Chase’s POV
“It’s amazing knowing there are thousands of stars out there. But they all looked beautiful.” Saad niya habang patuloy na nakatingin sa kalangitan.
I smiled and looked at the stars. “There might be thousands of stars in the sky…” then I looked at her again. “But only one caught my eyes.”
Hindi ko alam kung anong sumapi sa ‘kin at sinabi ko ‘yun. Pero lahat ng sinabi ko, totoo. From the very moment I saw her here, she already caught my attention. At kahit siguro hindi ko siya nakita sa mga panaginip ko, makukuha niya pa rin ang atensiyon ko. It’s like something’s pulling me towards her.
Dahan-dahan siyang napalingon sa ‘kin. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
I stared directly at her eyes, her dazzling brown eyes. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko, Ayokong mawalay sa babaeng ‘to. I want to know her more. I need to know her more. Gusto kong malaman ang lahat sa kanya. This feeling is so hard to understand, but I like it.
She smiled before facing the stars again. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yun sa lamig o dahil sa hindi ko maipaliwanag na damdamin.
Nanatili kaming tahimik habang pinagmamasdan ang kalangitan. Ilang minuto pa kaming nanatili sa pwesto namin bago mag-decide na pumasok na ulit. Malamig na kasi talaga.
Nang makabalik sa dining hall ay naabutan namin sina Leon at Ms. Amanda na masaya pa ring nag-uusap. Wow, mukhang nagkakamabutihan ang dalawa. Wala na ang ibang nakasalo namin sa dinner kanina, malamang ay bumalik na sila sa sarili nilang mga kwarto.
“Oh Hestia, dear, do you want to go back to our room already?” Hestia nods her head. Kaya naman umalis na sila ni Ms. Amanda at naiwan kami ni Leon. Nag-aya naman si Leon na bumalik na sa cabin dahil inaantok na daw siya. Tumango lang ako at nauna nang maglakad.
* * *
I found myself smiling while remembering what happened last night. Kanina pa ako nakahiga at nakatingin sa kisame. Kanina pa rin ako parang baliw na ngiti ng ngiti. Ewan ko ba, hindi ako maka-move on sa nangyari kagabi.
Pero nawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa bigla kong naisip. Napabangon ako at napatingin sa labas ng bintana. Ano na kayang nangyayari sa taong 2019? Ano nang nangyari sa pamilya ko? Hinahanap kaya nila ako?
This is my third day here in this ship, meaning tatlong araw na rin ang nakakalipas nang mapunta ako sa panahon na ‘to. Isang araw na lang at makakarating na kami ng England.
What should I do then? Paano ako makakabalik sa panahon ko? I can’t just stay here and wait for another miracle to happen. Kailangan kong malaman kung paano ako makakauwi.
Tumayo ako at lumabas ng cabin. Siguro naman may library dito sa loob ng ship ‘di ba?
Nagtanong-tanong ako sa mga staffs kung mayroon silang library at hindi nga ako nagkamali. Sinamahan ako ng isa sa mga staff at nang makarating doon ay napabilib pa rin ako. Alam kong lahat ng disenyo dito sa barkong ‘to ay maganda pero lagi pa rin akong napapamangha ng barko.
Ang mga table at mga upuan ay gawa sa mahogany at tulad ng ibang furniture dito sa barko ay nakakabit ito sa sahig. May ilang bookshelf ang nakahilera sa gawing kanan ng silid. May carpet dito sa loob na kasing pula ng rose. Ang mga bintana naman ay nakapagbibigay ng liwanag at ng nakakakalmang ambiance dito sa loob.
Nagpasalamat lang ako sa crew at agad ding tumingin ng mga libro na pwedeng makatulong sa ‘kin. Hindi ako sigurado kung anong hinahanap ko. Pero siguro mga libro na may kinalaman sa time travel? ‘Yon lang naman ang maaaring dahilan kung paano ako napunta dito.
BINABASA MO ANG
DIVE [On-Hold]
Historical FictionHe's from the 21st Century She's from the 20th Century They fell inlove But the odds are against them.