Tenth Dive

10 3 0
                                    

Chase’s POV

“Chase, wake up.”  Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko kaya naman napamulat ako at napaayos ng upo.

Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa kotse nga pala ako kasama si Leonardo Patterson. Tulad ng mga kotse sa Sherlock Holmes ang sinasakyan namin ngayon, itim at luma ang disenyo. Mukhang nakarating na kami sa bahay niya.

“We’re here.” Saad ni Leon na para bang nabasa ang nasa isipan ko.

Bumukas ang pinto ng kotse at sinalubong kami ng mga servants. Tila napako naman ang mga paa ko sa sahig dahil sa nakita ko.

Hindi bahay ang mayroon si Leon, kung ‘di ay isang mansion. Front door pa lang ay sobrang engrande nang tignan. Hindi ko nakita ang kabuuan ng mansion sa labas kanina dahil natutulog ako, pero halatang malaki ang bahay.

“Welcome back Mr. Patterson.” Saad ng isang middle aged na babae. Nakasuot siya ng uniform ng mga servant. Mukhang siya ang namumuno sa mga servant.

Ipinakilala ako ni Leon sa kanya at nalaman kong ang pangalan niya ay Carol. Tulad ng hinala ko ay siya nga ang Head Maid ng mansion. Ngumiti naman ng napakalawak sa ‘kin si Ms. Carol bago ako samahan sa kuwartong tutuluyan ko.

Pagpasok ko pa lang sa loob ay isang malaking chandelier na nakasabit sa mataas na ceiling ng bahay agad ang bumulaga sa ‘kin. Sa kanang bahagi ng silid ay may stairway na sobrang engrande tignan. Umakyat kami doon at hindi ko na naman maiwasang mamangha.

Palace ata ‘to hindi mansion.

Maganda ang interior ng mansion ni Leon. Kaunti na lang at iisipin ko na anak siya ng hari o ng isang dugong bughaw.

Sa hallway din ay may nakalatag na red carpet at may mga paintings at sculptures na naka-display. May mga Greek gods akong nakita at mga pamilyar na paintings na connected din sa Greek mythology.

Mukhang mahilig si Leon sa Greek culture.

Nasa second floor ang kuwarto na binigay sa ‘kin ni Leon. Spacious din ito, may isang kama sa gitna, aparador sa bandang kaliwa ng silid, nasa kanan ng kama ang study table at may balcony.  Hindi ito nalalayo sa kuwarto na ginamit ko sa RMS Neptune. Mas spacious lang ang kwarto na ‘to.

Binuksan ko ang pinto papunta sa balcony at sumandal sa railing. Napatingala ako at nakita ang nagkikislapang mga bituin sa langit.

Hindi ako makapaniwala na nasa Liverpool, England na ako. Parang isang panaginip ang nangyayari sa ‘kin, pero alam kong gising ako ngayon.

Naalala ko ang oras na pareho kami ni Hestia na nakatingin sa mga bituin. Na-miss ko siya bigla.

Nang dumaong ang barko kanina sa pier ay hindi ko na ulit siya nakita. Bumalik kasi ako sa loob para puntahan si Leon, tapos nag-unahan na ang mga tao pagbaba ng barko. Kaya naman hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya.

Makikita ko pa kaya siya? Malamang busy siya sa mga gagawin nila ng Aunt Amanda niya. Nandito sila para magbakasyon kaya malamang madami silang nakaplanong gawin.

Dapat siguro magplano na rin ako ng mga dapat kong gawin. Magpapasama na lang ako kay Leon papunta sa public library. Sana lang may mahanap akong kasagutan doon.

Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng katok. Binuksan ko naman ang pinto at bumungad sa ‘kin si Ms. Carol. May dalawang lalaki sa likod niya na may dalang mga bagahe.

“Mr. Farrell, here are your belongings,” She ordered the two men to put all my things inside.

Sinabi ko na lang na ibaba sa loob ang mga bagahe at ako na lang ang mag-aayos mamaya. Nakakahiya naman na pinagsisilbihan nila ako, hindi naman ako mayaman. Sabit lang ako eh.

DIVE [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon