Chase's POV
"Run for your life!" sigaw ng isa sa mga tatlong lalaking humahabol sa 'kin habang tumatawa.
'Wag niyo nang itanong kung bakit nila ako hinahabol kasi hindi ko rin alam. Mga bully sila sa University namin at napagdiskitahan lang nila ako ngayon. Kakatapos lang ng klase pero nakahanap na agad sila ng biktima.
Ugh! Living in a foreign country actually sucks. Especially if you don't grew up here. Grr, racists.
"Run faster faggot! 'Cause we're chasing you Chase!" kaasar. Nagtawanan ang mga unggoy dahil sa sinabi nung lider nila.
"AH!!" napasigaw ako nang bigla na lang may dumaan na sasakyan sa harap ko. Lalong nagtawanan 'yung mga panget sa likod ko.
"Argh! One day I'll get my revenge you monkey face!" sigaw ko sabay takbo ulit. Lalo nila akong hinabol dahil sa sinabi ko.
May mali ba sa sinabi ko?
Binilisan ko ang pagtakbo ko. Feeling ko ako si Flash at hinahabol ako ng mga kalaban ko. I outrun them easily since my body is trained. Marathon athlete ata ako.
Nang makakita naman ako ng isang makipot na eskinita ay agad akong lumiko dito. Nagtago ako sa likod ng isang trash bin at hinintay na lumagpas 'yung mga unggoy.
Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko at nakita ko ang mga pangit nilang mukha na pawis na pawis na. 'Yung unano ay nakalabas na ang dila sa pagod. Pa'no ba naman kasi, ang liit ng mga biyas niya. Mahihirapan talaga siyang tumakbo at sabayan 'yung dalawang unggoy na kaibigan niya.
"Where'd that weakling go?" humahangos na tanong nung lider at pinakapanget sa kanila. Siya rin 'yung pinakamalaki ang katawan sa tatlo.
"Maybe he ran to his mother!" sabi naman nung pinakamaliit sa kanila sabay tawa. Itong unano na 'to. Kung hindi lang niya kasama 'yung barkada niyang unggoy eh nabugbog ko na 'to. Mas maliit pa siya sa 'kin eh.
Napatingin ang isa sa kanila sa direksiyon ko kaya agad akong napatago. Damn! Wag sana akong makita. Wag sana akong makita. Wag sana akong makita!
"Maybe he hid under those trash like him." sabi naman nung 'sing payat ng palito ng posporo sabay lapit sa puwesto ko. Naturingan pang red head siya. Aish! Sisilaban talaga kitang posporo ka pagnagkataon. Kaasar!
Dinig ko ang dahan-dahang paglapit ng isa sa kanila patungo sa pinagtataguan ko. Para na akong ewan dahil pilit kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa likod ng basurahan para lang 'di nila ako makita.
Kaasar kasi! May tatapusin pa akong project eh! Sagabal sila sa schedule ko! I need to adjust my damn schedule because of them. Tss.
Natanaw ko ang makinis na ulo ni Kid, 'yung lider nila. Kumikinang 'yun dahil sa liwanag ng araw. Ang sarap niyang sigawan ng kalbo. Pakiramdam ko nga pwede na akong manalamin don eh.
Napapikit ako nang tuluyan kong nakita ang panget na mukha ni Kid. Nakakatakot. Grr. Narinig kong binuksan na niya ang trash bin. Nagpapawis naman na ang kamay ko ng dahil sa kaba.
"He's not here! Let's look at the pier." sabi nito sabay hatak doon sa dalawang unggoy. Napabuntong hininga ako ng makaalis 'yung mga unggoy. Kaasar. Ang lakas mangtrip. Ewan ko ba sa tatlong unggoy na 'yun. Walang ibang magawa sa buhay kundi mangbwisit ng iba. Maganda naman ang mga buhay nila. May mga magagandang bahay, buo ang pamilya, at nakakapag-aral sa isang magandang university. Tsk.
Tumayo ako at naglakad palayo sa dinaanan nila. Napagod ako. Kaasar.
Para hindi nila ako makita ay tinungo ko na muna ang daan papunta sa public library. Doon ko na lang gagawin ang homework at ang pagre-research para sa project ko. Kinuha ko ang maliit kong notebook mula sa satchel ko. Binuklat ko ito at tinignan ko ang mga nakasulat dito na dapat kong gawin para sa araw na 'to.
BINABASA MO ANG
DIVE [On-Hold]
Historical FictionHe's from the 21st Century She's from the 20th Century They fell inlove But the odds are against them.