Hanggang Kailan Ko Pa Kaya

722 5 4
                                    

Simula dati palang ay gusto na kita, hindi ko lang sinabi dahil alam kong iiwas ka.
Naghanap ako ng tamang panahon na ito'y aminin, pero masakit ang nangyari.
Isinulat ko sa isang papel kung saan nilagay ko yung buong pagmamahal at pagkagusto ko sayo pero ano ginawa mo?
Itinapon mo!
Ang sakit kasi lahat ng effort ko ay ipinakita at ibinigay ko sayo pero hindi mo man napansin dahil sa katangahan mo.
Alam kong ako naman rin yung tanga dahil umaasa ako sayo ehhhh pero sana naman binigyan mo ako ng parang reward dahil sa pagtratrabaho ko.
Nung Valentine's naman binigyan kita ng rose pero hindi ko sinabi sayo, inilagay ko nalang bigla sa table mo at yung pagkakita mo nagtaka ka kung sino nagbigay nun.
Ako yun!
Ako lang naman yung loyal parin sayo kahit nagmumukha akong tanga sa harapan mo ehhh.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kong kaya ito.
Masakit na kasi!
Gusto ko lang naman na pansinin mo yung effort ko ehhhh para hindi lang nasasayang.
Kahit ilang beses akong nasasaktan hindi ko kayang limutin ka kaya hanggang kailan ko pa ba kaya?

Dedicated to: wallflowerazalea

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon