#Friendzone

962 8 0
                                    

Simula bata palang, tayo at nagkakilala.
Nagusap, nagkwentuhan at sa huli naging magkaibigan.
Araw araw ay parati tayong naglalaro at naghahabulan.
Pagdating naman sa gabi tayo ay nagtetext at nagtatawagan.
Parati akong masaya kapag kasama kita, pero sana habang lumalaki tayo ay hindi natin iiwanan ang isa't isa.
Habang tumatagal ay may mas nararamdaman na ako sa pagkakaibigan natin at parang... Nagugustuhan na yata kita.
Ayoko naman masira ang pagkakaibigan natin pero ayoko naman magsinungaling.
Sana naman ganun rin ang nararamdaman mo saakin.

Ito na tayo harap harapan.
Ito na sinasabi ko na sayo pero hindi ka nakangiti habang sinasabi ko biglang nagtataka ako kung bakit pero biglaang sinabi mo saakin
"Sorry pero mahal din kita pero bilang isang kaibigan"

Nakangiti ako sayo hanggang mawala ka, kahit sa loob hindi ako masaya.
Ang sakit sa pakiramdam na akala ko na tayo ay may pag asa, pero yun pala ako lang ang umasa.
Alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin pero hanggang ngayon hindi parin nasisira ang pagkakaibigan natin.
Okay lang siguro yun may iba pa naman diyan na pwedeng mahalin, pero at least hindi nasira ang ating sumpain.

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon