Chapter 23

1.1K 33 3
                                    

< Pagbabalik tanaw sa nakaraan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

< Pagbabalik tanaw sa nakaraan.  >


ALEXANDRIA FLORES 


Lumipas ang dalawang araw simula nung aksidenteng yun. Sa dalawang araw na iyon ay napakaraming nagbago kay Blaze. Di na siya ang batang Blaze na panay ang sunod sa akin. Nagbago na siya. Binago na niya ang pakikitungo niya sa akin. At naiinis ako sa ginagawa niyang yun. Everytime na magkasama kami ay di na niyang magawang makatingin sa akin ng matagal. Ramdam ko tuloy na parang na kokonsensiya talaga siya nangyari sa akin ng araw na yun. ?Minsan ay ramdam ko ring iniiwasan na niya ako. 

Nakakainis ang ginagawa niya sa akin. Bakit ba kasi kailangan niyang gawin ang pag iwas sa akin gayung okay na naman ako? 

Di naman niya kasalanan talaga. 

Kasalanan ko kasi humarang ako. 

Kasalanan ng mama niya kasi brutal siya kay Blaze. 


Dapat di na niya iniisip yun. 

Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero iniiwasan talaga ako ng loko lokong yun. Napasabunot ako sa buhok ko habang inaalala ang kainis na nangyayari sa amin ni Blaze. Gabi na at di parin ako makatulog. Nakahiga lang ako habang inaalala ang lahat. Nakakainis! 

"Uhhh! " daing ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Tumalikod ako mula sa pinto at nagkunwaring tulog. 

Sino kaya yun? 

Si papa? 


Baka bugbogin na naman ako? 


Wag naman sana. 

Napapikit nalang ako at tinanggap kung ano man ang susunod na mangyayari. 
Pero imbes na sipa o suntok ay haplos ang natanggap ko. Haplos sa aking ulo. Si mama pala ang pumasok. Dahil sa amoy na yun ay alam kong si mama iyun. Haharap na sana ako ng bigla na lang tumayo si mama at lumabas ng kwarto. 


Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay na gawa ni papa. Nagdadabog siya dahil iniwan na daw siya ni mama. Sa pagkarinig ko sa mga daing niya ay nakaramdam ako nang lungkot. Kaya pala binisita ako ni mama sa kwarto ko kagabi dahil iiwan na niya ako. Yun na pala ang huling pagkakataong maamoy ko si mama. Ang huling pagkakataong makakasama ko siya. 

Ang di ko lang maunawaaan ay kung bakit di niya ako isinama sa pagtakas niya sa kamay ni papa? Bakit? 

Bakit ganito? 

Bakit pakiramdam ko ay puro kamalasan ang nangyayari sa akin? 

Akala ko yun na ang pinakamalungkot na mangyayari sa akin ng mga oras na yun. Yun pala ay hindi. Dahil isang araw bumisita ako sa bahay nila Blaze. Ganun nalang ang paglaki ng mata ko nang makita kong sira na ito. Wari ay sinadyang sirain ng sino man. Nagtanong ako sa mga kapitbahay nila at nalaman kong lumipat na daw sila nang bahay. 

Ang Siga sa Katawan ng Nerd (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon