Chase’s POV
“Let me do that.”
“I’ll take care of it.”
“Wait here.”
“I’ll do it.”
Parang masisiraan na ako ng ulo dahil sa nangyayari sa bahay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis. Simula kasi nang maging butler ko si Darrell ay wala na kong ibang ginawa dito kung ‘di maupo at hintayin siya. Hindi naman ako disabled, tsk.
Si Darrell na ang gumagawa ng mga bagay-bagay para sa ‘kin. Hindi naman ako sanay na pinagsisilbihan ako. Tsaka isang may kaya na tao lang naman ako, sabit lang ako kay Leon eh.
Ito naman kasing si Leon ang OA. Nabugbog lang ng isang beses, nag-hire na agad ng butler para sa ‘kin! Gets ko naman na sagutin niya ako dahil sa kanya ako tumitira pero… argh!
“Let me carry that.” Saad ni Darrell at kinuha sa ‘kin ang basket na puno ng madumi kong damit.
Masyado niyang sineseryoso ang pagiging butler niya.
Bakit ba siya pumayag sa trabahong ‘to? Mayaman naman siya, hindi niya kailangan ng extra-ng income. At bakit siya pa talaga ang kinuhang butler ni Leon? Hindi naman ako kumportableng kasama siya.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration.
“Mr. Farrell, do you need anything?” dinig kong tawag ni Darrell sa ‘kin matapos dalhin sa laundry ang mga damit ko.
Tinignan ko lang siya ng masama bago sumagot, “No, I don’t need anything! And stop calling me ‘Mr. Farrell’, it’s just Chase.”
“Why are you so upset, huh? Chase?” He emphasized my name which made me roll my eyes.
“Why did you even agreed to this?”
He just shrugged and said, “It seems fun, and I want to try some new things. I’m getting bored being alone.”
Naglakad siya palayo sa ‘kin bago muling magsalita, “Just call me if you need anything, Chase.”
Napasapo na lang ako sa ulo ko. Kainis.
Lumabas na lang ako ng mansion at tumambay sa garden. Halos mabaliw na nga ako kakaisip kung paano makakabalik sa panahon ko, tapos dumagdag pa sa sakit ng ulo ko si Darrell.
Napabuga ako ng hangin bago maupo sa isang bench.
Napatingin ako sa mga bulaklak na nasa garden, especially doon sa mga pink na may fluffy petals. I think peonies ang tawag sa mga ‘yon. Ang ganda nila tignan.Bigla naman akong may naisip. Hindi naman siguro magagalit si Leon kung pipitas ako ng ilang bulaklak ‘di ba?
Gusto ko kasing bigyan si Hestia ng mga bulaklak, nakailang bisita rin siya sa ‘kin noong nabugbog ako. Tapos dinalhan pa niya ako ng mga prutas. This is not much but, at least I have a gift for her. It’s just, I don’t want to thank her, empty handed.
Pumitas ako ng mga limang piraso bago muling pumasok sa loob. Binalot ko sa isang papel ang mga bulaklak bago hanapin si Darrell. Sinabi naman niya na tawagin ko lang siya kung may kailangan ako hindi ba?
Nakita ko siya na nagbabasa sa library. I tapped his shoulder and he just raised an eyebrow without even looking at me.
“What can I do for you, Chase?”
I ignored his teasing voice and just told him what I need. “Can you drive for me?”
Agad napaangat ang tingin niya sa ‘kin at napakunot ang noo. “Where do you want to go?”
BINABASA MO ANG
DIVE [On-Hold]
Historical FictionHe's from the 21st Century She's from the 20th Century They fell inlove But the odds are against them.