Chapter 22 ☻

1K 35 5
                                    

ALEXANDRIA FLORES 


Sino nga ba si Blaze para sa akin? 


Siya lang naman ang nagparamdam sakin dati kahit sa murang edad ko ay may kakayahan na akong ipagtanggol ang mga inaapi. Ang mga bagay dati na di ko magawa sa mama ko ay ginagawa ko kanya. Di ko magawang maipagtanggol si mama kay papa. 

Lumaki akong saksi ng pagmamaltrato ni papa kay mama. Sa bawat segundo, minuto, oras, at araw ay saksi ako sa walang awang pagsipa, pagsuntok at pagsampal ng aking walang hiyang ama sa aking ina. Kahit na maliliit na bagay ay pinapalaki niya para lang mabugbog niya si mama sa harapan ko pa mismo. Ang aking kawawang ina ay walang ibang magawa kundi ang umiyak habang iniinda ang sakit na galing kay papa. 

Sa murang edad ko ay natanong ko na sa sarili ko kung bakit tinitiis iyon ni mama. Ganun ba talaga pagnagmahal? Kahit na masakit,at nasasaktan iniindahin. 

Dati ay di ko maintindihan pero ngayon alam ko na. 

Hindi pagmamahal ang tawag sa pagtitiis kundi katangahan. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, pero ang taong yun ay di pagmamahal ang ibinibigay sayo dapat ay tapusin na ang lahat ng ugnayan. 

Minsan ay iniintindi ko nalang din ang ginawang pag iwan sa akin ni mama. Di na niya siguro kaya pang magtiis sa kamay ng gago kong ama.

Naiinis ako sa aking sarili. Galit ako sa aking sarili. 

Dahil wala akong magawa para kay mama. 

Pero ang galit ko sa aking sarili ay kaunting nawala ng minsang may iniligtas akong batang lalaki sa loob ng bodega at yun ay Blaze. Nang oras na iyon ay may kakaiba akong naramdaman. Yung feeling na kahit kailan ay di ko makakalimutan hanggang sa huling hininga ng aking buhay. 

Pagkatapos ng araw na iyon ay lagi na kaming magkasamang dalawa. Para na kaming pinagdikit dahil kung nasaan ako ay nandoon din siya. Napakatahimik niya. Ramdam kong nahihiya siya sa akin. 

"Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?" pagtataboy ko sa kanya. Nung una kasi naiinis ako dahil sunod siya ng sunod sa akin. Para bang ramdam ko na may buntot ako dahil sa kanya. 

"P-uwde bang sumama nalang ako sayo? Gusto kong laging nasa tabi mo," pautal utang niyang sagot sa akin. Di ko maintindihan pero may kakaiba na naman akong naramdaman ng sinabi niya yun. 

"Di ba mas maganda kong habang buhay na tayong magkasama. Gusto kong laging nasa tabi mo," dagdag pa niya na mas lalong naglakas sa kakaibang naramdaman ko nung mga oras na yun. 

Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Di ko alam kong anong isasagot ko. Nung una nilayuan ko talaga siya. Pero sunod parin siya ng sunod sa akin. Di siya sumuko sa pagsunod sa akin. Kaya nung isang araw na di parin siya tumigil ay diretso ko na siyang tinanong kong bakit siya sunod ng sunod at ang sagot niya lang ay

"Gu-gusto ko lang maging laging nasa tabi mo da-dahil gu-gusto kita," pautal utal niyang sagot. Ilang segundo ang lumipas bago lubusang pumasok sa tenga ko at tuluyang maprocess ng utak ko ang sinabi niya. Bahagya akong napaatras dahil sa sinabi niya. 

"A-anong pinagsasabi mo?!" irita kong saad sa kanya. 

"Alex, i-ikaw kasi ang unang taong nagparamdam sa akin na may halaga ako, ikaw ang unang taong nag alala sa akin, ang taong pinagalitan ako, ikaw ang nagligtas sa akin mula sa madilim na lugar na yun. At ikaw ang unang taong ngumiti sa harapan ko. Ikaw ang unang gumawa nun sa akin Alex," saad niya ng may kaunting ngiti at hiya sa mukha. 

"Kaya mahalaga ka sa akin, I like you and you're special to me Alex," dagdag niya. 

Ang mga titig niya sa akin. 

May kakaibang kirot ang mga titig na iyon. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon