Mahal Mo Siya

843 5 0
                                    

Simula ng panahon na nagkagusto ako sayo ay wala na akong gusto kundi magustuhan mo rin ako.
Habang tumatagal yung panahon ay napapamahal na ako sayo.
Naghintay ako para sa sagot mo pero nagulat ako.
May mahal ka na palang iba.
Nung nalaman ko ito ay hinayaan ko lang at itinuloy ko parin ang pagkagusto ko sayo, sana nga lang makita mo yung effort sa pagpapatagal ng pagkagusto ko sayo.
Sana man lang nagbigay ka ng attention kahit na maiksing panahon lang para hindi masayang ang matagalang kong pagkagusto ko sayo, pero nasayang lang yung panahon ko.
Masakit tanggapin na ang mahal mo ay iba kahit alam mong gusto kita at wala nang iba.
Alam ko naman na mas maganda siya, mabait, matalino... yun ba ang gusto mo ehhh di gagawin ko para mapansin mo lang yung effort ko.

...

Sige, tatanggapin ko na kahit para saakin ay masakit at least masaya ka sa piling niya.
Ngayon ay nagpapansinan na tayo muli bilang magkaibigan kaya ako'y masaya na muli.
Pero hanggang ngayon gusto kita pero masaya parin ako dahil masaya ka.
Basta tandaan mo nalang... Nandito lang ako para mahalin ka.

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon