Chase's POV
I felt the familiar cool breeze in my face. Nasa isang cruise ship ako at kasalukuyang nasa bow ng ship. Lumingon ako at nakita ang pamilyar na mukha ng isang babae. Her brown curly hair was flawlessly swaying with the sea air. She wears a red long dress with black linings. Ang disenyo ng kanyang bistida ay parang noong sinaunang panahon pa. Her brown eyes were fixed to the night sky. Lumingon siya sa 'kin at tinignan ako sa mga mata. She smiled and that's the most beautiful thing I've seen in my whole life. That smile made me feel something I never felt before. She's making me wish to stay right by her side.
I woke up to the sound of my alarm clock. Matapos kapain ang alarm upang patayin ay dahan-dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama ko. Napatingin ako sa pader at napatitig sa isang drawing. Sa drawing ng isang babaeng nakatingala at nakatingin sa kalangitan. Nakasuot siya ng pulang bistida. Hinahangin ang kulot at brown niyang buhok. Nakahawak siya sa railings ng ship at mukhang kalmadong-kalmado.
Hindi ko alam kung bakit pero palagi kong napapanaginipan ang scenario na 'yun. The same ship, the same girl, the same setting, the same dream. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yun. Hindi ko pa siya nakikita sa tanang buhay ko. Sa panaginip lang talaga.
Posible kayang nakilala ko siya sa past life ko? Nah! That was impossible. Hindi naman totoo ang reincarnation. Hindi ako naniniwala sa ganon.
Matapos mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang satchel ko sa sahig at inilagay ang mga gamit ko. Nag-double check muna ako kung may kulang pa ba sa gamit ko bago ako lumabas ng kwarto. Sinalubong naman ako ni Mom at pinasadahan ako ng tingin. Kumunot ang noo ko at tinignan ang suot ko. Wala namang mali ah? Nakamaong na pantalon ako, tapos naka grey na long sleeves. Nakatiklop ang sleeves ko hanggang sa siko ko. Pinaresan ko naman ng itim na rubber shoes ang outfit ko. Suot ko rin ang paborito kong wristwatch. Gamit ko 'to since junior high at may sentimental value talaga. Pero maganda rin naman kasi talaga 'to. Waterproof at bumabagay sa kahit na anong outfit.
"Mom, why are you lookin' at me like that?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong na siya. Para kasi akong isang kriminal dahil sa paraan ng pagtingin niya.
"Saan ka pupunta? Weekend ngayon, wala kang pasok." kunot noo niyang tanong.
Nginitian ko lang siya sabay sabing "I'll go to the library, I'll borrow some books. Kulang po kasi 'yung infos sa internet. I need more reference for--" she cut me off by raising a finger.
"Okay okay," she chuckled and walked towards the kitchen. "Hindi ka man lang ba kakain bago umalis?"
I shrugged before answering, "Hindi na po, babalik din naman po ako agad." tumango lang siya at hindi na nagtanong pa. Lumapit muna ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya bago tuluyang lumabas ng apartment.
Naglakad agad ako papunta sa elevator at pinindot ang button. Habang hinihintay na bumukas ang pinto ay hindi ko maiwasang isipin kung sino ba 'yung babae sa panaginip ko. Sigurado naman ako na hindi siya isa sa mga exes ko. Emphasis on the word "exes". Damn, I never dated a single soul. Dating is such a waste of my precious time. I've never been into a serious accident kaya imposible din na may minahal ako noon at kinalimutan siya ng utak ko.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko talaga maisip kung sino 'yun. Ang weird kasi na palaging siya ang napapanaginipan ko kaya hindi ko maiwasang mag-isip. May times na hindi ako nananaginip at may times na iba ang napapanaginipan ko. But that dream, that dream is so frequent.
Pero come to think of it, the dreams started when we moved here in New York. I felt the hair at the back of my neck rose, like I was struck by a lightning. It was all because of a sudden thought.
BINABASA MO ANG
DIVE [On-Hold]
Historical FictionHe's from the 21st Century She's from the 20th Century They fell inlove But the odds are against them.