng gisingin.
" Kumain muna kayo, pagkatapos ayusin niyo na yung mga gamit niyo!" sabi ko sabay turo sa mga tent na ginamit nila. Tumango naman sila bago kumuha ng pagkain sa bag ni Red.
Natapos na ang tatlompung minuto. Naayos nadin nila yung mga gamit nila. Nagpatuloy na din kami sa paglalakbay na pinapangunahan ni Dark, syempre sya ang lider ng mga Super Forces.
"Malapit na ba tayo sa tinitirhan ni Cashea?" tanong ni Shy.
"Yes, according to the Map we just need to pass through the bridge near here and a rocky place before we can see Cashea's house!" biglang salita ni Dark. Siya kasi ang may hawak ng mapa. Pero wow 25 words din yun ahh.
" Waahh! Lider naka twenty five words ka himala.!" biglang sigaw naman ni Axel.
"Shut you mouth Terrazord or else I'll rip it!" nagbabantang sabi naman ni Dark na nakatingin kay Axel ng masama.
"Woah! peace tayo lider. Oo na tatahimik na!" sabi naman ni Axel habang nakataas pa ang kamay, at napalunok pa sa kaba.
Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa may Bridge. Pero What the fudge! Hanging Bridge pala tong dadaanan namin. Pagtingin ko sa baba. Jusko po! ang taas at ang layo pa ng lalakarin namin bago kami makarating sa dulo. Hindi kaya mapigtas tong hanging bridge na toh!. Tapos hindi pa masyadong makita yung daanan dahil foggy yung dadaanan namin tapos ang hangin pa.
"Ahh, guys sinong g-gustong m-mauna!" kinakabahang sabi ni Axel
"B-beshie I-kaw na mauna kaya mo naman y-yan diba!" sambit ko at tinignan si Red na naka poker face at nakapulsa lang. Wala talagang takot tong babaeng toh, samantalang ako nanginginig na sa sobrang taas.
"Tss!" yun lang ang sinabi niya. Dumiretso na din siya sa may bridge, ni hindi man lang siya natakot. Sumunod naman sakanya si Dark na nakatingin lang sa hawak hawak nitong mapa.
"Hey R-ritz ikaw na m-mauna, diba malakas k-ka din naman?!" mauutal na sabi ni Shy.
"Ayoko n-nga, Hoy T-trevor kaw nang mauna!" sabi ko naman at dinuro si Trevor.
"L-luh, i-ikaw nalang k-kasi mauna, ako nanaman nakita m-mo!" kanda utal din na sabi niya.
"WHAT ARE YOU STILL WAITING THERE! NEW YEAR!. FASTER! YOU'RE WAISTING TIME!" sigaw bigla ni Dark habang tuloy tuloy naman sa paglalakad si Red.
"Aiishh!, mauna na nga lang ako/ I'll go ahead!?" sabay na sabi namin ni Trevor. Nagkatinginan kami kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Akala ko ba ako na ang mauna, tapos ngayon makikisabay ka.!" singhal ko sa kanya.
"HURRY UP SUPER FORCES! DON'T WAIT ME GO THERE AND DRAG YOU HERE AT ONCE!" galit na talagang sabi ni Dark at sinamaan pa kami ng tingin. Dali dali naman kaming naglakad sa Bridge ni Trevor. Sumunod naman sina Ice at Alli, nahuhuli naman sina Axel at Shy. Humigpit naman yung hawak ko sa may tali ng hanging bridge ng magsimula itong gumalaw galaw. Juice ko po! sana lang talaga hindi kami mahulog dito.
Ssssssssssssssssssss
Ssssssssssssssssssss
Dinig naming paghuni ng ahas. Obvious naman na ahas dahil sss ng sss alangan naman arf arf ang huni niya. Mabilis kaming humabol sa kinaroroonan nina Red at Dark, medyo malayo kasi sila saamin. Hindi ko na inintindi kung yumugyog kami dito basta maka punta kami sa kanila. Ng maabutan namin sila naka position sila na parang makikipaglaban, kaya ganun din kami.
Maya maya, may naaninag kaming Triple Headed Cobra. Umiilaw ang mga mata nito na kulay lila at ang katawang nito na kulay berde ay makaliskis at parang may malagkit na nakadikit sa katawan nito. Yuck anong klaseng ahas yan.
"Ssssssss anong kailangan niyo at sino kayo mga Sssss lapastangan Sssss!" biglang salita nito
"Kailangan naming makausap si Cashea upang manghingi ng permiso na dito ganapin ang Galaxer's battle sa susunod na buwan! Ikaw sino ka naman!" Tanong ni Alli na halatang kinakabahan.
"Sssssss haha, sa tingin niyo pahihintulutan ko kayong maka alis sa tulay na ito ng hindi niyo ako kinakalaban. Sssss kapag natalo niyo ako maaari niyo ng mapuntahan si Cashea Ssssss, yun ay kung matatalo niyo ako. Ako nga pala si Avexus, ang Apprentice ni Cashea, simulan na ang lababan!" sabi nito at sinugod niya kami.
________¥_¥________
To Be Continued....BlazyBlackRed😃😃
(A/note: sorry po kung nabitin. Next chapter nyo nalang po ulit basahin. And sa mga nagbabasa po. Again free pong mag comment at mag vote hehe.)
BINABASA MO ANG
GALAXY WORLD: The SuperNaturals
ФэнтезиOUTSIDE...... SHE is A Happy Go Lucky Girl SHE is Cute on her Own Way SHE is A Perfect Description of A Goddess SHE is A Soft and Kind Hearted Girl . . . . . . . . . . BUT if you try to make her Mad and Mess up with her, Run as fast as you can, Hid...