Sixth Dive

49 4 2
                                    

Chase's POV

Nakahiga ako sa kama dito sa kwarto sa loob ng cabin ni Leonardo habang nakatulala sa kisame. Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko 'yung mga nangyari kanina. 'Yung time na nadulas si Hestia at tinulungan ko siyang tumayo, 'yung naging kuwentuhan namin, 'yung pagpapakilala niya sa 'kin kay Miss Amanda, at 'yung huling pag-uusap namin bago kami bumalik sa sariling mga kwarto. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang babaeng ilang beses ko nang nasilayan sa mga panaginip ko. It felt surreal.

Napabuntong-hininga ako ng maalala ang mga huling sinabi niya.

"I just miss my time." saad niya habang nakatanaw sa malayo. Napahawak ako ng mahigpit sa railings dahil sa sinabi niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko at nagpawis ang mga kamay ko.

"Y-your time?" tanong ko dahil sa sinabi niya. Posible nga kaya na pareho kaming hindi galing sa panahong ito? Posible kayang pareho kaming dayo sa panahong ito?

"What do you mean by your time?" tanong ko muli dahil hindi niya sinagot ang unang tanong ko. Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot.

"My time," ngumiti siya pero puno ng lungkot ang mga mata niya. Habang tumatagal ay mas kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Posible nga kaya? Kung naging posible sa 'kin, edi posible ring mangyari sa iba, hindi ba?

"The time when my parents' attention are all on me," napabuga ako ng hangin nang marinig ang sinabi niya. Medyo nadismaya ako sa narinig ko, pero parang may kung anong tumutusok din sa dibdib ko.

"Before, they used to do everything just to make me happy. Before, they made me feel their love. But I guess nothing lasts forever. They don't care about me anymore. They even forced me to leave our house and to live with Aunt Amanda." kuminang ang mga mata niya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata niyang may namumuong luha.

"W-what happened? I mean, I'm sure there's an explanation why they became cold towards you." she just shook her head and sighed. I pity her, mismong mga magulang niya ang nagtataboy sa kanya. Pero siguro naman may valid reason sila 'di ba? After all, she's still their daughter. Walang magulang ang may gustong masaktan ang anak nila.

Ngayon naintindihan ko na kung bakit tungkol sa pinagsamahan lang nila ng Aunt niya ang kinukwento niya. Hindi niya kayang magkuwento tungkol sa mga magulang niya. Kapag nagbaliktanaw ka sa nakaraan, ang isang naghilom na sugat ay muling magiging sariwa. Maaalala mo lang ang sakit na naramdaman mo dati. Maaalala mo ang pait, kaya mas pipiliin mo na lang na hindi na alalahanin pa.

Matapos 'yun ay hindi na kami nagsalita pa. Napagdesisyunan namin na bumalik na muna sa mga kwarto namin. Halatang nalungkot siya ng maalala ang mga magulang niya. Sino ba naman kasi ang hindi malulungkot? Kung ako nga nagtatampo rin kay Dad dahil minsan lang niya kami mabigyan ng oras, siya pa kaya na parehong magulang ang hindi siya kayang bigyan ng oras. Malulungkot talaga ang sino mang makakaranas noon.

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang front door na kumalabog. Napatayo ako at lumapit sa pintuan ng kuwarto na tinutuluyan ko. Akmang bubuksan ko na sana ito nang may marinig akong dalawang boses na nag-uusap.

"What the heck were you two thinking?" inis na saad ng isang lalaki. Hindi ko makilala ang boses. Boses ng isang teenager ang naririnig ko pero mahahalata ang pagiging seryoso nito.

"Don't blame it all to me, I'm just following her." boses naman ni Leon ang narinig ko. Sino ba 'yung kausap niya? Idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang mas marinig ang usapan nila. I'm not usually the nosy type of person but I can't stop myself from being curious.

"Tsk, why does she always do these things?" inis na saad ng lalaki. Nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa papunta sa direksyon ko kaya medyo napaatras ako.

DIVE [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon