Chapter 21 ☻

1K 36 3
                                    

ALEXANDRIA FLORES 

  "Gusto kitang alagaan, gusto kitang pahalagahan, protektahan at mahalin Alexandria. Wag kang mag aalala di na kita iiwan pang muli,"  ang mga katagang paulit ulit na aking naririnig sa aking isipan. Ewan ko ba at di maalis sa akin ang mga huling sinabi ng kumag bago niya ako yakapin pagkatapos ay iniwan niya ako pagkatapos niyang basahin ang texts sa cellphone niya.

"Di na kita pakakawalan pa."

Arhhggghhh!! 

Kakabanas anak ng tinapa talaga! 

Paano ko ngayon itatago ang aking pagkatao sa kanya gayung napaghahalataan na ako dahil sa mga ikinikilos ko lately. Sa mga reactions ko sa tuwing inaalala niya ang dati kung pagkatao. Bahala na talaga si spiderman sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko bilang Wenoana. 

How far I'll go! Ang drama ko neto ngayon. 

Dahil iniwan ako ng kumag sa loob ng silid niya ay agad kong inihanda ang aking pagtakas sa lugar na ito. Agad kong hinanap ang suot suot ko kagabi pero di ko talaga mahanap. 
Kaya kahit na panglalaki ang suot ko ay nagmadali akong hanapin ang daan palabas ng bahay ng kumag buti nalang at nakapunta na ako dito dati. 

Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay di ko maiwasang dumaing sa mga sugat na natamo ko dahil sa nangyari nung isang gabi. Kabanas naman oh! Idagdag niyo pa yung sinabi ng kumag sa akin kagabi. 

Wala na daw siyang planong pakawalan pa ako. Poprotektahan niya daw ako kahit anong mangyari. Like duh! I don't need his protection. I can handle myself naman eh. Di ko hahayaang makontrol ako ng kumag na yun sa mga nakakaakit niyang salita. Di ako magpapaakit sa isang katulad niya. 

"Never!"

Mabilis akong nakalabas sa bahay ng kumag ng walang kahirap hirap. Paano ba kasi walang mga bantay o ano paman. Wala din akong makitang ni kahit na aso man lang sa bahay niya. Ganun na ba siya ka anti social at ne kahit aso wala siya? 

Pumara agad ako ng taxi. Habang papunta na ako sa bahay ay naalala ko ang dapat pala ay nung isang araw ko pa dapat nagawa. 

"Manong, balik po tayo!" saad ko sa driver ng taxi. 

Buti nalang at malapit lang sa lugar ng kumag ang lugar na dapat kong puntahan. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay narating ko na agad ang lugar. Mabilis akong bumaba pagkatapos kong magbayad. Nalanghap ko kaagad ang simoy ng pamilyar paligid. 

Ang aking inuupahang bahay dati. 

Ang lugar kung saan ko ulit sinubukang patatagin ang aking loob, ang magpakalakas para sa aking sarili at wala ng iba pa. Ang lugar kung saan naging parte na ng aking pagkatao.

Bat kaya ganito?

Ang drama ko na lately?

Kakapanibago?

Baka sadyang madrama tong si Wenoana, tas naghalo na yung ugali namin.
No way!

Di pwede!

Ngayon ay nasa harapan na ako ng pintuan ng bahay na dati kong inuupahan bilang si Alexandria. Mabilis kong hinukay ang susi na nakabaon sa kanang bahagi ng halaman na nasa tabi ng pinto. Buti nalang at di pa nililinis ng may ari ang lugar na to. Nang mahanap ko na ang susi ay mabilis kong binuksan ang pinto.

Ngunit bago ko pa maipasok ang susi sa kandado ay napansin kong bukas na pala ito.

Paano nangyaring bukas? Gayung ang huli kong pagkakaalala ay sinarado ko ito nang mainam.
Tas yung susi nakabaon parin naman sa halaman.

Kahit na naguguluhan ay agad akong pumasok. Naamoy ko agad ang amoy ng dating ako. Ang amoy ni Alexandria. Di ko alam kong bakit pero bat parang nakaramdam ako nang lungkot?
Nakaramdam ako ng panghihinayang. Kahit papaano ay umaasa parin akong buhay pa ang aking katawan.

Hindi kaya bumisita si Wenoana dito pagkatapos niyang makita ang address na nasa wallet ko?

Hindi kaya?

Naputol ang aking pagtatanong sa sarili ng mapansin kong walang nagbago sa loob ng aking silid. Ganun parin ang pagkakayos nito. Halatang walang nakialam sa mga gamit ko.

Nagpapatunay ba itong totoo ang sinabi sakin ng kumag?

Na wala na ang aking katawan?

Wala na si Alexandria?

Wala na ang aking pagkatao?

Kung totoo ang sinabi ng kumag sa akin?

Ibig sabihin ba nito, habang buhay na akong magiging si Wenoana Mendez?

Anong gagawin ko?


Kailangan ko ba talagang itago ang aking tunay na pagkatao sa likod ng nerd na si Wenoana? Bakit kailangan kong pagdaanan pa ito? Bakit ako pa?

Hindi pwede! Hindi pwedeng maging panghabang buhay ako naapi at mag apiapihan sa mga anak ni Taning! 

Napaluhod ako habang tinitimbang ko ang lahat ng aking mga nalaman. Di ko napigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Napahagulhol ako habang yakap yakap ko ang aking sarili. Ramdam ko ang masidhing galit sa aking puso. Bakit sa lahat ng malas ako pa? 

Bakit si Alexandria pa? 

Ano nang gagawin ko ngayon? 

"Shhhh..." gulat na gulat ako nang bigla kong maramdaman ang dalawang kamay na yumayakap sa akin mula sa likod. Kasunod nun ay ang malamig na hanging humahaplos sa aking tenga. 

Ang amoy na iyon? 

Di ako maaring magkamali. 


"Sinasabi ko na nga bat dito ka pupunta!" saad ng kumag na ngayon ay bumubulong na sa aking tenga. Biglang nanigas ang aking katawan dahil sa biglaang paglabas ng kumag. Di ako makagalaw. Di ko alam ang sasabihin ko. Di ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na to. 

"Nahulog ka sa patibong ko Alexandria, ngayon ay di mo na kailangan pang ipagkaila sa akin ang lahat. Ako at ikaw lang ang nakakaalam tungkol sa lugar na ito. Di mo na kailangan pang sagutin ang mga tanong ko sayo~" dagdag pa nito na mas lalo pang nagpatindi sa nararamdaman kong kaba.


Ano na ang dapat kong gawin? 




Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon