Ang Hirap Mong Basahin

328 3 0
                                    

Bakit ba? Bakit ba ang gulo mo? Bakit ang hirap mong ipakita? Bakit ba ang likot mo?
Nung may ideya ka na ng pagkakagusto ko sayo, ay sinabi mo bigla na ang gusto mo yung kaibigan ko.
Nahirapan akong tanggapin na iba ang gusto mo, na kahit pinipilit ko ang lahat para ako ang mapansin mo.
Sa sobrang sakit ng nalaman ko yung balitang iyon, nagawa ko yung mga bagay na hindi dapat ang ginawa kong solusyon para matangal yung sakit ng nararamdaman ko.
Nagawa ko yung mga maling bagay na hindi dapat gawin, yung mga bagay na alam ng mga taong nadepressed din.
Bakit mo nga ba siya gusto? Hindi mo nga sinabi kung ano yung kadahilan ng pagkagusto mo sa kaibigan ko.
Nung nalaman na ng iba na gusto mo siya ay pinagaasar ka na sakanya.
Nakangiti ka, nakatitig ka, nakatanga ka sakanya kahit alam mong ayaw ka niya pero kahit ano ay pinipili mo parin siya.
Bakit di naman ako? Bakit di naman ako ang pansinin ng puso mo?...
Pero ito pa ang nagpapagulo...

Bakit iba ang galaw mo kapag kasama mo ako? Bakit gumagawa ka ng paraan para makuha atensiyon ko? Bakit itinatawag mo ako sa nickname ko na hindi kita binigyan ng permiso kundi lang ang mga kaibigan ko? Bakit mo ako tinatanong parati kung sino gusto ko?...

Ang gulo mo... Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Bakit sinabi mo lang nung Miyerkules wala ka ng gusto pero pagkatanong ko sabi mo yung kaibigan ko? Ano ba ginagawa mo? Pinapaselos mo ba ako o ginugulo lang ako ng utak ko? Ano ba talaga?
Ang hirap mong basahin sobra...

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon