Hanggang Pagtingin Lamang

279 3 0
                                    

Ito nanaman ako nakatitig sayo, sa bawat kilos at pagsalita mo.
Ang pogi mo sobra sa malayo, pero ang pagtitingin lang ang kaya ko.
Hindi ko nga alam kung alam mo ang pangalan ko eh... Basta ang alam mo na kapatid ako ng teacher mo.
Natatandaan ko pa nga nung una nating pagkikita...
Habang sabay tayo bumaba sa hagdan ay biglang nagsabi ka ng hi saakin, mga kaibigan mo pa nga inasar ka saakin eh.
Nagsmile at nagsabi ako sayo ng hi pabalik, biglang nakasmile ka din na nasasabik.
Parehas din ng araw na iyon ay nakita mo ako tapos nag hi ka nanaman saakin, nag hi ulit ako sayo pero parang may nakakalimutan ata ako... Hindi ko pala alam ang pangalan mo!
Simula nun ay nagtanong at tiningnan ko kung ano man ang pangalan, biglang isang araw natandaan ko yung mukha mo at itinanong ko sa kakilala ko... Simula nun ay nakilala na kita :-)
Araw araw parati ako kinikilig kapag ika'y aking nakikita.
Parati kita hinahanap para malapitan kita.
Kung pwede nga lang ay mapansin mo ako ng parati...pero hindi lahat nangyayari.
Minsan nga tinatry kita masabayan ulit sa pagbaba ng hagdan para maulit yung una nating pangyayari.
Pero para sa ngayon hanggang tingin nalang muna eh....

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon