They say, "Everything happens for a Reason"
But Fate is so unfair to me.
I crossed paths with a woman that can never be mine. I crossed paths with a woman I can never spend my life with.
We met by accident, and it was the best accident that happened in my life.
I loved her with all my heart, but I know I can't be with her. It just can't. Because I'm from the 21st century and she's from the 20th century.
The only thing I can say right now is...
It is a privilege to be a part of your life...
"It is a privilege to be a part of your life..." napangiti ako nang malakas kong basahin ang huling linya sa liham. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita.
"Gusto niyo bang simulan ko na ang kwento?" tanong ko sa mga batang nakanganga sa harap ko. Nakapalibot sila sa 'kin at naka indian sit. Tutok na tutok ang mga brown na mata nila sa 'kin. Ang majority sa kanila ay four years old lamang kaya mahilig talaga sila sa mga kwento.
Isa-isa silang tumango ng nakangiti. Napangiti rin ako at binilang sila.
Two...
Four...
Six.
Anim na bata, teka nasaan ang isa? Nasaan na naman si Aaron?
"Aaron?" tawag ko sa pinakamatanda sa kanila. Six years old na ang totoy na 'to. Dark brown ang buhok niya, maging ang mga mata ay dark brown din na katulad sa 'kin. Medyo matangkad na ito para sa edad niya. Maputi at matangos ang ilong. Tisoy na tisoy ang itsura nito.
"Ayaw mo bang marinig ang kwento ko?" kunot noo kong tanong sa kanya. Nakita ko siya sa kusina na nakaupo at kumakain ng cookies na paborito niya habang naglalaro sa ipad niya.
Lumingon naman siya sa direksyon ko at ibinaba ang ipad na hawak nito. "I've heard it so many times na Tito. Almost memorized ko na nga 'yun eh." sabi niya pero lumapit pa rin sa 'kin. Mahahalata ang accent nito sa pagsasalita.
Alam niyang hindi ko siya titigilan hanggang hindi siya lumalapit sa 'min kaya naman wala siyang ibang nagawa. Lumapit siya sa kapatid at sa mga pinsan niya at nag-indian sit din.
Nginitian ko siya samantalang napabuntong-hininga na lamang siya. Ang cute ng mga batang 'to. Ang sarap pisilin ng mga pisngi.
"Okay!" ipinagdikit ko ang mga palad ko at nginitian ulit sila. Hinding-hindi ako magsasawang ikuwento ang istoryang ito sa kanila.
"This is the story of a young boy, who met a girl from a different place." panimula ko. Napangisi naman ako ng maalala ang unang mga pangyayari sa kwento. Isang nakakatawang panimula para sa isang malungkot na kwento.
"It all started with the boy running through the streets."
BINABASA MO ANG
DIVE [On-Hold]
Historical FictionHe's from the 21st Century She's from the 20th Century They fell inlove But the odds are against them.