Chapter 6

1.6K 54 2
                                    

I just want to inform you mga bago kong labs na every weekends ang update ng stories ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I just want to inform you mga bago kong labs na every weekends ang update ng stories ko. It is because I'm still working on my future "nag aaral pa po ako," all I need is your understanding and patience mga labs. :) 


ALEXANDRIA 

 "Please lang wag ka na munang maingay, kahit ilang segundo lang tayong ganito, pagkatapos nito ay aalis din agad ako kahit magmakaawa kang di ako umalis," saad ko gamit ang seductive kong boses. 

Nakasandal parin kami pareho sa pinto. Nakatitig lang siya sa akin na parang napakalalim ng kanyang iniisip. Di ko maintindihan pero parang binabasa niya ang aking mga mata. Tinatanya ang aking mukha. 

Bigla akong nakaramdam ng init sa aking mukha. Sigurado akong namumula na naman ako. 
Bakit ba kasi sa lahat ng lalaki si Blaze pa ang nandito. Kung di lang talaga dahil sa mga kumag na nasa labas di ko gagawin tong paglapit ko kay Blaze. 

Bat ganito? 


Masyadong mapagbiro ang tadhana sa isang Alexandria Flores? 

"ANO PA BANG GINAGAWA MO DIYAN? TAYO NA AXEL!!!!" sigaw ng isa sa mga kumag sa labas. Rinig ko naman ang kanilang mga yabag na papalayo na sa room na kinaroroonan ko. Pinalipas ko ang ilang mga sandali at dahan dahan ko ng inaalis ang kamay ko mula sa pagkakatakip ko nito sa mukha ni Blaze. 

Anak ng tinapa talaga! 

Nakatakas nga ako sa mga kumag na galamay ng Janella na yun pero nandito naman ako sa harapan ng lalaking to. Ang lalaking parte ng aking nakaraan, ang lalaking sigurado akong kinalimutan na ako. 

Ano na ngayong gagawin ko? 

I messed up with him! Mukha pa namang wala siya sa mood ngayon. 

"Uhhh.. So-sorry. Sige alis na ako," saad ko habang dahan dahan ng umaatras. Habang unti unting tumataas ang distansiya sa pagitan naming dalawa ay bigla kong naalala ang aming nakaraan. Di niya alam kung gaano ako nag inis sa pag alis niya ng wala man lang kahit na anong paalam. Di niya alam na sa bawat araw namimiss ko siya. 

"So totoo nga talaga ang mga balibalita," kalmang saad ni Blaze na nagpahinto sa pag atras ko. 

Ano daw? Anong ibig niyang sabihin? 

"Huh? " saad ko. 

"That you're a slut, an aggresive b*tch! Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon, para kang asong uhaw sa~ " di ko na hinayaang tapusin pa niya ang sinabi niya dahil isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap niya mula sa akin. 

How dare him na sabihin niya sa akin yun? 

Excuse me lang! I'm not like that, ako b*tch? Ohw come on!

"Opss!! Sorry ha, di ko sinasadya. Di ko lang kasi napigilan ang sarili ko e," pang iinis ko sa kanya. Hawak hawak niya ngayon ang pesnge niyang sobrang lakas kong sinuntok. 

Mali siya ng ininsultong babae! Kung ganun nga si Wenoana noon, siguro naman ay pwede ko ng baguhin ang image niya. Dahil ako na ang nandito sa katawan niya. 
Napakarami pala talagang taong judgemental sa buhay ng nerd nato. No wonder kung bakit she committed suicide. 


"Diyan ka na nga, you're just wasting my time!," saad ko pero di ako makalabas dahil nakaharang parin siya sa pinto. Tss.. anak ng pinakuloang tinapa. Basagin ko kaya mukha ng lalaking to?

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon