Chapter 1

4.4K 100 6
                                    

Kayo na po muna bahala mag isip ng portrayer ng story nato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kayo na po muna bahala mag isip ng portrayer ng story nato. If meron kayong kilalang idol na pwede mag portray sa mga FC ng story na to kindly comment it below. I would be grateful for your participation to make this story catchy~ Kamsa~! 



ALEXANDRIA 


"WAG!"


Isang patpating babae ang tumilapon dahil sa pagsipa ng mas malaking babae sa kanya. Nasa isang silid sila kung saan madilim, parang bodega. Anong nangyayari? Bakit di siya lumalaban? 

Kailangan ko siyang tulungan! 

Kaya naman ay patakbo akong sumugod sa babaeng sumipa sa patpating babae. Isang sipa ang aking pinakawalan pero tumagos lang ang paa ko. Naging multo na ba ako? Bakit di ko magawang sipain ang gagong to? May Gad! Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang nakakakita ng ganito. 


Ngayon ay pinatayo ng isang lalaki ang patpating babae kanina. Pagkatayong pagkatayo nito ay isang suntok sa tiyan ang natanggap nito. Anong nangyayari? Gagahasain ba nila ang babaeng to?

"Aughhh!!"

Naikuyom ko nalang ang aking kamao habang pinagmamasdan ang pangyayaring iyon. 
Bakit wala akong magawa? Kung di lang talaga lumalagpas lang ang mga atake ko baka sira sira na ang mga mukha ng mga lalaking to, pati tong babae. Hayss..

Napayuko nalang ang patpating babae sa sulok ng kwartong iyon habang tinatanggap ang mga suntok at tadyak mula sa babaeng . 

Naiinis talaga ako sa mga taong ganito! Kumukulo ang dugo ko.

Ginagamit ang laki ng katawan nila sa maling paraan. Sa pang aalipusta ng kapwa. 

Lumipas ang ilang minuto ay nilubayan na din ng limang lalaki at isang babae ang patpating babae kanina. Tingin ko ay mga gangster ang mga yun na trip talagang mangbugbog ng walang kalaban laban. Buti nalang di nila ito ginahasa.

"Ughh!"

Napatingin ako sa patpating babae. Dahan dahan itong tumatayo. Pansin kung nahihirapan siya. Dahil siguro sa mga suntok at sipa na natanggap niya. Kinuha nito ang bag at salamin niya sa sahig at dahan dahang naglakad palabas. Wala ito sa sarili, may iilang butil ng luha sa mata at mga pasa mukha. 

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa gate ng kanilang paaralan. Nagpatuloy siyang naglakad na parang wala sa sarili. Sinabayan ko siya at napansin kung patuloy parin ang pagtulo ng kanyang mga luha. 

Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating kami sa isang bridge. Biglang huminto ang babae sa paglalakad ay umakyat ito sa bakal na harang ng tulay na iyon. 

"Wala ng silbi ang buhay kong ito," saad nito. Ano daw? Magpapakamatay ba siya?

"Nababaliw kana ba? Tingin mo solusyon ang pagpapakamatay sa problema mo ha?" sigaw ko pero parang wala lang siyang narinig. Tae naman oh! Hinawakan ko ang kamay niya pero kagaya ng nangyari kanina ay di ko magawa. 

"GUSTO KO NG MAMATAY!,"sigaw nito bago tuluyang tumalon sa tulay. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan siyang mahulog sa tulay. 


"WAGGGGGG!!!!!"


Bigla kong naimulat ang aking mata. Napabangon ako sa aking pagkakahiga. 

Isang panaginip! 

Tae naman oh! 

Anong klaseng panaginip iyon? Pa-parang totoo ang lahat. Naramdaman ko na parang totoo ang lahat. Siguro ay pagod na pagod lang ako dahil sa trabaho kaya ganun nalang ang aking panaginip. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon