Seventh Dive

48 6 0
                                    

Chase's POV

Nakaharap ako sa salamin habang tinititigan ang sarili ko. Nakasuot ako ng pormal na damit tulad ng suot nila Leon. Napangisi ako dahil sa damit ko. Saktong-sakto ito sa ‘kin, parang sinukat. Inayos ko ang medyo mahaba kong buhok at hinawi ang buhok na tumatakip sa kaliwa kong mata. Tinignan ko rin ang ngipin ko kung wala bang kahit na anong dumi, mahirap na, baka mapahiya ako sa harap nila.

Sobra na akong kinakabahan. Mabilis ang tibok ng puso ko at nagpapawis ang kamay ko. Mamaya na kasi ang dinner na sinasabi ni Ms. Amanda kaya kailangan ay presentable akong humarap sa kanila. Nakakahiya kasi eh. Mabuti at maraming extra-ng damit si Leon kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap ng maisusuot na damit.

Speaking of Leon, wala akong choice kung hindi ang manatili sa cabin niya. Wala naman akong ibang kilala dito sa barko. Napatingin ako sa wristwatch ko at tinignan ang oras. 6 PM na at nandito pa rin ako sa loob ng kwarto. Buong araw akong nakakulong dito. Pinadalhan lang ako ni Leon ng pagkain sa mga crew dahil sinabi kong wala akong ganang lumabas. Pero sa totoo lang, iniiwasan ko talaga siya. Ewan ko, nahihiya akong makita siya. O baka hindi lang ako handang makita siya. Kahit pa kasi sinabi ni Alonso na mapagkakatiwalaan siya, hindi ko pa rin maiwasang magduda. Trust issues I guess? But you can’t blame me. Malay ko ba kung anong ginawa niya, ginawa nila ng kasama niya. Sa pagkakatanda ko kasi, may kasabwat pa siyang babae. Tsk.

Napatigil ako sa pag-iisip at napalingon ako sa pintuan ng biglang may kumatok dito. Napabuga ako ng hangin at tinignan ang suot ko sa huling pagkakataon bago lumapit sa pinto at pagbuksan ang kumakatok dito. Bumungad sa ‘kin si Leon na nakasuot ng pormal na damit tulad ng lagi niyang suot.

“Are you ready?” he said and smiled at me. I just nod and walked past him. Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin matapos kong marinig ang pag-uusap nila nung lalaki kahapon. Ewan ko ba, ang awkward lang. Tulad nga ng sabi ko kanina, hindi ko pa rin maiwasang magduda. Kailangan kong malaman kung sino ang kausap niya kahapon, kung sino ‘yung babaeng tinutukoy nila, at kung ano ang ginawa nila. ‘Yun lang ang paraan para mapagkatiwalaan ko si Leon ng buo. Damn. My curiosity would kill me.

Maglalakad na sana ako palabas pero hinawakan niya ang braso ko. “Are you okay?” I just nod. Ni-hindi ko siya matignan sa mukha. Damn. Kung pwede lang sana akong magkulong at matulog na lang edi sana wala ako sa awkward na sitwasyon na ‘to. Kaya lang hindi naman ako pwedeng magkulong ngayon, kailangan kong sumipot sa dinner na sinasabi ni Ms. Amanda. Ano na lang ang iisipin niya kapag hindi ako sumipot? Ano na lang ang iisipin ni Hestia?

“Seems like something is bothering you.” Saad pa niya bago bitawan ang braso ko. I sighed before facing him. “I’m just nervous.” Sabi ko na lang. Pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Sana maging maayos ang kalabasan ng dinner namin.

Leon smiled at me and tapped my shoulders. “You’ll do fine. Don’t worry, I do believe that they will like you. You are a decent kid.” Matutuwa na sana ako eh, kaya lang nabuwisit ako sa huling salitang sinabi niya. I’m not a kid anymore!

Lumipas pa ang ilang minuto at nagtungo na kami ni Leon sa dining hall. This is my third night here in this ship called Neptune but it never failed to amaze me. Ang ganda talaga ng mga disenyo dito. Pakiramdam ko isa akong blue blood at kasama sa royal family. Pero siyempre extra lang ako dito. Sabit lang. Kung hindi nga ako kinupkop ni Leon, malamang servant lang din ako dito. Tagahatid ng pagkain nila, pero kung si Hestia ang pagsisilbihan ko, I would gladly do it. Err, another cheesy line.

Nakita namin sina Hestia na nakaupo sa isang oval shaped table kasama ng ibang mga mayayaman na mga tao. Hinawakan ako ni Leon sa likod at marahang tinulak papunta sa kanila. Na-istatwa kasi ako nang makita si Hestia. Naka-ipit ang buhok niya at may kaunting natira sa gilid ng mga tainga niya. Nakasuot siya ng isang maganda asul na bistida. Naka-suot naman siya ng hikaw na rosas ang disenyo. Ang ganda niya. Kaya lang parang hindi siya masaya. Ano kayang nangyari sa kanya?

DIVE [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon