Chapter 8

1.5K 49 2
                                    

ALEXANDRIA 


Dalawang araw na ang lumipas mula ng insendenteng yun. Ang pagtuhod ko sa masilang parte ni Blaze. Natatawa nalang ako habang inaalala ko yun. Di ko akalaing magagawa ko yun sa kanya. Nababagay lang din naman siguro sa kanya yun diba? Diba Wenoana? 

Hahaha .. 

Ano ba to! Kinakausap ko na si Wenoana. Asan na kaya talaga ang kaluluwa ni Wenoana? Saan na kaya yun nagpunta? Katulad ng katawan ko. 

Saan na nagpunta? 

Inilibing kaya nila ang maganda kong katawan? 

Naagnas na kaya yun ngayon? 

Wahhhh! Mababaliw ako habang iniisip ang mga yun. Wag naman sana. Ang maganda kong katawan na may abs at napakagandang kurbada. 

Wag naman sana Lord, di ko pa po nagagamit yun sa paghahanap ko ng forever eh. Busy kasi ako masyado noon sa pagtatrabaho para mabuhay at mabayaran ang naiwang mga utang ng mga irresponsable kong magulang. Kaya tuloy wala akong oras na lumablayf! 

"Alexandria Flores.." isang boses ang biglang pumasok sa isipan ko. At ang boses na iyon ay kay Blaze. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari nung nakaraan. 

Ang olol na yun! Kumag! Mokong! Anak ng tinapa! 

Pagbantaan ba naman akong halikan? 

Di ko lang alam kong may first kiss natong katawan ni Wenoana huh, pero ako kasi wala pa akong first kiss kaya dapat protektahan ko yun kahit iba na ang katawan na gamit ko. Babasagin ko talaga ang bungo ng humalik sa akin na hindi ko naman mahal. Hindi ko naman ginusto at nagustuhan. 

LOL! 

Anak ng pinakuluang manok! 

Ano ba tong mga pinag iisip ko! 

Nandito ako ngayon sa tapat ng university. Pang apat na na araw simula nung pumasok ako sa BU. Puro kamalasan lang ang nangyayari sa akin. Puro mga pambubully ang inabot ko sa tatlong araw na pananatili ko dito pero nagpakatatag lang ako. Buti nalang talaga at di ko na nakikita si Blaze sa isa kung subject. Dahil baka ma awkward ako at baka mabasag ko pa ang mukha niya. Matapos ng nangyari noon. Haysss..

  Sa tatlong araw na yun na pamamalagi ko sa BU hindi science formula, math equations, or english grammar ang natutunan ko, kung hindi ay kung paano ako makakasurvive sa mga pambubully at pang aapi nila sa akin. Sa mga mata nilang mapanghusga, mga dilang napakatalim at sa mga utak nilang ang kikitid. Ganun ba kalaki ang kasalanan ni Wenoana sa kanila at ganito nila ako itrato? 

Ako ang isa sa mga estudyante ng school na to na itinuturing nilang pinakamahina. Ako ang pinakamainit sa mga mata nila. Hindi dahil sa hot ako o ano paman. Kundi dahil ako ang nagpapakulo sa mga dugo nila. 

Pero ang pinakamalaking pagkakamali nila ay ang ituring akong si Wenoana, dahil hindi na ako ang nerd na mahina, ang nerd na basta basta nalang iiyak sa harapan nila.  Hindi na ako si Wenoana na dating itinuturing nilang prey na basta basta nalang nilang malalapa. 

Oras na para ang isang prey ay maging predator. 

Hindi ko hahayaang ako ang maging pinakamahina sa food chain. 

I'm no longer the prey they tend to hurt. I will be the predator that they will be scared of. 

Hindi na ako ang nerd na hahayaan nalang sila sa gusto nilang gawin sa akin. 


"Uhhh" daing ko ng makitang. Napakadumi ng upuan ko sa first subject ko. 

LOSSER!


BITCH! 



NERD!


NAKAKADIRI KA! 



GET LOST!!



MAMATAY KANA! 




IDIOT!!



Mga salitang nakasulat sa upuan ko. Di ko man nakita kong sino ang may gawa nito alam ko na kung sino. Ang mga alipores ng Janella na yun! 


Tsskk.. 


Di pa talaga siya nadadala sa ginawa ko sa kanya dati? 


"Napakabaho naman~!" daing ng ilan sa aking mga kaklase. Nangangamoy ihi kasi ang upuan ko. Pansin ko din ang dumi nito na parang dumi ng tao sa pina upuan nito. May mga bubble gum pa. 


Hayyss~!

Relax Alexandria! 

Relax! 

Napahinga ako ng malalim. Pilit kong pinipigilan ang galit sa kin.  
Di ako makapaniwalang ganito ang naisipan nilang gawin ngayong araw. Napaka childish naman ng mga tao dito. Palibhasa mga spoiled brat at mayayaman, di naturuan kong ano ang word na values. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon