Chapter 25 ←

1.3K 37 11
                                    

ALEXANDRIA FLORES 


Nasa labas na kami ng restuarant. Hinila ko siya papunta sa kotse niya pero nung malapit na kami sa kotse ay napahinto ako dahil biglang di ko na siya mahila. Lumingon ako at nakita kong nakangiti siya sa akin. 

Teka nga anong nginingiti ng kumag nato? 

Napatingin naman siya sa baba. Sa dalawang kamay namin na magkahawak siya nakatingin. Mabilis ko namang binitawan ang kamay niya ng naging conscious na ako sa ginawa ko. Hayss! Mahabagin! 

"Di mo man lang sinabing gusto mo lang palang hawakan ang kamay ko edi sana di na kita hahalikan kanina," he said teasingly. Anong problema ng kumag nato? 

"Ewan ko sayo! Tara na iuwi mo na ako. Baka hinahanap na ako nila mommy at daddy," pag uutos ko pa sa kanya. Pero di ako sinagot ng kumag. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila palapit sa kotse niya. Binuksan ang pintuan nito at itinulak ako papasok. 

Kung may contest ng Most Ungentleman sa Blackfire University, malaki chance nang kumag nato na manalo. Speaking of contest, malapit na yung math competition. Kailangan ko nang maghanda para di ako mapahiya. 

Sumakay na din nang kotse ang kumag kasunod nang pagpapaandar ng makina nito. Tumakbo na ang kotse at pawang katahimikan na naman ang namamayani sa loob ng sasakyan. San na naman kaya ako dadalhin ng kumag nato. Dapat ay makauwi na talaga ako.

Ilang minuto ang lumipas at huminto na din kami sa wakas. Tumingin ako sa labas at ganun nalang ang pag nganga ko ng mapansin kong nasa tapat kami ng isang sikat na motel. 
My God! My Lord! Anong balak ng kumag na to sa akin? Di pwede! No way! Wag naman sanang tama ang hinala ko. 

Napalingon ako sa kumag at napagtanto kong nakatingin na din pala siya sa akin. Anong balak niya? Bigla niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Baliw na tong kumag nato. Di siya makalapit sa akin ng mabuti dahil sa seatbelt na nakasabit sa katawan niya. Buti nga! 

"Ano balak mong gawin hah?" saad ko pero di ako pinakinggan bagkus ay mas pinilit niyang makalapit sa akin. Hayss~! Bigwasan ko kaya tong kumag nato. 


Taranta kong binuksan ang pinto nang sasakyan pero di ko magawa dahil nakalock ito. Napalingon ulit ako sa kumag ng mapagtanto kong malapit na siya sa akin at kulang nalang ay mayakap na niya ako ng lubusan. Wala na din ang seatbelt na pumipigil sa kanya kanina. Anak ng tinapa! Spiderman help me! 

Susuntukin ko na sana siya ng bigla siyang magsalita. 

"Wag ka ngang makulit. Di ka ba marunong mag seatbelt huh? Bakit di ka nagseseatbelt? Paano kong maaksidente tayo?" saad niya habang sinusuot ang seatbelt sa akin. Malapit na malapit kami sa isat isa at amoy na amoy ko ang pabango niya. Ang bango niya. Deym! 

"Di ko na mapapatawad ang sarili ko oras na mawala na naman kita Alex, tandaan mo yan." dagdag pa niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Diyos ko! Ibig sabihin di kami huminto para magcheck in sa motel? Huminto kami para isuot niya sakin ang seatbelt? 

My dirty mind! 

Maling akala is real. 

"Ayan!" saad niya na nakangiti sa akin. "Next time wag mo nang pairalin yang katangahan mo ha," dagdag pa niya habang isinusuot ulit ang seatbelt niya. 

Green minded na ata talaga ako. 

Gad!!

Pinaandar niya ulit ang kotse at nagmaneho na ulit siya. Katahimikan ulit. 

"So tinatanggap mo na ba ang alok ko sayo?" pagbasag niya sa katahimikan. 

"Anong alok?"

"To stay beside me always. Alam mo bang malaki din ang chance na malaman mo kung sino ang taong nasa likod nung gumawa sa nerd nayun once always kalang nasa tabi ko? Lapitin kasi ako ng mga impormasyon," he said. Pokus na pokus siya pagmamaneho ramdam ko tuloy parang buntis ako na sakay niya. Sobrang ingat na ingat kasi siya sa pagmamaneho. 

"You're not the type of person that gives up because I push you away, are you?" sagot ko sa tanong niya. 

"I am!" maikling tugon niya. Namayaning muli ang katahimikan. Pinagmanasdan kong mabuti si Blaze habang nagmamaneho. Di ko akalaing si Blaze talaga tong tinitingnan ko ngayon. Sa totoong lang maraming beses akong nag alala sa kanya ng iwan niya ako ng walang pasabi. Akala ko di na talaga kami magkikita.Ang batang iyakin, patpatin, at sunod ng sunod sa akin dati. Di ko akalaing lalaki siya ng ganito. Isang matipuno, gwapo at mayamang tao. Sa nakikita ko sa kanya masasabi kong he grew up well. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon