Chase's POV
Naka-upo ako sa deck ng ship at nakabalot ng tuwalya. Hindi ko mapigilan obserbahan ang mga pasahero ng barkong 'to. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon. Nagkalat ang mga tao na ang mga suot ay pang 20th century pa. Mga bestida na hanggang talampakan, mga lalaki na naka suit at top hats at 'yung ibang lalaki, 'yung mga bigote nila ay naka-curve. Ang pinaka weird sa lahat ay 'yung pananalita nila. Masyadong formal ang pagsasalita nila.
This place gives me the creeps. Thankful ako dahil iniligtas nila ako pero... err how do I put this? Something's off in here.
"Mr? May I know your name?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng mga crew ng ship.
"Uhh Ch-chase, Allen Chase Farrell." medyo kumunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi ko. Sinulat niya ang pangalan ko sa isang papel.
Nagtanong pa ang lalaki ng iba't-ibang bagay tulad ng kung paano ako napunta sa dagat at kung ano-ano pa. Matapos akong interview-hin ay tumawag ang lalaki ng mga crew at pinagamot ang mga sugat na natamo ko sa tatlong unggoy.
"Uhh sir? Can I ask you something?" tanong ko sa lalaking kumuha ng pangalan ko.
"Where's this ship going to?"
"Liverpool, England." sabi nito sabay ngiti at lumakad palayo.
Holy broccoli! England?! How should I go home? Mom and Dad were probably worried about me right now. Dammit!
Kaasar! Naiwan ko 'yung satchel ko sa yacht ni Kid. Nandoon lahat ng gamit ko, pati ang phone ko. Paano ko tatawagan ang mga magulang ko? Pero okay na rin pala na naiwan ko 'yung satchel ko. Mababasa lang 'yun at lahat ng gamit ko. May mga libro pa man din sa loob.
Parang bigla akong nahiya nang may biglang dumaang babae sa harap ko. Nakakailang 'yung tingin niya at tingin ng ibang tao dito. Ibang-iba kasi ang suot ko sa kanila. Naka-long sleeves ako at maong pants tapos naka-rubber shoes ako samantalang sila ay formal ang suot. Ang bawat kilos naman ng mga tao dito ay may class kung tawagin. With grace and poise, ugh! Nakakasuya.
What the heck is really going on here? Is this some kind of an event? A party? Am I sort of a party crasher?
Habang ginagamot ako ng dalawang nurse siguro 'to eh hindi ko maiwasang mapangiwi. Ang sakit ng bawat paglapat ng gamot sa balat ko. Kaasar talaga! I want to punch some faces.
"Sir? Can I use your phone? I just need to inform my parents about my situation." I asked one of them. Tsk, Mom is probably worried as hell. Sabi ko sa kanya babalik agad ako, but here I am stuck in a weird ship and I don't even know if I can go home. I'm screwed.
Kumunot ang noo niya. Ano? May sinabi ba akong mali?
"Phone? Do you mean telephone?" I just nod awkwardly.
"My apologies sir, but there are no telephones in ships. Is this your first time being in a ship?"
Umiling-iling ako bago sumagot, "No this is not my first time on a ship, but... maybe I could use your cellphone or something?"
Kumunot lalo ang noo nitong lalaki na para bang may sinabi talaga akong hindi normal. Ano bang problema niya? Hindi naman ako abnormal. Tsaka kung ayaw niyang magpahiram, pwede naman niyang sabihin ng diretso.
"Se-cell...phone? I'm sorry, but this is the first time I heard something like that." this time, ako naman ang kumunot ang noo. Anong sinasabi niya? High ba siya?
He pat my shoulder and stood up before speaking, "Do not worry, you are safe in here. Also, we will inform the authorities about your situation once we docked in England." what the heck?
BINABASA MO ANG
DIVE [On-Hold]
Historical FictionHe's from the 21st Century She's from the 20th Century They fell inlove But the odds are against them.