Chapter 7: Physical Training Continuation

15 2 0
                                    

RITZ's P.O.V

"Ang susunod na maglalaban ay si Mayumi Ritz Twizardrous at si ............. Mhal Lhandie.

Oh ako na pala tinapik ko muna si Red sa balikat bago ako tumayo at pumunta sa gitna, nakita ko sa pheripheral vision ko na nakatingin sakin yung mga Super Forces. Hindi ko nalang sila pinansin at tinignan ang kalaban ko na masama ang tingin sakin luhh problema nito.

"Ready ka na bang Mabalian!?" nakangising sabi niya.

"Ah, eh, Pwede!" nakangisi kong sabi na parang iniinis siya. Tagumpay naman ako dahil bigla nalang siyang sumugod.

"Aarrgghh" sabi niya dahil sinuntok ko siya sa sikmura.

Tumayo naman siya at mabilis akong sinipa sa tagiliran, pero sorry siya mabilis reflexes ko kaya hinawakan ko yung paa niya at pinilipit. Nagsisisigaw pa siya sa sakit. Ginamit niya naman yung isa pa niya paa para sipain ako at mag back flip dahilan para makakalas siya sa pag kakahawak ko. Sumugod ulit siya at pinag sususuntok ako pero ilag lang ako ng ilag.

"Arggh, iilag ka nalang ba!" naiinis na sabi niya habang patuloy akong sinusuntok.
Dahil naboboring nadin naman ako Hinuli ko na yung isang kamay niya at binalibag siya na parang isa lang siyang magaan na bagay. Kaya ayun tulog. Napa Woah panga ang iba.

"O-ok ang Nanalo ay si Ms. Twizardrous na nakakuha ng 30 points kaya ang kasalukuyan niyang Score ngayon ay 45. Congratulations"

Pumunta na ako sa inuupuan namin ni Red. Marami din ang mga napahanga na kesyo daw ang galing ko daw psh. Wala nga lang yun kay Red ehh.

"And now Let's Call on Ms. Red Valdezia and Ms. Hally Parotche come here on the platform." tawag ng Emcee kay Red tinanguan lang niya ako at pumunta nadin sa gitna.

RED's P.O.V

Tinawag na ako nung Emcee kaya tinanguan ko nalang si Ritz bago pumunta sa Gitna. Nakita ko pa na nakatingin din yung mga Super Forces sakin.

"Another weakling!" mayabang na sabi nung kalaban ko.

"Tss" yan lang ang sinabi ko psh.

"Arggh, Ready to be defeated!" nakangisi pang sabi niya, kung satingin niya maiiinis ako psh, no way.

"Aiisshh, ano tatayo ka lang ba jan" inis niya pa ulit na sabi.

"Psh. Noisy!" cold pa sa Antarctic na sabi ko with expressionless face pa yan ah.

"Arghh, you bitch hayaaaa" sumugod na siya sakin at bibigyan niya na sana ako ng side kick pero nasalag ko lang yun gamit ang isang paa ko.

Susuntukin niya na sana ako pero dali dali akong tumalon ng mataas tsaka ako nag flip at lumanding sa likod niya bago siya sinipa sa tagiliran ng nakatalikod sakanya. Natumba naman siya at namilipit sa sakit. Maraming napa woah dahil lang sa simpleng stunt na iyon.

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya kaya na suntok niya ako sa mukha na nakapagpatagilid sakin. Napahinto naman ako sa puwesto ko at nanatiling nakatagilid ang ulo ko.

"Huh, weak ka naman pala eh, hyahhhh" sabi niya at muling sumugod sakin.

Sinugod niya ako ng suntok at sipa pero puro ilag lang ginagawa ko. Pabilis din ng pabilis ang mga galaw niya. Marami nadin akong naririnig na bulungan bakit daw ilag lang ako ng ilag.

"Argh, huwag kang umilag bitch, fight back you weakling" inis na sabi niya at pinaulanan nanaman ako ng suntok.

" *smirk* Not yet!" cold kong sabi.

RITZ's P.O.V

" *smirk* Not Yet"

Rinig kong sabi ni Red na narinig rin yata ng lahat. Pumunta ako sa Front Seat at umupo sa bakanteng upuan kung saan katabi ng isa sa mga Super Forces, wala akong pakialam kung anong sabihin ng iba at pagbububulungan nila. This is gonna be exciting!.

GALAXY WORLD: The SuperNaturalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon