Chapter 13 ☻

1.4K 42 0
                                    

GREETINGS!

MERRY CHRISTMAS! 

12/25/17 



BLAZE SUAREZ 


"Hay!" malalim na buntong hininga ko habang nasa terrace. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw. Ganito kasi talaga ako kapag marami akong iniisip. I unwind myself by watching the sun sets. Nakakawala ng stress ang na aking nasisilayan. Nakakawala ng problema. 

Pero alam kong panandalian lamang. Sapagkat tulad ng araw, lulubog ang mga problema pero sisikat din ito. Ang buhay ay hindi completo kung walang problema. Di magiging challenging ang buhay ng isang tao kung wala ang salitang problema. 

Dahil ang bawat problema na nalalampasan ay nagpapatibay ng loob, nagpapatatag ng pagkatao, at bubuo sa personalidad na meron tayong mga tao. 

Pweh! 

Di ko alam kong san ko napulot yung mga ganung salita. Nakakapanibago di naman ako ganito dati. Tiningnan ko ang aking cellphone at tiningnan ang isang litratong sa napakatagal ko nangpanahon iniingat ingatan ang litrato namin ni Alexandria nung kami ay mga bata pa lamang. 

Di ko makakalimutan ang pagkakataong nakasama ko siya at naging parte siya ng aking buhay. 

"BLAZE!!!" sigaw sa akin ng aking ina. Mula sa puro kadiliman na aking nakikita ay nagkaroon ng liwanag. Nasa isang sulok ako ng bodega ng aming bahay. Dito ako tininatago ng aking ina sa tuwing di niya ako kailangan. Pero sa tuwing wala siyang magawa ay pinapalabas niya ako at binubogbog, sinasampal, at sinasaktan. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ang tanggapin ang bawat sugat at pasa na dulot ng kanyang mga palo, sipa at suntok. 

Habang tumatagal ay nasasanay na naman ako sa aking sitwasyon. Tanggap ko na na ito ang aking kapalaran. Ang maging anak ng isang inang walang pakialam sa nararamdaman ng kanyang anak. Kahit na nag iisa lang niya akong anak, kahit kailan ay di ako nakaramdam ng pagmamahal mula sa kanya. Pero suwerte parin naman ako dahil kahit papaano ay binuhay niya ako, di nga lang sa pagmamahal at pag aaruga kundi sa mga pasakit at bugbog. 

"Halika ditong bata ka!!!" sigaw ng aking ina sabay hablot sa akin mula sa sulok ng bodega. Di pa nga ako nakakatayo ay sampal at sipa na ang aking natanggap mula sa kanya. 

Patuloy siya sa pagsuntok at pagsampal sa akin. Pero baliwala na sakin ang lahat. Baliwala na sa akin ang sakit maging ang mga luha ko ay nanuyo na. Ang di ko lang talaga maintindihan ay satuwing pinapalo at sinasaktan ako ni mama ay umiiyak siya. Nasasaktan ba siya sa ginagawa niya sa akin? Naaawa ka ya siya sa akin? 

Marahil ay hindi sapagkat kapag kung mahal niya ako ay di niya ako sasaktan. 
Kapag mahal mo ang isang tao dapat yakap at halik ang ibinibigay mo dito. Hindi pasa at sugat. 

Umabot ng ilang minuto ang pagbugbog sa akin ng aking ina hanggang sa magsawa siya at ibanalik ulit ako sa bodega. Ganun lage ang buhay ko ang binobogbog at sinasaktan ng aking ina. 

Tanggap ko na naman talaga na ganito na ang magiging buhay ko hanggang sa isang araw. Bumukas na naman ang pintuan ng bodega. Mula sa kadiliman ay nagkaroon ng kaunting liwanag ang akin buhay sa pagdating ni Alexandria, isang matapang, at walang inoorongang bata. Siga siya kung aking ituring. 

Di ko inaasahang sa pagdating niya sa buhay ko. Magbabago ang outlook ko sa buhay at sa aking kapalaran. Tinuruan niya akong maging matatag. Ang lumaban. 

"Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nating magdusa, tao lang tayo tao lang din sila. Anong kaibahan ng buhay natin sa buhay nila. Kaya wag na wag ka nang magpapaapi ulit." 

Naalala ko pang sinabi niya ng minsan kaming namasyal sa parke. Lingid sa aming kaalaman na nasa likuran na pala namin ang aking ina ng mga oras na yun. Bigla akong hinablot nito kasunod naman ng pagsipa nito kay Alexandria. Tumalsik si Alexandria sa isang nakausling semento ng parke at nabagok ang ulo niya dito. 

Hinila ako ng aking ina palayo sa walang malay at duguang si Alexandria. 

"HINDI!!!! WAGGGG!!!!" sigaw ko. Malakas akong napaangat mula sa pagkakahiga. Pinagpapawisan ako habang hinahabol ko ang aking hininga. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon