Chapter 5

1.7K 56 4
                                    

ALEXANDRIA "Siya yung babae diba?""Di ba nagpakamatay na siya?""Ang lakas naman ng loob niyang bumalik sa university

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEXANDRIA 


"Siya yung babae diba?"

"Di ba nagpakamatay na siya?"

"Ang lakas naman ng loob niyang bumalik sa university."

"Eh kasi nga may amnesia siya."

Tss...


Nakakainis na ha. Bat ganun sila magbulongan? Rinig na rinig ko naman. Kahit mga college na parang high school kung umasta ganito bang mga estudyante meron ang university nato? Kung makatitig sila sa akin ay parang meron akong nakakahawang sakit na pwede nilang ikamatay ah. Ganun ba kasikat ang Wenoanang yun at ganun nila ako pag usapan at itrato? 

Kaya ko naman iignore ang mga pagtrato nila sa akin eh. Pero ang malaking problema ko ay ang lalaking yun. Si Blaze, bakit siya nandito? Paanong nandito siya? Tas magkakilala pa sila ng kapatid ni Wenoana. Hayss.. 

Pangalawang beses na tong pagkikita namin, bakit kinakabahan ako sa tuwing nagkikita kami? 
Hayys Alexandria relax ka lang okay. Sigurado naman akong di ka nya makikilala. Tas maraming taon na ang lumipas.

Bakit ba kasi nandito ang lalaking to sa first subject ko? Ano bang course niya? 

Nakatingin lang ako sa kinaroroonan niya. May kausap siyang lalaking blond ang buhok. 
Parang seryoso yung pinag uusapan nila. Wala pa kasi ang prof namin kaya yung mga kaklase ko nag uusap pa at yung iba naman ay pinag uusapan lang ako. 

Nakaupo lang ako, nasa gitna pa ako ng room na parang ako talaga yung center of attraction eh. 

"Bakit ka nakatingin sa akin!!" sigaw ni Blaze dahilan upang mapabalikwas ako ng tingin sa bintana. Hayss.. Di ko namalayang nakatulala na naman pala ako sa kawalan dahil sa dami ng iniisip ko. 

Tama! 

I-iignore ko nalang siya. Nasa katawan din naman ako ng ibang tao, sigurado akong di niya talaga ako makikilala. At ang huli naming pagkikita ay nung mga bata pa kami, tiyak akong kinalimutan na niya ako. Di naman ako ganun ka halaga sa kanya nung mga bata pa kami. 

Oo! Tama Alexandria! Hindi na siya ang dating Blaze na nakilala mo. Hindi na siya ang batang lalaking pinagtatanggol mo dati. Ang mahinang batang walang iba kayang gawin kundi ang umiyak sa harap ng nang aapi sa kanya. 

Iba na siya! Nagbago na siya! 

Kung di ko siya papansinin sigurado akong walang magiging problema. 

"Wohoooo...!!!!!!!" napaangat ako ng tingin at nakita ko ang lalaking blond na kausap ni Blaze kanina. Nasa harapan ko siya habang nakangiting iniaabot ang kamay niya. 

"Ako nga pala si Clark, Clark Kent Valmoria. Nakakatuwa naman nagbalik ka na pala," saad niya. Inabot ko ang kamay niya at nakipagshake hands. 

"Wenoana, Wenoana Mendez," saad ko.


"Anyways you din need to introduce yourself. Kilala kita at kilala ka ng lahat ng nasa university na to at alam mo bang mas lalo kang sumikat dahil sa ginawa mo kaninang umaga,"  saad niya habang umupo na sa harapan ko. 


"Ako sikat? Ano bang ginawa ko kaninang umaga?"

"Yung pagbato mo ng plastic bottle sa noo ng bratenellang si Janella," saad nito. 

"Anong meron sa babaeng yun?"

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon