Fifth Dive

67 8 8
                                    

Chase's POV

I can't control my heartbeat as we walk down the hallway, her arm clings to mine and we talk as if we knew each other for a long time. Pinag-usapan namin kung paano ako napunta sa dagat, syempre hindi ko sinabi lahat dahil tsk! Paano ko sasabihin na galing akong future 'di ba?

Nagku-kuwento rin naman si Hestia about sa buhay niya pero kaunti lang din ang mga impormasyon. Lalo tuloy akong naku-curious sa kanya.

Sinama daw siya ng Auntie Amanda niya sa cruise ship para magbakasyon. Ang weird lang, kasi sa bawat kuwento na sinasabi niya ay tungkol lang sa pinagsamahan nila ng Auntie niya.

"You know what? You remind me of someone I knew Mister Farrell." sabi niya at medyo pinaling ang kanyang ulo na para bang inoobserbahan niya ng mabuti ang itsura ko.

"Have we met before?" dagdag niya.

Umiling-iling ako bago sumagot, "No, I bet not." tumango-tango siya at tumingin ulit sa harap.

"You looked somehow familiar." sabi niya ulit.

Sandali kaming binalot ng katahimikan hanggang sa magsalita ulit siya.

"Oh! You're that boy last night!" sambit niya sabay harap muli sa 'kin."The cute guy who smiled at me--" umubo siya at marahang tinakpan ang bibig niya.

"I mean the guy who smiled at me while watching the moon right?" tumango ako at pinigil ang pagngiti. Cute? Me? Damn, she made my heart fluttered.

"So uh, you and your Auntie seems to be very close." pag-iiba ko ng topic. Para kasing nahiya rin siya sa sinabi niya.

She smiled and looked at me with her dazzling brown eyes. "Yes, we've been together for almost a year." I saw a glint of sadness in her eyes right after she said the last two words. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa pamilya niya at ayokong masira pa ang mood niya.

"So what are your plans after we get to England?" pag-iiba ko ulit ng usapan.

"We will go to Auntie's place and uh ... I don't actually know." hindi ko na alam ang sasabihin. Nakakailang lalo pa at nakasabit ang braso niya sa braso ko. Pakiramdam ko awkward na ang sitwasyon at pakiramdam ko namumula na ang mukha ko. Sana lang 'di niya makita ang pamumula ng mukha ko.

"Oh, do you want to meet my Auntie?" agad akong napalingon sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ipapakilala niya ko?

Parang ang sungit pa naman ng Auntie niya. Pang kontrabida 'yung itsura niya. Parang 'yung magagandang masusungit na humahadlang sa pag-iibigan ng dalawang puso sa mga teleserye. Eww ang corny ko. Tsaka sinong nag-iibigan? Chase! Wake up man! Ano bang iniisip mo?

"Uhm--" hindi na ako nakatanggi dahil agad siyang naglakad patungo sa pinanggalingan namin. At dahil sa nakahawak siya sa braso ko ay nadala niya ako.

"You sure it's okay for your Aunt to see me?" binigyang diin ko ang huling salita. Para kasing ang weird kung magpapakilala ang isang babae ng isang lalaki sa tumatayong magulang niya. Ewan, baka assuming lang ako.

Tumango lang siya at patuloy na naglakad habang nakasabit pa rin ang braso niya sa braso ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, kung puwede man 'yun. Ang daming scenario ang nabubuo sa utak ko. 'Yung tipong agad na hahatakin ni Ms. Amanda si Hestia palayo sa 'kin. Duduru-duruin ako at sisigawan ako na layuan ang pamangkin niya. O kaya ipakakaladkad ako sa mga crew nitong ship at ipakukulong sa lower decks. O kaya ipapatapon ulit ako sa dagat. Tsk. Why am I overreacting? What the heck is wrong with me?!

Naramdaman ko ang pagpapawis ng likod at ng mga kamay ko. Kinakabahan talaga ako, kaasar. Ano bang problema ko?

"Hey," dinig kong tawag ni Hestia sa 'kin kaya agad akong lumingon sa kanya.

DIVE [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon