RED's P.O.V
Matapos akong lamunin nitong Avexus nato, andito naman ako a loob ng katawan niya. Akala ko kapag nakain ako ng buwiset na Avexus na to mamatay ako sa loob. Hindi ako makapag salita, nakalutang ako dito sa loob ng tiyan ni Avexus. Parang may malapot na tubig tong buong katawan ng ahas na toh. Nilibot ko yung paningin ko dito sa loob, marami akong nakikitang kalansay ng mga tao na nakalutang din dito sa loob. Tumingin naman ako sa ibang dako baka sakaling may mahanap akong kahit anong armas na puwedeng magamit dito sa ahas na toh. May nakita naman akong espada na nakatarak sa dibdib ng isang kalansay kaya kinuha ko ito. Nagulat naman ako ng pagkahila ko biglang gumalaw yung mga kalanasay. Wala na akong magagawa kundi ang kalabanin sila. Hindi ako masyadong makagalaw dito sa loob dahil parang may gravity na nagpapabigat sa katawan ko. Iwinasiwas ko yung espada ko sa isang kalansay na may hawak ding espada kaya nagkanda pira piraso ito. Sinipa ko naman yung mga lumalapit sa akin. Nag back flip naman ako ng maramdaman kong may kalansay na papasugod sa likod ko kaya lahat sila nagka piraso. Natagalan pa bago ko sila naubos lahat dahil padami sila ng padami. Buti na ngalang at hindi na sila nabubuo ulit kapag nagkakapira piraso ito. Naghanap naman ako ng kahinaan ng Avexus na ito dahil kung wala sa labas ang kahinaan niya nakasisigurado akong andito sa loob ang hinahanap ko. Tumingin naman ako sa taas at nakita kong may kumikanang na bagay duon, nilapitan ko naman yun at napagtantong dyamanteng puso pala ito. Napangisi naman ako ng malaman kong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa dati ang katawan ng Ahas na ito, kaya tinarak ko ang hawak kong espada sa dymanteng puso ni Avexus. Naramdaman ko naman na lumilindol dito sa loob at kumukulo na din ang tubig kaya naghanap ako ng punyal para makalabas ako dito. Nakakita naman ako ng Malaking Espada sa ibaba kaya pinulot ko ito, lumapit naman ako sa kinaroroonan ng balat ni Avexus, tinusok tusok ko ito para siguraduhin kung kakayanin ba ng espada. Nag uumpisa ng sumabog yung ibang parte ng katawan ni Avexus kaya nagmadali ako at tinarak tong hawak kong espada sa may parte ng tiyan ni Avexus at hinatak ko pababa hanggang sa magkasya na ang katawan ko papalabas. Kasabay ng pagsabog ng katawan niya at napatalsik naman ako sa kinaroroonan ni Ritz. Hingal na hingal naman ako ng makalabas ako sa loob, pumipikit pikit naman na yung mata ko.
"Red! , Red! ayos ka lang ba!?" nakita ko ang bakas ng pag aalala sa mga mata nila habang nakapalibot sakin.
RITZ's P.O.V
Nagising ako ng marinig ko ang sigaw nila sa pangalan ni Red. Napagtanto ko din na nilamon si Red ng Avexus na toh.
"R-red!" nanghihina kong sambit.
"Bwuhahahahaha, Sssssss pano ba yan, lahat kayo nanghihina na at ikaw ang isusunod ko!" sabay tingin nito sa direksyon ko.
"W-walang hiya ka anong g-ginawa mo sa k-kaibigan ko!" nanghihina paring sambit ko. Pinilit ko ding tumayo. Dinaluhan naman ako ng iba pang Super Forces para tulungan.
"Wahahaha, Maya maya lang patay na ang Sssssss kaibigan niyo Sssssss!" nang uuyam na sabi ni Avexus at bigla ng lang lumapit samin. Sinubukan ko namang mag Cast ng spell para mag karoon ng shield sa aming lahat. Sinubukan ding magpalabas ni Trevor ng mga Thunder Bolts at Electric Spheres para mapigilan ang pag lapit ni Avexus samin. Gumawa naman ng Earth punch si Axel at pinag susuntok si Avexus. Galit na pinalibutan naman ng Dark Strikes ni Dark si Avexus. Sinubukan namang tanggalan ng hininga ni Alli si Avexus. Pero nanlumo kami ng hindi manlang nagkaroon ng galos o sugat si Avexus.
"AAAAAAAARRRRRGGGGHHHH"
Biglang sigaw naman ni Avexus na ikinagulat namin. Bigla ding lumindol sa kinatatayuan namin. Umilaw din yung mata at bunganga ni Avexus. Nakita din namin na parang nahihiwa sa may bandang tiyan ni Avexus.
"HIIIIIIINNNNNDDDDDDIIII"
"BOOOOGGGGGSSSSSHHHH"
Malakas na sigaw nito at bigla nalang sumabog. Nakita naman naming tumalsik si Red sa kinaroroonan namin.
"Red!, Red!, ayos ka lang ba!?" tanong ko sa kanya. Pansin ko din na maraming galos si Red at punong puno ang katawan niya ng malagkit na tubig. Namimikit narin ang mga mata. Tumango lang siya sa tanong ko.
"Akala niyo ba ay tapos na ang laban! Hahaha"
Sabay sabay kaming lumingon sa pinanggagalingan ng boses. Nanlumo naman kami ng may babaeng nakatayo sa kinaroroonan kanina ni Avexus at nakatutok ang kanyang wand samin. Pagod na pagod na kami at hindi na namin kayang lumaban pa.
"She's Cashea, The L-legendary W-witch!" nanghihinang sabi ni Red.
_________¥_¥_________
To Be Continued......BlazyBlackRed😃😃
(A/note: Bitin pa ba ulit. Hahaha trip ko pong mambitin ngayon. Inuulit ko po Free pong mag vote at comment..😄😄)
BINABASA MO ANG
GALAXY WORLD: The SuperNaturals
FantasyOUTSIDE...... SHE is A Happy Go Lucky Girl SHE is Cute on her Own Way SHE is A Perfect Description of A Goddess SHE is A Soft and Kind Hearted Girl . . . . . . . . . . BUT if you try to make her Mad and Mess up with her, Run as fast as you can, Hid...