Chapter 19 ☻

1.2K 44 3
                                    

Kang Daniel (WANNA ONE) as Blaze Suarez    

Kang Daniel (WANNA ONE) as Blaze Suarez    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


BLAZE SUAREZ 


"Wag kang maingay!" saad ko sa babaeng nagpupumiglas sa harapan ko habang inilalapat ang aking hintuturo sa mga labi niya. Ganun nalang din ang paglaki nang mata habang nakatitig sa akin. Parang gulat na gulat siya dahil sa nakikita niya. Tsss.. parang nakakita nang multo ang weirdo. 

Tulad nang inaasahan ko ay ganun nga ang ginawa niya. She satisfied her curiousity. 
Katulad nang inaasahan kong gagawin niya para masagot ang mga tanong na nasa isipan niya. 

"Bla-ze?" saad niya habang inaalis ang hintuturo ko sa labi niya. Kinuskos niya pa ang mata niya. 

"Teka nga? Nakalog ba yung utak ko kanina? Ba-kit ka nandito?" tanong niya sa akin. This time malakas na ang boses niya. Napalingon ako sa daanan at napansin kong dumaan na ang lalaking kanina ay sumusunod sa babaeng to. 

"Ikaw ang dapat tanongin nang ganyan. Bakit nandito ka sa labas nang mga ganitong oras? Naka uniform kapa?" pag arte ko. Napayuko naman siya habang nag iisip nang gagawing palusot. 

Tssk! 

Kahit kelan talaga katulad na katulad siya ni Alexandria. Ang mga kilos niya, ang mga mannerisms. Magkatulad na magkatulad sila.

"Ka-kasi.." 

"Pinanood mo diba?" pagputol ko sa sasabihin niya. Mas lalo siyang nagulat dahil sa sinabi ko. Pansin kong biglang nagkaroon nang galit sa mga mata niya. 

"Teka nga? A-anong ibig mong sabihin?" 

"Tingin ko di ko na kailangan pang itanong sayo kung pinanood mo ba, dahil base sa nakikita ko sayo ngayon pinanood mo nga."

 "Bakit mo alam ang tungkol sa bagay na yun? Ikaw ba ang nagbigay nun sa kanila hah?!" sunod sunod niyang tanong. 

  "Hindi ako ang nagbigay nun sa kanila, pero alam ko na iblablackmail ka nila gamit yun."

"Teka nga Blaze Suarez paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na yun kung di ikaw ang nagbigay nun sa kanila hah!?" 

"Basta alam ko, marami akong alam na di mo alam. Alam ko rin na itatago mo sa akin ang bagay na yun. Mas pinili ko ring hindi sabihin sayo kahit na alam ko na yun ang gagawin nila."

Mas lalong namilog ang mata niya dahil sa narinig. Pansin ko ring nakakuyom na ang kamao niya dahil sa mga nalaman. 

"Ba-bakit mo sinasabi sakin niyan ngayon huh?"

"At kahit na sabihin ko sayo ang tungkol dun di ka parin naman makikinig sa akin. Dahil ikaw yung tipo nang taong basta basta nalang maniniwala sa sasabihin nang iba. Ikaw ang tipo nang taong inaalam ang katotohanan sa sarili mong paraan." 

Bigla siyang nanahimik, napayuko habang may mga malalalim na paghinga.

"Gusto ko ring malaman kong ano ang magiging reaksyon mo oras na mapanood mo na ang laman ng tape na yun and as what I am expecting from you. Pumunta ka parin kahit na alam mong mapanganib at maaring patibong lamang ang lahat."

Napatingin siya sa akin. Puno nang pagtataka ang expression niya. Bigla akong lumapit sa kanya, habang ginagawa ko yun ay umaatras naman siya hanggang sa mapadikit na siya sa pader ng eskenitang kinaroroonan namin. Bigla kong inalis ang dugo na nasa pisngi niya. Meron kasi itong gasgas. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon, para siyang estatowang ipinako. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon