Maraming Salamat

3.4K 36 2
                                    

Noong una kitang nakita,
mata ko ay sayo nakadirekta.
Nagulat ako sa pangyayari na iyon, hindi ko kasi inakalain na mangyari yun.
Nagkakilala tayo sa isang laro,
na tayo ay magkalaban at may halong biro.
Inasar mo ako pero ako ay nagalit saiyo, yun pala iba na ang nararamdaman ko sayo.
Pagkagising ko ng isang araw nalaman ko... gusto na kita!
Tinago ko sa sarili ko ito dahil natatakot ako sa mangyayari sa susunod, pero ako ay nabigo.
Ng malaman mo ang pag kaibigan natin ay nagibo.
Ngayon hindi na ikaw ang nakilala ko na parati akong kinakausap at pinapansin, ngayon iniiwasan mo na ako at hindi pinapansin.
Sa maliit na bagay na iyon nasira ang ating pagkakaibigan.
Kaya ko ito itinago ng matagal dahil alam kong may mangyayari at ngayon yun ay nangyari.
Pero hindi ko rin kaya na magalit sayo dahil wala na rin akong magagawa para balikan pa ito.
Tanging hiling ko ngayon na sana ay bumalik ka sa dati mo.
.....
Ito nalang ang masasabi ko... SALAMAT!!!
Salamat sa lahat ng memories na nangyari saatin.
Maraming salamat sa mga dating panahon na ako'y masaya na ikaw ay kasama.
Last word ay ngayon parang "Mahal Na Kita"... pero wala na.
Sana maka move on ako sayo at makahanap ako ng kapalit para sa ikabubuti ko.
Maraming salamat ulit.

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon